Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KAHEL

Wala syang ibang nakikita kundi ang kahel na kalangitan. Walang ibang
nararamdaman kundi ang lamig ng hangin at ang lamig kahoy sa kanyang likuran.
Parang bang pinag ye-yelo ang buo nyang sistema hanggang sa mamanhid ito at
wala nang maramdaman. Inuugoy ng dagat ang barko na kanyang sinasakyan,
hinehele ng alon ang kanyang kaisipan.

Ipinikit nya ang kanyang mga mata. Pilit binabalikan ang nakalipas. Sariwang simoy
ng hangin sa kabundukan. Mga ibong naglalaro sa himpapawid. Luntiang damo na
tila ginawa upang kanyang mahigaan. At tama … ang kahel nyang kalangitan.
Malapit nang mag takipsilim, palubog na ang araw. Ipinipinta nanaman ni bathala
ang obra maestra nya sa kalangitan.

Dahan-dahan nyang binuksan ang kanyang mga mata. Naisip nyang maganda rin
pala ang langit kahit mula sa dagat ito pagmamasdan. Pero iba pa rin ang tanawin
kung nasa itaas ka. Nasaan na nga ba sya? Dapit hapon na ngunit bakit wala sya sa
kanilang tagpuan?

Isang malalim at matikas na tinig ang pumutol sa kanyang pag mumuni-muni.


“maghanda ka na, malapit na tayo.” Pinaalala ng tinig na iyon sa kanya kung bakit
sya nandoon. Oo nga pala, nandoon sya upang makidigma. Lulan sya ngayon ng
barko na magdadala sa kanya sa kagitingan o di kaya’y sa tiyak nyang kamatayan.
Isang matipunong lalaki ang biglang lumitaw sa kahel nyang larawan. Mayroong
kakaiba sa nilalang na yon, hindi sya mukhang ordinaryong nilalang lamang.
nakaramdam sya ng kaunting takot o marahil ay labis na pag galang para sakanya.
Malamang sya ang pinuno. Nakaramdam sya ng pamilyar na pakiramdam. Magaan
ang loob nya sa sakanya. Inaabot nito ang kanyang kamay at tinulungan syang
tumayo nito.

“hindi lang langit magandang pagmasdan sa ganitong oras. Tignan mo ang dagat, di
ba’t magkasing kulay rin sila.” Wika ng makisig na nilalang.
Pinag masdan nya sandali ang karagatan, tama maganda nga. Habang tinitignan nya
ang tila salamin na tubig nakaramdam sya ng kurot sa kanyang puso…

“tama ka. Maganda nga, pero iba pa rin ang kalangitan. … mapayapa, malawak at
walang katapusan.” Kanyang sagot.

“kung iikutin mo ang buong mundo, malalaman mong wala ring katapusan ang
karagatan. Kung lulusong ka ilalim ng dagat malalaman mong malawak rin ito. At
kung pagmamasdan mo ang langit tuwing may unos, makikita mong marunong ding
magalit kahit ang mapayapa mong langit ….”

Ipinkit nya na lamang ang kanyang mga mata. Pinakiramdaman ang lamig ng
hangin. Bawat salita ng pinuno, kakaibang bigat ang nararamdaman nya sa kanyang
puso. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Naisip nya bakit nga ba pinili nya
sa dagat? Bakit pinili nyang pumalaot sa dagat at makidigma. Alam nyang may
naghihintay sa kanya sa taas ng bundok, kung saan malapit ang langit. kahit sinabi
nyang wag maghintay alam nyang maghihintay pa rin iyon. … patuloy ang
pagsasalita ng pinuno.

“makikita mo sa mukha ng dagat ang kagandahan ng langit, pero hindi mo makikita


sa langit ang kagandahan ng dagat. Ang pinagkaiba lang naman nila … ang dagat
abot kamay mo, pero ang langit hindi.”

Hindi nya na napigilan ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata. Tama ang
pinuno, alam nya sa puso nya na nilikha sya para sa dagat, pero pilit pa rin nyang
inaabot ang kalangitan. Sya ay nilalang ng dagat at lupa nararapat lamang na
ipaglaban nya kanilang mundong kaniyang kinagisnan. Musmos pa lamang sya
hinahanda na sya para sa digmaang ito. Sa isip nya, sa puso nya, handa syang
lumaban para sa karapatan ng mga ka-uri nya.

“tandaan mo, lalaban tayo para sa tama.” Wika ng pinuno.


“para sa tama.” Kanyang pag ulit.
Ngunit isang anghel ng langit ang bumaba para sakanya. Ipinakita sa kanya ang
ganda ng kalangitan. Isang anghel na di alintana ang alitan sa pagitan ng mga
nilalang ng dagat at langit. Nagkikita sila sa espesyal nilang lugar, sa espesyal nilang
oras. Kung saan, kung kalian walang pakialam ang mundo sa kung ano mang uri ng
nilalang sila. Sa itaas ng bundok na iyon, saksi ang kahel na kalangitan isang
nilalang ng langit at nilalang ng dagat ang nag iibigan. Sa tuwing magkasama sila,
kakaibang kapayapaan ang kanyang naaramdaman. Sa sandaling panahon tuwing
dapit hapon nakakalimutan nyang may nagaganap na digmaan. Ang pakiramdam na
ito ang dahilan kung bakit gusto nya ang langit. Dahil binigyan sya ng anghel na
iyon ng pag asa na balang araw matatanggap ng mga nilalang ng langit ang nilalang
sa ibaba na katulad nya. Pinili nya ang anghel kaysa sa pinuno, ang nilalang na
handang magbuwis ng buhay para sakanya, para sa karapatan ng mga kauri nya.

Nagkaroon sya ng maling pag asa. Kahit kailan hindi matatanggap ng maharlikang
nilalang ng langit ang mga katulad nila. Mali ang anghel, nagpalinlang sya sa
matindi nyang pagnanais na makasama ang pinakamagandang nilalang na nasilayan
nya sa ibaba.

Unti unting naglalaho ang araw at nagbabago ang kulay ng dagat at kalangitan. Mula
sa kahel na langit unti-unti itong nagging kulay asul malalim na asul. Isa isa ring
lumabas ang mga bituin, sa mga oras na iyon, ang dagat at langit ay parang isa lang.

Sa sandaling lamunin ng kadiliman ang pagiligid. Nagsimula na ang pag lipad ng


balaraw at palaso. Bawat palitan at batuhan ng armas isang buhay mula sa
magkaibang panig ang nawawala. Umalingawngaw ang sigawan sa tahimik na
paligid, sigawan, iyakan.

Isang sigaw ang pumangibabaw sa ingay ng digmaan. “pinuno!” napalingon sya sa


pinanggalingan ng sigaw. Isang palaso ang bumaon sa puso ng pinuno. Walang tigil
ang pag agos ng kanyang dugo. Wala syang ibang naririnig, wala na syang ibang
kulay na nakikita kundi ang nagsusumigaw na pulang dugo na nagmumula sa
pinuno. Tumalilis sya sa kinaroroonan ng pinuno hinawakan ang kamay nito
humahalo sa dugo ng pinuno ang luha na nagmumula sa kanyang mga mata.
Niyakap nya ng mahigpit ang pinuno, ang nilalang na pumoproptekta sa kanya, ang
pinaka matalik nyang kaibigan, ang nilalang na nanatili pa rin sa kanyang tabi kahit
minsan syang nabulagan sa isang nilalang ng langit.

Puno ng pagsisi ang kanyang puso. Ang daming panahon na nawala tuwing dapit
hapon. Bakit nga ba iniwan nya ang pinakamatalik nyang kaibigan para sa isang
estrangero mula sa langit? Hinaplos ng pinuno ang kanyang mukha. Kahit sa huling
sandali ramdam nya pa rin ang init ng kamay ng pinuno, kamay na matagal nya ring
hindi nahawakan.

Pilit sinuot sa kanya ng pinuno ang kuwintas na sumisibolo sa kanila, isinasalin na


nito sakanya ang responsibilidad para lahat ng kauri nila. … “la .. lahat … ito, ..”
bawat salitang pilit nyang binibigkas walang katumbas na pasakit ang kapalit. Pero
wala syang pakialam. Alam ng pinuno na iyon na ang huli nyang sandali, huling
pagkakataon upang sabihin ang nais nyang sabihin. “lahat … ito … para … sayo.”
Kanyang sambit. Humiling ng isang halik ang pinuno, marahil halik ng
pamamaalam … o marahil halik mula sa babaeng prinotektahan at inibig nya buong
buhay nya … “paalam prinsesa” ang kanyang huling salita. … “paalam prinsepe ko”
kanyang sagot, na mrahil ay hindi na narinig ng pinuno … tuluyan nang naglago ang
buhay sa kanyang katawan. Hindi nya na nasilayan ang unang umaga ng kanilang
kalayaan. Ngunit masaya nya na rin sya dahil sa huling sandali nya, nandoon sya
kung saan nya gusto. Sa kanlungan ng kanyang prinsesa.

Kasabay ng pagsikat ng araw ay bagong buhay para sa mga nilalang sa ibaba, dinala
nya sa tabing ilog ang labi ng pinuno tulad hiling nito. At doon nya ito sinunog.
Binigkas nya na ang huli nyang pamamaalam.

Dinayo sya ng anghel mula sa langit … ang anghel na noo’y pinili nya kaysa sa
sarili nyang paniniwala. Naghihintay pa rin ito sakanya. ang pinaka magandang
nilalang ng dagat at lupa. Tinignan nya ang anghel sa asul nitong mga mata. Wala
syang maramdaman. Binigyan nya lang ito isang matamis na ngiti. At saka lumakad
palayo.

You might also like