Professional Documents
Culture Documents
To The Philippine Youth
To The Philippine Youth
To The Philippine Youth
Rizal shared his thought about the importance of education to enlighten the nation which was useful to gain
societal freedom for every nation. It may also provide us the necessary knowledge, skills and attitude to expand
the horizon of our thoughts. However, this would not be enough to be properly educated. Rizal thought that
there was really an intimate alliance between religion and good education.
Ayon sa kanya, ang epektibong guro ay malikhain. Ang kanyang klase ay masigla, kawili-wili, atlaging may bagong
gawain. Hindi lamang ang magpunla at magkintal ng impormasyon oprinsipyo ang hangarin, kundi higit sa lahat,
ang ninanais ay matulungan ang mag-aaral nam a p a b u t i a n g b u h a y . ( R i c h a r d s
( 1 9 9 2 ) Nasusukat ang pagiging epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan, at saloobin ng
kanyangtinuturuan. Ito ang resulta ng kanyang mga gawain sa klase. Ito ang batas ng edukasyon.Hendricks (1998)Malaki ang
tungkuling ginagampanan ng guro sa pagpapaunlad ng mga kakayahang taglay ngmga mag-aaral. Ang kanyang
impluwensiya sa lipunan at sa paghubog ng mga kakayahan ngmga mag-aaral ay hindi lamang matatawaran
kailanman. Bilang pangunahing magulang, siyaang magsisilbing uhay sa pagpapalago at pagpapayabong ng anumang
kakayahan mayroona n g m a g - a a r a l . P a p h a m ( 1 9 8 0 ) MGA KATANGIAN NG ISANG
MABUTING GUROWalang itinatangiMinamahal ng mga mag-aaral ang guro na pantay-pantay ang pagtingin sa
kanila. Lahat ngmga mag-aaral ay itinuturing niyang pantay-pantay anuman ang kalagayan nito sa lipunan.Kung
may nag-away wala siyang dapat na panigan bagkus pareho niyang pagsasabihan.Madaling maramdaman ng mga mag-aaral
kung ang guro ay may paborito sa klase.May positibong pag-uugaliLalong tumataas ang tiwala sa sarili ng mga
mag-aaral kung ang guro ay nagpapakita ngmagandang pag-uugali sa kanila. Ang pagbibigay rekognisyon kung
nakapagbibigay ngtamang kasagutan at hindi namamahiya ng mga mag-aaral sa tuwing sila ay may
malingkasagutan ay makatutulong lalo upang Makita ng mga mag-aaral ang kanilang direksyon.May
kahandaanAng gurong may malawak na kaalaman sa paksang itinuturo at ang kakayahan nito na iugnaysa iba
pang larangan ang paksa ay isang halimbawa ng mahusay na guro. Nasasagot niya angbawat katanungan ng
kanyang mga mag-aaral.May haplos-personalMadaling madisiplina ng guro ang klaseng malapit sa kanya. Upang
maging malapit ang klasesa guro, nararapat na kilalalanin niya nang mabuti ang bawat mag-aaral, tawagin sa
pangalan,marunong ngumiti, inaalama ang nararamdaman, opinion at interes ng mga mag-aaral.MasayahinHindi
malilimutan ng mga mag-aaral ang gurong laging may dalang ngiti sa klase. Anumanghirap na dala ng mag-aaral
ay kagyat na gumagaang kung masayahin ang isang guro.MalikhainNakahihikayat sa mabilis na pagkatuto ng mga
mag-aaral kung maaliwalas ang silid-aralan.Bida ang gurong may ibat ibang paraan sa pagganyak upang ihanda ang klase sa
gagawingpag-aaral.Marunong tumanggap ng pagkakamaliApektado ang klase kung ang guro ay nagkakamali. Sa
pagkakataong ito, mas nagiging modelong kababaang loob ang guro kung tinatanggap niya nang buong puso ang nagawa
niyangpagkakamali at may sinseridad ang paghingi niya ng paumanhin sa klase.
Ang magsasaka o magbubukid ay isang taong nagtatanim at nagpapatubo ng mga pananim at nag-aalaga ng
mga hayop at nabubuhay na mga organismong gagamitin bilang pagkain at bilang hilaw na mga materyales. Isa
itong karaniwang hanap-buhay para sa mga tao magbuhat na magsimula o magkaroon ng kabihasan.
Madungis, pangit, mabaho, yagit at kung anu-ano pa. Iilan lang naman yan sa napakaraming negatibong bagay na
siyang ating napapansin at nasasabi habang tinitignan natin ang kanilang sitwasyon. Ma-limit nating hindi
maunawaan ang kahalagahan ng kanilang paghihirap, na sa likod nitoy napakalaking kontribusyon sa ating
bansa. Wala tayong malawak na kaisipan, lagi nating minamaliit ang kanilang ginagawa at ang masaklap, kino-
konsiderang isa sa pinaka mababang lebel sa pagtatrabaho ang pagsasaka, hindi man lang natin mailagay sa ating
mga isip, ano kaya ang magiging larawan ng bansang ito kung kung wala sila?
Ano nga ba ang mai-pag-mamalaki natin sa ekonomiya ng Pilipinas? Gaano ba kahalaga ang ginagawa natin
ngayon? Iyan bang magagandang uniporme mo? Iyan bang malilinis na mukha na humaharap sa mga customer at
sa madla? O, hindi naman kaya, ang pag-ma-may-ari mo ng isang negosyo sa syudad? Tama! Ang mga bagay na
iyon ay dapat nga namang ipagmalaki, subalit, napakalaking impluwensya ang mga aspetong ito upang ating
makalimutan at mabalewala ang kahalagahan ng ating magsasaka. Isipin mo, kung tayong lahat, kung silang lahat
ay dito na magtatrabaho sa lungsod, sino na nga lang ba ang maiiwan sa bukid na syang mag babahagi ng
pangunahing pangangailangan natin? Naiisip ba natin na ganun na lang ka importante ang mga produktong
agrikultura? Sila lang naman ang dahilan kung bakit nakakakain pa tayo ng kanin, prutas at gulay, at nang dahil
dito, yumayaman an gating ekonomiya sa napakaraming produktong agrikultura na inaangkat sa ibang bansa,
higit sa anupaman.
Napakalawak at sobrang laki ang na-i-ambag at ma-i-aambag ng ating mag magsasaka; sa ating komunidad, sa
ating bansa, at sa buong mundo, kaya nararapat lamang na bigyan natin sila ng pagpupugay at halaga bilang
kapalit ng kanilang pagpapakahirap sa kabukiran. Ang pagiging marumi sa paningin, yung mga paang mapuputik,
mga tsinelas na kay nipis, mga gutay-gutay na damit at ang mga pawis na hindi natutuyo ay ang mga simbolo
kung bakit mapa-hanggang ngayon, tayo ay nakakakain, may masisigla at malalakas ang katawan. Huwag nating
kalilimutan, lagi nating ilagay sa ating kaisipan, na ang pagbibigay halaga ay napakalaking bagay na upang sila ay
hindi mapapagod na magbahagi ng mga produktong agrikultura at higit sa lahat, ang buhay.
Ang isang karpintero, alwagi, anluagi o anluwagi (Ingles: carpenter) ay isang bihasang artesano na
nagkakarpintero - isang malawak na sakop sa paggawa sa kahoy (woodworking) na kinabibilangan ng
pagsasagawa ng mga gusali, kasangkapan, at ibang pang bagay na yari sa kahoy. Kinasasangkutan ang trabahong
ito ng paggawang manwal at pagtrabaho sa labas, partikular na ang magaspang na pagkakarpintero.[1] Tinatawag
na anluwagihan, karpenteriya o karpenterya (Ingles: carpentry o joiner's workshop) ang gawaan ng mga
karpintero.[2], bagaman ang katumbas nito sa wikang Kastila (Kastila: carpinteria; Ingles: joinery at capentry) ay
nangangahulugan din na sining at larangan ng pag-aanluwagi.
Ang mga pulis, pulisya, o kapulisan[1] ay isang pangkat ng mga taong may hanapbuhay o trabahong nangangalaga
ng katahimikan at kaayusan, pagpapatupad ng batas, mag-imbistiga ng mga krimen, at pagbibigay ng proteksiyon
sa publiko o madla. Tinatawag ding pulis na opisyal ang mga taong nagtatrabaho para sa kagawaran o
departamento ng kapulisan. Tinatawag ang kanilang tanggapan o himpilan bilang estasyon ng pulis o himpilan ng
pulis.
May mga pook na tumatawag o naglalarawan sa tanggapan at serbisyo ng pulisya o pagpupulis bilang
mga kabatas, na mga organisasyong nagpapatupad o tagapagpatupad ng batas, ahensiyang tagapagpairal ng
batas, tagapagbigay-diin ng batas, o tagapagpasunod sa batas. Sa Ingles, kaugnay ito o katumbas ng mga
pariralang law enforcer at law enforcement.
Saturday, December 17, 2011
Jose, Pidal!
Introduksyon
Malaking kontribusyon ang nagagawa ng siyensya at teknolohiya sa buhay ng tao. Marami itong naibahaging tiyak
na nakatutulong sa patuloy na pagusad ng mundo. Isang mahalagang kontribusyon nito ay ang paglikha ng
intrumentong pangtransportasyon. Ang transportasyon ay isang importanteng aspeto sa nakasanayang buhay ng
tao. Ito ay isang espesyal na midyum na tumutupad sa pangangailangan ng isang aktibong indibidwal. Sa tulong
na naibabahagi nito, ang paglalakabay ng tao sa ibat-ibang lugar ay mas naging madali pati na rin ang paghahatid
ng mga produkto at serbisyo para sa industriya (Philippine Daily Inquirer, October, 1988).
Hindi maiaalis sa pagiisip ng tao ang maghanap pa ng mas madaling uri ng transportasyon dahil sa patuloy na
pagbabago ng siklo ng buhay. Ayon sa pagaaral na ginawa nina Bajar at Lingad (1990), tila ang problemang
patungkol sa kakulangan ng transportasyon sa Maynila ang siyang naglunsad sa pagusbong ng mga tinatawag
napedicabs. Ang pedicab ay isang bisikletang kinabitan ng sidecar. Ito ay pinapatakbo ng isang indibidwal sa
pamamagitan ng pagpadyak habang sakay sakay ang isa hanggang dalawang pasahero na pumapasada sa kalye
(Merriam-Webster, 2011). Hindi nagtagal, unti-unti ng umusbong at lumaganap ang mga pedicabs na ito sa
bansa. Habang itoy lumalaganap lalo na sa kamaynilaan, marami, dagdag nina Bijar at Lingad, sa kanila ang
itinuturing na parang isang salot sa daanan ng mga motorista, sapagkat sa kabagalan ng kanilang pagtakbo na
nagreresulta sa pagbagal ng takbo ng trapiko. Hindi rin sila sumusunod sa batas trapiko. At kung minsan ay
makatawag pansin pa dahil sa maingay na patugtog nito at sa mga makukulay na takip ng kanilang sasakyan.
Sa kabila ng mga negatibong pagtingin ng mga tao, kaalinsabay ng mga ibat-ibang problemang tumatalakay sa
kanilang pamumuhay, nananatili pa rin silang tatak ng isang Pilipino at isang huwarang nagtataguyod ng kaniyang
sarili upang mamuhay sa mahirap na daloy ng buhay. Mula rito, mapagtatanto ng isang indibidwal kung ano ang
rason ng isang pedicab driver kung bakit nanatili pa rin siya sa ganitong trabaho. Nakapagbibigay ito ng ideya
upang alamin ang kanilang buhay bilang isang pedicab driver.
Diskusyon
Ang pedicab ay nagsisilbing isang uri ng transportasyon sa buong kamaynilaan. Ito ay isang tugon sa mga
taong higit na nangangailangan pa ng mas flexible na uri ng transportasyon dahil sa ibat-ibang
pangangailangan, tulad ng pagpunta sa mga makikitid na daan. Ayon sa Collins English Dictionary (2003), ang
pedicab ay isang pampublikong sasakyang de-pidal na may nakakabit na side car, kung saan maaring makasakay
ang isa hanggang dalawang pasahero. Sa bahaging ito ng pag-aaral tungkol sa mga pedicab drivers, nais ipakita ng
pagririsetrs na ito ang maikling kasaysayan ng pagkakaroon ng pedicab, ang tungkol sa mga pedicab drivers, mga
tugon at opinion ng mga ordinaryong tao patungkol sa kanilang hanap-buhay, mga naisaad na patakaran ng
gobyerno para sa mga drayber at mga impormasyong nakalap sa pagiinterbyu ng isangpedicab driver.
Kasaysayan
Sinasabing nagmula sa salitang Jinrikisha na may ibigsabihin na man powered car ang pedicab. Ito ay
unang umusbong sa bansang Japan na ipinakilala ni Jonathan Goble noong 1871. Noon pa man, ayon kanila Tony
Wheeler at Richard lAnson (1998), isa na itong uri ng transportasyong pang ekonomikal na kung saan ay
ginagamit ng tao upang makapaghanap-buhay. Nagsimulang kumalat ang ganitong uri ng transportasyon sa ilang
bahagi ng Asya noong 1874 hanggang sa dumating ito sa Pilipinas noong 1939 at laganap pa rin ito hanggang sa
kasalukuyan.
Pedicab Drayber
Ang mga pedicabs na ito ay malimit na makikita sa mga abalang kalsada ng kamaynilaan. Makikita sila na may
makukulay na takip sa sidecar ng kanilang sasakyan, pasingit-singit sa ibang mga motorista upang makadiskarte
ng pasahero. Minsan ay makikita ang hilera ng mga ito sa tinatawag nilang terminal. Ito ang lugar kung saan sila
idinestino ng ilan sa mga opisyal ng pamahalaan upang magkaroon ng kaunting kaayusan sa daloy ng trapiko.
Karamihan sa mga nagpapatakbo ng mga pedicabs ay mga kalalakihang hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ang
mga ito ay tinatayang may edad na 16 taon gulang pataas (Police Regional Office 8, 2011). Ayon sa isang risertser
na si Armando Dimagiba (2011), ang karaniwang pedicab driver ay kumikita ng humigit kumulang 250-350 piso
kada araw.
Halos lahat din ng mga drayber ng nasabing sasakyan ay may binubuhay na pamilya at sila rin ay nabibilang sa
mababang sektor ng lipunan. Ayon sa Philippine Daily Inquirer (1990), maraming mga kaakibat na kapahamakan
ang pagpapatuloy sa ganitong klase ng trabaho. Kung titingnan ang lagay ng drayber sa ganitong sitwasyon,
masasabing delikado ito dahil maaring maaksidente sila sa kadahilanang nabunggo ng mga motorist. Isa pang
halimbawa ay ang pagmamaneho nila pababa mula sa mataas na lugar katulad na lamang ng sinabi ng isang
pedicab drayber na: Pabilis ka na lang ng pabilis. Yung brakes hindi na tumatalab. Dire-diretso ka na lang
pababa kung mabigat ang dala mo. Nakakatakot nga, eh.
Mabuti na lamang at gumawa ng aksyon ang ilan sa mga opisyal ng pamahalaan na tutugon sa problemang ito ng
mga ordinaryong mamamayan ng bansa na marangal na naghahanap-buhay. Ayon sa The Philippine Star (2003),
nagkakaroon na ng ilang mga pribilehiyo ang mga nasabing drayber patungkol sa kanilang trabaho. Isa na rito ang
pagkakaroon nila ng tinatawag na Pinoy Health Pass na kung saan tutugon sa pangunahing medikal na
pangangailangan nila.
Tugon at Opinyon ng mga Ordinaryong Tao
Halos lahat ng mga pedicab na makikita sa Maynila ay hindi nakarehistro saLand Trasportation Office o LTO
(2010). Ito ay nagreresulta sa isa na namang problema sa pagdaloy ng trapiko. Dahil dito, karamihan ng mga
taong nakakakita sa mga ito ay itinuturing silang salot sa kalsada at kung minsan ay tinatawag
pang pesticabs dahil sa ugali nitong pasulpot-sulpot at pasingit-singit sa kalsada na mabagal pa ang takbo.
Nagiging masikip ang kalsada at dahil doon, hihirap ang daloy ng trapiko.
Ayon sa pag-aaral na ginawa nina Bajar at Lingad (1990), ipinakita ng sarbey na kanilang ginwa sa mga
ordinaryong tao at mga motorista na karamihan daw sa mga pedicab drayber ang hindi sumusunod sa batas
trapiko kahit na alam pa nilang hindi sila nakarehistro sa gobyerno. Patuloy pang tumatakbo ang mga pedicab
drayber na ito sa gitna ng interseksyon sa kalsada na akala ay sila ang may-ari ng kalsada, ilan pa raw sa mga ito
ang sobra kung magpatong ng singil lalo na kung hindi maganda ang takbo na panahon. At higit sa lahat, marami
pa raw dito sa mga drayber na ito na nagsasabing sila dapat ay intindihin dahil sa mabagal na takbo ng kanilang
sasakyan.
Ayon naman kay Cecille Matutina, isang kolomnista ng Manila Chronicles saLifestyle and Entertainment
Section (1990), ang pinaka nakakainis at nakakaalarmang bagay na patungkol sa mga pedicabs ay iyong
isinasalamin nito ang estado ng ekonomiya ng ating bansa. Habang dapat ay umuunlad na tayo kasabay ng
pagtanggal ng mga jeep at traysikel sa uri ng transportasyon sa bansa dahil sa mabilisang daloy ng buhay, tayo ay
humakbang pa patalikod at umusbong ang tinatawag na pedicab.
Dahil dyan, nabibigyan ng masamang imahe ang mga drayber na ito sa mata ng mga tao. Nawawalan sila ng boses
upang makapgpaliwanag ng kanilang mga tugon ukol sa mga isyung ipinupukol sa kanila ng lipunan.
Interbyu ng Isang Pedicab Drayber
Isang pedicab drayber ang ininterbyu upang malaman ang kanyang buhay bilang drayber. Inalam din ang
mga suliraning kanyang hinaharap patungkol sa trabaho at kung papaano niya ito nilulutas. Inalam din ang mga
mensaheng gusto niyang iparating sa mga tao.
Si Manong Gismundo De Vega, 57 taong gulang, ang nakapanayam sa pagiinterbyung ito. Isinaad niya na
may kita siyang 300-400 araw-araw, at binabdyet niya ng mabuti ang kita para sa limang anak na dalawa pa rito
nagaaral pa. Ayon sa kanya, napagradweyt na niya ang tatlong anak ng kolehiyo sa tulong ng kanyang
pagpepedicab. Dahil sa matinding pangangailangan ng salapi, kinakailangan niyang magtrabaho mula umaga
hanggang dapit hapon upang makakita ng salaping makakapagtustos sa pangangailangan ng pamilya.
Ilan sa mga suliraning kinahaharap niya sa kanyang paghahanap-buhay ay iyong mga patakarang
ipinapatupad ng gobyerno patungkol sa kanila. Isa na rito ang hindi pagpapahintulot sa kanila na ipagpatuloy ang
pagsa-sidecar dahil nakakaambag lamang sila sa matinding problema sa daloy ng trapiko. Nagkakaroon ng araw
kung saan aaksyon ang mga opisyal. Huhulihin nila ang mga nagsasidecar. Dahil sa kahabagan na rin ng mga puso
ng mga opisyal na ito, ipinagmumulta na lamang ang mga drayber na ito ng 300 piso at iiwanan ang sidecar sa
mga opisyales ng higit isang lingo, pagkatapos ay maari nang tubusin. Ito ay marahil hanapbuhay na rin ng mga
mahihirap kung kayat sila ay pinagbibigyan upang may pagkakitaan. Isa pang problemang tinukoy ni Mang
Gismundo ay iyong mga kuliglig na tinuturing nilang kakumpitensya. Nauubusan kasi sila ng mga pasahero dahil
sa mga kuliglig na ito.
Isa lamang daw ang kanyang layunin kung bakit patuloy pa rin siya sa trabahong ito. Iyon ay upang buhayin
ang kanyang pamilya. Gagawin niya ang lahat upang matugunan lamang ang mga pangangailangan ng kanyang
pamilya.
Idinagdag pa niya ang mga mensahe niya tungkol sa kanyang mga pasahero at sa gobyerno. Para sa kanyang
pasahero: Sa mga pasahero, lalo na sa mga taga La Salle, St. Scho.. Huwag kayong magsasawang sumakay sa
pedicab. Huwag na sa kuliglig! Nalulugi ang mga pedicab e. Marami sa amin ang hindi na nagkakaroon ng sapat na
kita dahil sa mga kuliglig.
Para sa gobyerno: Gawin niyo na lamang legal ang ganitong uri ng pagtatrabaho. Marangal naman ito at hindi
kami gumagawa ng masama.