Lesson I - Araling Panlipunan 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

MGA ORGANISASYON NG NEGOSYO

Ang negosyo ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita


o tumubo.

MGA URI NG ORGANISASYON NG NEGOSYO


1. Sole Proprietorship
- Negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng isang tao. Ang nagmamay-ari ay tinatawag
na sole proprietorship o sole trader. Pag-aari niya ang lahat ng mga bagay na nauukol sa
negosyo at lahat ng capital ay sa kanya. Siya ang nangangasiwa sa lahat ng gawain na
ang layunin ay kumita.
2. Partnership
- Binuo ng dalawa o higit pang indibidwal na nagkasundo at sumasang-ayong paghatian
nag mga kita/pagkalugi ng negosyo. Ang kasapi ditto ay tinatawag na partners.
2 Uri ng Partners:
a. GENERAL PARTNERS pantay-pantay na pangasiwaan ang negosyo; mayroon ding
pananagutan sa maaring pagkakautang o pagkalugi
b. LIMITED PARTNERS maaring mamuhunan subalit wala silang tuwirang pakikilahok sa
pangangasiwa. Maging sa puhunan, ang tanging pananagutan ay nakatuon lamang
sa halaga na kanilang ibinigay na puhunan.
3. Corporation
- Pinakasalimuot na organisasyon ng negosyo. Ito ang may pinakamaraming bilang ng mga
nagmamay-ari.
- May mga leal na katauhan na hiwalay sa katauhan ng mga taong nagmamay-ari,
kumokontrol at nagpapatakbo ng korporasyon.
- Maaring bumili, magbenta ng mga ari-arian, pumasok sa mga kontrata, magsampa ng
kaso, at magbayad ng buwis.
- Ang proseso ng isang korporasyon ay tinatawag na incorporation. Ito ang nagbibigay sa
kompanya ng katayuang legal nahiwalay sa mga nagmamay-ari.
- Sa pamamagitan ng incorporation, ang mga may-ari ng korporasyon ay walang
pananagutan sa utang ng kompanya.
- Kung ang kompanya ay malulugi, ang tanging mawawala lamang sa may-ari ay ang salapi
na kanilang pinuhunan bilang common stock.
4. Cooperative
- Binubuo ng mga kasapi na hindi bababa sa 15 miyembro na kabahagi sa puhunan at tubo.
- Pangunahing layunin ng kooperatiba ay ang makapagbigay ng mga produkto at serbisyo
sa mga kasapi na pinakamababang halaga.
- Sa isang kooperatiba, kabahagi ang mga kasapi sa pagkatatag at pamamalakad ng
samahan kaya interesado silang magtulong-tulong sa ikatatagumpay ng samahan.

GAWAIN
A. Tukuyin kung anong uri ng organisasyon ng negosyo ang inilalarawan sa bawat bilang:
1. Isang organisasyon na binubuo ng dalawa o higit pang indibidual.
2. Layunin nito na makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa
pinakamababang halaga.
3. Pag-aari at pinamamahalaan ng iisang tao
4. Bahagi ng tubo ng organisasyong ito ang pamamahagi ng mga stocks.
5. Binubuo ng hindi bababa sa 15 katao na pinagtitipon-tipon ang kanilang pondo upang
makapagsimula ng negosyo.

B. Gamit ang tsart, isulat ang kahinaan at kalakasan ng bawat organisasyon ng negosyo.

KAHINAAN ORGANISASYON NG NEGOSYO KALAKASAN


ANG KONSEPTO NG DEMAND
Demand- tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa ibat
ibang presyo sa isang takdang panahon

Batas ng Demand kapag tumaas ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin.
- Kapag bumaba ang presyo, tatas naman ang dami gusto at kayang bilhin
- Ceteris paribus ang presyo lamang ang salik na nakaapekto sa pagbabago ng quantity
demanded habang ang ibang salik ay hindi nakakaapekto nito.

PAMAMARAAN NG PAGPAPAKITA NG KONSEPTO NG DEMAND


1. Demand Schedule talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga
mamimili sa ibat ibang presyo.
2. Demand Curve maipapakita ang ugnayan ng presyo sa quantity demanded sa
pamamagitan ng diagram o graph.
3. Demand Function matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity
demanded.

GAWAIN: COMPLETE IT
- Isulat ang mga tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita
1. __E__A__ __ - tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng mamiili.
2. __ __ TA__ __G__E__A__ __ - ang presyo at quantity demanded ay mayroong tuwirang relasyon.
3. C__T __ __ __ __ P__R __ __ __ - ang presyo lamang ang nakakaapekto sa pagbabago ng
quantity.
4. D __ M __ __ __ C __ R __ __ - nagpapakita ng ugnayan ng presyo at demand sa pamamagitan
ng diagram o graph.

MGA IBANG SALIK NA NAKAAPEKTO SA DEMAND MALIBAN SA PRESYO


1. Kita sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kanyang kakayahan na bumili ng mas
maraming produkto.
- Sa pagbaba ng kita, ang kanyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan.
o Normal Goods dumadami ang demand dahil sa pagtaas ng kita (karneng baka)
o Inferior Goods sa pagtaas ng kita ay bababa ang demand dito (sardinas)
2. Panlasa karaniwang naaayun sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo.
3. Dami ng Mamimili (Bandwagon Effect) dahil sa dami ng bumibili, nahikayat kang bumili.
4. Presyo ng Magkaugnay na produkto sa pagkonsumo masasabing magkaugnay ang mga
produkto sa pagkonsumo kung ito ay konplementaryo o pamalit sa iba. Ang mga produkto na
ito ay hindi magagamit kung wala ang isa(hal. Kape at asukal)
- Subtitute (Pamalit) mga produkto na may alternatibo (softdringks tubig, tsa-kape,
cheese-margarine)
5. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap kung inaasahan ng mga mamimili
natataas ang presyo sa isang particular na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na
tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang presyo
nito.
- kung inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo ng isang produkto, hindi na muna
bibili ng marami ang mga tao sa kasalukuyan.

GAWAIN: DEMAND UP, DEMAND DOWN


Isulat ang kung tataas ang demand, at kung bababa ang demand.

______ 1. Bandwagon effect, mabilis na pagdami ng populasyon


______ 2. Paglaki ng kita (normal goods)
______ 3. Pagbaba ng kita (inferior goods)
______ 4. Pagiging lipas sa uso na isang produkto
______ 5. Inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo
______ 6. Pagtaas ng presyo ng produktong pamalit
______ 7. Pagbaba ng presyo ng produktong komplemtaryo
______ 8. Inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo
______ 9. Pagtaas ng presyo ng produktong komplementaryo
______ 10. Pagbaba ng presyo ng produktong pamalit
ANG KONSEPTO NG SUPPLY
SUPPLY tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser
sa ibat ibang presyo sa isang takdang panahon.

BATAS NG SUPPLY kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na
handa at kayang ipagbili. Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o
serbisyo na handa at kayang ipagbili.
- Sa tuwing magdesisyon ang mga prodyuser sa gumawa ng produkto, ang presyo ang
pangunahing pagbabatayan.

MALIBAN SA PRESYO, MAY IBA PANG SALIK NA NAKAAPEKTO SA SUPPLY


1. Pagbabago ng Teknolohiya
- Ang modernong teknolohiya ay nakatutulong sa mga prodyuser na makabuo ng mas
maraming supply na produkto.
2. Pagbabago ng Halaga ng mga Salik ng Produksyon
- Ang paggawa ng produkto ay nangangailangan ng mga salik gaya ng lupa, paggawa,
kapital at entrepreneur. Sa bawat pagtaas ng alinmang salik; pagtaas ng gastos sa
produksyon. Kapag itoy bababa, bababa ang gastos kayat inaasahan ang pagdami ng
supply.
3. Pagbabago ng Bilang ng mga Nagtitinda
- Katulad ito ng bandwagon effect ng demand. Hal. Dahil nauso ang pagtitinda ng siomai,
marami ang nahihikayat ng magtinda nito.
4. Pagbabago sa Presyo ng Kaugnay na Produkto
- Hal. Ang magsasaka ay nagtatanim ng palay at mais; sa panahon na mataas ang presyo
ng mais, mangangayak siya na magtanim ng mais maraming mais na magdudulot ng
pagbaba ng supply ng bigas at pagtaas ng supply ng mais.
5. Ekspektasyon ng Presyo
- Kung inaasahan ng mga produsyer na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling
panahon, may mga magtatago ng produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo.
Ito ang tinatawag na hoarding na magreresulta sa pagbaba ng supply sa pamilihan.
- Ang pagtaas ng supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng supply sa kanan. Ang
pagbaba ng supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba sa kaliwa.

GAWAIN: ARROW IKA MO?


Lagyan ng R ang patlang kung lilipat pakanan ang supply curver at L kung sa kaliwa naman

______ 1. Hindi naman ibenenta ni Aling Nery ang kaniyang panindang bawang sap ag-aakalang
tataas pa ang presyo nito sa susunod na lingo.
______ 2. Nagpalit ng bagong modelo at mas malaking kalan si Anita para sa kanyang karinderya.
______ 3. Mabili ang mga produkto mula sa ukay-ukay kaya nagdesisyon sina Fe at Ana na pasukin
na rin ang negosyo.
______ 4. Bumibili si Tito Francisco ng tatlong rolyo ng balat ng hayop upang gawing sapatos.
Tumataas ang presyo kada rolyo mula sa P6,000.00 hanggang P9,000.00 kada rolyo.
______ 5. Malakas na negosyo ngayon ang pagtitinda ng malunggay pandesal kaya si Rodel ay
nahikayat sa nasabing produkto.
INTERAKSYON NG DEMAND AT SUPPLY
1. EKWILIBRIYO isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhin produkto
o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga
prodyuser ay pareho ayon sa presyong pinagkasunduan.
a. Ekwilibriyong presyo pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser
b. Ekwilibriyong dami napagkasunduang bilang ng mga produkto at serbisyo.
c. Disekwilibriyo anumang sitwasyon o kalagyan na hindi pareho ang demand at supply
sa itinakdang presyo.
d. Surplus kung mas marami ang supply ng produkto kaysa demand ng produkto
e. Shortage nararanasan kung ang dami ng demand ay mas Malaki kaysa dami ng
supply.
GAWAIN: LABIS? KULANG? o SAKTO?
- Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng surplus, shortage o
ekwilibriyo.
____________ 1. Kailangan ni Cielo ang isang dosenang rosas para sa kaarawan ng ina ngunit siyam
na rosas lamang ang natitira sa flower shop.
____________ 2. May 100 sako ng palay si Edgar ngunit 70 sako lamang ang handing bilhin ni Edna.
____________ 3. Nagkasundo ang prodyuser at konsyumer.
____________ 4. Binili lhat ni Ben ang tindang biko ni Belen
____________ 5. Sa sobrang init ng panahon, naging matumal ang bentang lugaw ni Josie.
____________ 6. May 36 na panindang payong si Berlin. Dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan, naubos
lahat ng paninda niya.
____________ 7. Isaaangdaang kilo ng supply ng sibuyas sa Public Market at 100 kilo din ang demand.
____________ 8. Napanis lamang ang nilutong ulam ni Aling Nery dahil sa suspension ng klase.
ANG KONSEPTO NG PAMILIHAN
Pamilihan lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang mga produkto o serbisyo na kaya
niyang ikonsumo.

MAY DALAWANG TAUHAN NG PAMILIHAN; ANG KONSYUMER AT PRODYUSER


Konsyumer bumibili ng mga produktong gawa ng prodyuser
Prodyuser gumagawa ng mga produktong kailangan ng konsyumer
Presyo ang invisible hand, ang instrument upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng
prodyuser at konsyumer.

Ang Pamilihan Ay Maaring Lokal, Panrehiyon, Pambansa O Pandaigdigan Ang Lawak.


LOKAL Sari-sari Store
PANREHIYON abaca ng Bicol, durian ng Davao
PAMBANSA bigas
PANDAIGDIG one-line shops sa internet

ESTRAKTURA NG PAMILIHAN
1. Pamilihang May Ganap na Kompetisyon (Perfectly Competitive Market) PCM
2. Pamilihang Hindi Ganap ang Kompetisyon (Imperfectly Competitive Market) ICM

PAMILIHANG MAY GANAP NA KOMPETISYON


MGA KATANGIAN
1. Maraming maliliit na Konsyumer at Produsyer
- Walang kakayahan ng sinuman na impluwensyahan ang presyo na papabain sa interes ng
sinoman sa pamilihan
2. Magkakatulad na produkto
- Maraming mapagkukunan ng mga sangkap para makabuo ng mga produkto
3. Malayang paggalaw ng sangkap ng produksyon
- Maraming mapagkukunan ng mga sangkap para makabuo ng mga produkto
- Maraming produkto ang nagkakatulad na maaring ipagbili sa pamilihan
4. Malayang pagpasok at paglabas sa industriya
- Ang Sistema ng pagnenegosyo ay bukas sa lahat na may kapasidad na makibahagi.
5. Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan
- Ang pagdaloy ng impormasyon lalo na sa pagtatakda ng presyo at dami ay bukas para sa
kaalaman ng lahat.

PAMILIHANG MAY HINDI GANAP NA KOMPETISYON


MGA ANYO
1. Monopolyo iisa lamang ang prodyuser kaya walang pamalit o kahalili hal.: transmission lines,
tubig, tren
KATANGIAN
a. Iisa ang nagtitinda
b. Produkto na walang kapalit
c. Kakayahang hadlangan ang kalaban
- Dahil sa mga patent, copyright at trademark gamit ang Intellectual Property Rights
hindi makapasok ang iba na nais makibahagi sa industriya:
Copyright isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatang
pagmamay-ari ng isang tao gaya ng:
Literacy at Artistic works. Hal. Aklat, musika, paintings, iskultura, pelikula,
computer programs, databases, advertisements, maps at technical
drawings.
Patent pumoprotekta sa mga imbertor at kanilang mga imbensyon. Ito ay
ipinagkakaloobng gobyerno sa isang imbentor upang mapagbawalan ang
iba na gawin, ibenta, iangkat at iluwas ang imbensyon niya kapalit ng
pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye ng kanyang imbensiyon.
Trademark paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo
na siyang nagsisilbing pagkakilanlan ng kompanyang may gawa o
nagmamay-ari nito.
2. Monopsonyo iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo. May
kapangyarihan ang konsyumer na maimpluwensiyahan ang presyo ngpamilihan.
Hal. Ang pamahalaan na nag-iisang kumukuha ng serbisyo at nagpapasahod sa mga pulis,
sundalo, mga guro at iba pa. may kapangyarihan ang pamahalaan sa pagtatakda ng sahod
ng mga ito.

3. Oligopolyo maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad


na produkto
Hal. Semento, bakal, ginto, petrolyo
- Collusion sabwatan ng mga negosyante; kartel o alliances of enterprises
- Isang halimbawa ng kartel ay ang Organization of Petroleum of Exporting Countries (OPEC)
naitatag noong September 10 14, 1960 sa Baghdad, Iraq.
o Five Founding Countries Iran, Iraq, Kuwait, Saudi Arabia, Venezuela, Libya, Nigeria,
Qatar at United Arab of Emirates (UAE).

4. Monopolistic Competition
- Ang katangian ng mga produkto na ipinagbibili ay magkakapareho ngunit hindi eksaktong
magkakahawig ang kanilang pagkakapareho ay sa uri ng produkto gaya ng Shampoo,
sabon, Toothpaste; magkakaiba sa packaging, labeling lasa o flavor.
o Advertisement mabisang paraan na ginagamit ng mga prodyuser upang
maipakilala ang kanilang produkto.
Halimbawa ng mga produkto sa Monopolistic competition
- Sabong panlaba at pampapaligo, toothpaste, pabango, cellphone, hair salon,
cosmetic products, fastfood restaurant, ospital.

GAWAIN
A. TUKUYIN ANG URI NG PAMILIHAN NA NAIUUGNAY SA MGA SUMUSUNOD:
1. Kuryente, tubig, telepono
2. Puli, sundalo, guro
3. Isda, prutas, gulay
4. Toothpaste, sabon, shampoo
5. Semento, tiles, plywood
6. Langis, gasoline, simente
7. Bumbero, MMDA, pulis
8. Sapatos, t-shirt, pantalon
9. Mais, prutas, manok
10. Bigas, mais, prutas

B Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama ang mensahe ayon sa
mga salitang nakasalungguhit. Isulat ang Pabili kung tama at Patawad kung mali.
____________ 1. Ang kartel ay nangangahulugang alliances of consumers.
____________ 2. Sa pamamagitan ng pamilihan, nalalaman ang sistemang ekonomiya.
____________ 3. Ang presyo ang pangunahing salik sa pagbabago ng demand at supply sa
pamilihan.
____________ 4. May tatlong pangunahing actor sa pamilihan ang konsyumer, prodyuser, at ang
produkto.
____________ 5. Ang supply ang nagsisilbing hudyat o senyales sa prodyuser kung ano ang gagawing
produkto.
KABIHASNANG TSINO SA SILANGANG ASYA
MGA DINASTIYANG TSINO
1. Xia nagmula sa Longshan isang Neolitikong pamayanan sa Lambak Huang-ho
2. Shang Panahon ng Bronse
- Mga matandang kasulatan na nakasulat sa mga oracle bones, tortoise shells
3. Chou Mandate of Heaven paniwalang ang emperador ang pinahintulutan ng langit na
mamuno
MGA KAISIPAN SA PANAHONG ITO:
a. Confucianism tahimik at organisadong lipunan
b. Taoism balanseng kalikasan at daigdig
c. Legalism Ang tao ay ipinanganak na masama at makasarili
4. Chin naipatayo ang Great Wall of China
Shin Huang Ti nagpatayo ng Great Wall; unang emperador ng Tsina
5. Han unang dinastiya na sumunod sea Confucianism; isinulat ang kasysayan ng Tsina;
nagsimula ang Civil Service Exam.
6. Sui ginawa ang Grand Canal na nag-uugnay sa Ilog Huang-ho at Yangtze.
7. Tang nagkaroon muli ng kasaganaan sa mga lupain.
- Budismo nagging dominanteng relihiyon.
8. Song nilikha ang isang paraan ng pag-lilimbag
9. Yuan itinatag ni Kublai Khan emperador ng Imperyong Mongolian
Pax Mongolica Panahon ng kapayapaan; maayos na Sistema ng komunikasyon at
mabuting kalakalan.
10. Ming naipatayo ang Forbidden City sa siyudad ng Peking na naging tahanan ng
emperador.
- Paglayag ni Adm. Zheng He sa Indian Ocean at Africa
- Paggamit ng movable printing press
11. Ching huling dinastiyang, itinatag ng mga Manchu (Manchuria)

1911 nagtapos ang mga dinastiya; Chinese Revolution of 1911 na nagresulta sa pagtatag ng
Peoples Republic of China

MGA KATANUNGAN
A. Ibigay ang Kahulugan:
1. Mandate of Heaven

2. Pax Mongolica

3. Forbidden City

4. Confucianism

5. Legalism

B. Punan ang Tsart:


Dinastiya Kontribusyon
1.

2.

3.

4.

5.
MGA KABIHASNAN NG MESOAMERICA
A. Ang mga Olmec
- Tinawag na rubber people dahil sila ang unang pangkat ng tao na gumamit ng dagta ng
kahoy na rubber.
- Pok-a-tok sinaunang laro na pinagmulan ng larong basketball; gumamit ito ng metal na
bola.
- Jaguar sinasamba ng mga Olmec; ito ay simbolo ng lakas, katusuhan at kapangyarihan.
- Ibang Kontribusyon Kalendaryo, Konsepto ng Zero, Irigasyon, Batong Jade, Obsidian.
B. Ang mga Teotihuacan
- Nangangahulugan ng Tirahan ng Diyos
- Quetzalcoatl ang sinasamba nilang The Feathered Serpent God; diyos ng kabihasnan,
kabutihan, liwanag at hangin
- Obsidian Maitim at makintab na bato mula sa lava.
- Ibang Kontribusyon cacao, goma, pyramid, liwasan, lansangan

MGA KATANUNGAN:
1. Bakit tinawag na rubber people ang mga Olmec?
2. Ano ang pagkakaiba ng pok-a-tok sa basketball natin ngayon?
3. Ano ang sinisimbolo ng hayop na jaguar sa mga Olmec?
4 5. Magbigay ng dalawang kontribusyonat ibigay ang gamit ng mga ito sa kasalukuyang
panahon.

You might also like