Feasibility Study

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kakailanganing teknikal na kagamitan

Ang mga mahahalagang kagamitan na ginagamit sa foot and hand spa home
service ay ang foot machine, manicure & pedicure kit at cell phone. Ang foor spa
machine ay ginagamit para matanggal ang mga dumi sa paa at upang lumambot and
ating mga balat sa paa. Ang manicure & pedicure kit ay mga kagamitan sa paglilinis ng
kuko pumapaloob dito ang mga pusher, nail cutter, nail brush at nipper. Ginagamit ito
para matanggal ang fumi at upang maging malinis ang ating kuko. Ang cellphone
naman ay ginagamit upang makipagkomunikasyon sa mga taong gusto magpa-foot and
hand spa para sa home service. Pwedeng gamitin ang cellphone para macontact at
mabigyan ng serbisyo ang may nais nito.

Market place

Ang foot and hand spa ay maaaring itayo o ilugar sa pamilihan o mall maaari din
itong ipwesto sa alam nating matao at madaming bahay upang mag bigay ng serbisyo
sa mga taong gusto mag pa foot and hand spa dahil ito ay nakaka tulong upang
mawala ang pagod na nararamdaman. Ang Foot and Hand Spa Home Service ay
pwede kahit saan dahil isa itong home service na pwede mong tawagan para puntahan
ka at bigyan ng serbisyo na iyong nais.

Estratehiya

Ang Estratehiya na pwedeng gamitin upang makabenta ay ang paggamit ng


rekomendasyon galling sa mga taong nagustohan at magandahan sa serbisyong
ipinakita o isinagawa. Pwedeng makatulong ang mga kaibigan o kapamilya upang
magrekomenda sa kanila ang foot and hand spa home service.

May Gampanin

Ang may gampanin sa serbisyong ito ang ang manikurista at spa therapist. Ang
manikurista ang siyang maglilinis at mapapaganda ng kuko natin. Ang Spa therapist
ang magpapalinis at magpapalambot sa ating mga paa. Ang spa therapist din ang
makakapagparelax mula sa kanyang masahe na ibibigay niyang serbisyo
Pananalapi

Sa pamamagitan ng Home service ang mga taong gustong mag pa foot and
hand spa ay makaka tipid ng pananalapi o pera upang mamasahe papuntang parlor.
Hindi na kailangan pang gumastos ng malaki lalo na kung ang bahay ay malayo ang
agwat sa parlor dahil ang pera na dapat ay pamasahe pwedeng may iba pang bagay na
pag laanan ito.

Rekomendasyon

Ang Foot and Hand Spa Home Service ay mainam para kanino man. Bukod sa
hindi mo pa kailangan pang umalis ng iyong bahay upang pumunta sa mga 'Massage
Center', nasa iyo ang kapangyarihan para papuntahin ang ang mga magbibigay ng
serbisyo. Lubos itong nakakatipid hindi lamang sa iyong enerhiya kung ikaw man ay
magbibiyahe kundi pati na rin sa iyong pera kung ikaw man ay mamamasahe.

Isang tawag mo lang gamit ang iyong telepono ay maaari ka nang tumanggap ng
serbisyo agad agad na hindi mo pa kailangan pumila at mag antay ng oras para sa'yo.

Pangkalahatang Lagom

Maaasahan natin sa bawat oras ang Foot and Hand Spa Home Service. Layunin
ng serbisyong ito na matugunan ang iyong pangangailangan. Hindi mo na
kakailanganin pang gumastos ng malaki at magpakapagod pa para labg pumunta sa
mga Spa at Massage Center para lamang tumanggap ng serbisyong ito at ang
kailangan mo lang gawin ay tawagan o padalhan ng mensahe ang taong nagbibigay ng
gantong serbisyo na malapit lamang sa'yo. Lubos itong mainam dahil kailangan mo lang
siyang hintayin na dumating sa iyong bahay. Lahat kayang ibigay ng Foot and Hand
Spa Home Service gaya ng sa ibinbigay ng nga mamahaling Spa, Parlors, at mga
Massage Centers. Mas nakakatipid ito sa maliit lamang na halaga at hindi ka pa
mapapagod

You might also like