Professional Documents
Culture Documents
Nobela
Nobela
PAALAM
Malakas ang ihip ng hangin at nagbabadyang umiyak ang kalangitan. Sumasayaw ang
mga puno at nagwawalaan ang karagatan. Matindi ang paghampas ng mga alon na tila bang
nagpapahiwatig na galit ang mga ito. Ngunit ang bawat paghampas ng alon ay isang
napakandang musika ang naririnig ng aking damdamin. Sabay na sumayaw ang galit kong
kinikimkim sa bawat paghampas ng alon sa karagatan; Sumasayaw sa malumbay na hangin at
dinadama ang malungkot na langit.
Hindi ko maipaliwanag ang nangyari sa akin dahil bigla na lamang akong tumigil sa
paglalakad at sumigaw ng napakalakas kasabay ng napakatagal na kulog at nakakasilaw na
kidlat. Tumingin ako sa kalangitan at hinanap ang mga bituin. Ngunit ni isa wala akong
nakita; Marahil ay talagang malungkot ang langit at hindi na kaya pang itago ng maliliwanag
na bituin ang kadiliman at kalungkutan ng langit.
Tumingin ako sa aking inaapakan. Nakita ko ang mga puting buhanging tinatangay ng
tubig. Nasulyapan ko kung paano burahin ng tubig ang mga nakasulat sa buhangin. Nakita ko
kung paano matumba ang mga punong naglalaman ng mga pinangakong pagmamahalan. At
kasabay ng mga ito ay ang pagbuhos ng ulan. Unti-unting dumampi sa aking mukha ang bawat
patak ng ulan at umihip ang napakalungkot na hangin na yumakap sa akin ng napakahigpit. At
sa hindi malamang kadahilanan ay muli na namang naginit ang akong mga mata at unti-unting
dumaloy sa aking pisngi ang aking mga luha; Ang mga luhang muling nagpaggalaw ng aking
mga paa.
Hindi ko alam kung saan aking paroroonan. Hindi ko alam kung bakit ba ako
naglalakad sa karagatan. Ang tanging alam ko lamang ay unti-unti na naman akong nilalamon
ng kalungkutan. Sa pagkalat sa aking paligid ng kadiliman at sa matinding pagluha ng
kalangitan ay naramdaman ko ang pagkalinga at kaginhawaan sa kamay ng kalungkutan.
Dahan-dahan akong naglakad at dinama ang paglalim ng karagatan gamit ang aking
mga paa. Dinama ang unti-unting pagkawala ng mga buhangign hindi na maramdaman ng
aking mga paa. At muli ay nakaramdam ako ng matiding pangungulila. Naala ko muli ang mga
masasayang sandaling ibinigay sa aking ng mundo ngunit ipinagkait sa akin ng mga tao.
Naalala ko ang natatanging lumang litrato ng buo naming pamilya na kumupas; At dahil sa
pagkupas ay unti-unting nabura ang aking mukha sa larawan. Naalala ko ang aking talaarawan
na siyang natatangi kong kaibigan na nasasabihan ko ng aking mga problema, karanasan at
mga bago kong natutunan. Ngunit patawad sa aking natatanging kaibigan sapagkat
namarkahan ng aking mga luha nang kalungkutan ang bawat pahina mong aking sinusulatan.
Patawad sa mga pagkakataong dumanak sa iyong mga pahina ang luha ng aking puso.
Unti-unti akong niyakap ni kamatayan at isinarado ang aking mga mata. Kasabay ng
pagpikit ko ay ang huling isang patak ng luha mula sa aking mga mata na madali ring nawala
sa gitna ng karagatan.
IKALAWANG KABANATA
Oh umayos na po kayo. Ate lumapit ka po masyado kang malayo. Hay naku ang arte.
Umurong na lamang ako at tumabi sa lalaki. Ayan. Ayos na ha. Isa dalawa tatlo
cheese. Kasabay ng pangiti ng mga tao ay nagflash ang kamera at nakunan ang bawat pekeng
ngiti ng pamilya ko.
Sa isang buong araw may 24 oras. Kalahati ng buong araw ko ay inilalaan ko para
matulog. Isang oras o di kayay dalawang oras para naman tumingin sa kalsada. Katabi kasi ng
bahay ang isang parke at sa harap nito ay simbahan kaya naman imposibleng mawalan ng tao.
Ewan ko ba pero natutuwa ako sa panunuod ng mga tao. Sa parke kasi may mga taong
magkahawak ang kamay na para bang ipinagsisigawang mahal nila ang isat-isa. Nandito din
makikita yung isang buong pamilya na masyang namamasyal pagkatapos ng mga misa. Dito
mo din makikita yung mga batang umiiyak dahil hindi sila nabilhan ng ice cream o hindi
naman kaya yung lobo na kartoon. At syempre hindi mawawala yung mga magkakaibigan na
walang magawa o di naman kaya gusto lang magbonding. Dito din minsan naghihiwalay yung
mga magkarelasyon. At ang pinaka nakakatuwang panuorin ay yung mala-teleseryeng drama
pagkanahuhuli ng isang babae na may iba pa pala yung taong mahal niya. Andyan yung
sisigaw yung babae tapos sasampalin o di naman kaya sasabunutan yung babae at kung
minsan pa nga ay magkasamang sampal at sabunot pa. Syempre dadami yung tao na
manunuod pero walang gagawin para awatin yung nagaaway pero syempre may iba naman na
tutulong ngunit mas marami pa rin yung nanunuod lang. At syempre hindi mawawala yung
mga taong nagdradrama o di kayay umiiyak sa parke. May isa kasing malaking paunten sa
gitna ng parke at masukal na gubat.
Masaya, malungkot o nakakainis man ang nakikita ko sa parke masaya pa rin akong
nakikita ko kung paano ba ulit tumawa o kung paano umiyak kasi minsan parang
nakakalimutan ko na kung paano. Minsan kasi parang wala na akog nararamdaman.
IKATLONG KABANATA
MATANDANG BABAE
Ay naku hindi ho. May bahay po akong tinutuluyan pero wala po kasi akong tahanan
atsaka malamig po kasi ang simoy ng hangin sa taas ng puno. Pasensya na po talaga. Humingi
ako ng tawad sa gwardya at isang ngiti naman ang ibinigay niya pabalik sa akin.
IKAAAT NA KABANATA
Pasensya na po. Nagulat lang naman po ako. Bigla akong nahiya sa inasta ko at agad
na humingi ng tawad.
Ayos lang. Sanay naman na ako.Ngumiti siya matapos bitawan ang mga katagang
iyon. Sanay naman na ako. Pagka ba sinabi nating sanay na tayo sa mga bagay na nakakasakit sa
atin. Hindi na ba talaga tayo nasasaktan? O nasanay na din tayong masaktan?
Pasensya na po talaga. Ako nga 6on a6i si Jem, Jem Rinka po. Nakatira po ako doon.
Tinuro ko 6on a6ing bahay at nagpakilala sa kanya.
Jem, anak, kung hindi mo sana mamasamain, bakit may mga laslas ka sa pulso mo?
napatahimik ako sandali pero ngumiti ako at huminga ng malamim bago sumagot.
Ngayon lang ako nakakita ng ganyang itsura ng gasgas. Kung ayaw mong magsabi ng
totoo hindi naman kita pipilitin. Hindi ko rin naman sasabihin sa iyo na itigil mo na yan dahil
wala namang patutunguhan dahil alam ko na may mga panahon sa buhay natin na sobrang
nahihirapan na tayo na minsan gusto na lamang natin mamatay. Pero laging mong tatandaan
na mahal ka ng Diyos at may mga taong nagmamahal saiyo kaya mas piliin mong maging
masaya. Sa mga panahong iyon ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero bigla ko na
lang naikwento kay Aling Rosa kung bakit ako may mga sugat, hindi lamang sa pulso kundi sa
buong katawan.
IKALIMANG KABANATA
ANG NAKARAAN
Nagalit ang mga magulang ng kanyang kalaro sa kanya at maging ang kanyang mga
magulang. Naayos naman ito agad dahil humingi ang kanyang magulang ng paumanhin at
ipinangakong tutulong sila sa gastusin sa pagpapagamot sa kanilang anak.
Kung sa ibang mga bata, paniguradong iiyak na ang mga ito pero ni walang isang
luhang pumatak mula sa mga mata ni Jem. Tinitigan lamang niya ang pintuan kung saan
lumabas ang kayang mga magulang at mamaya naman ay siyang papasukan ng mag-aalaga sa
kanya. At hindi na nga nagtagal ay pumasok naang isang babaeng may itim at mahabang
buhok, morena at halatang laking probinsya. Ngumiti ito sa kanya pero nanatili lamang siyang
nakatingin dito at blangko ang buong mukha.
Noong nakaraan ang nagbantay sa kanya ay may kayumangging buhok at may pagka
morena din at nung isang araw naman ay maputing babaeng may kulot na buhok. Nasanay na
rin si Jem. Paiba-iba ang nag-aalaga sa kaniya at kung minsan pangay wala. Sa mga
pagpupulog o kahit sa tuwing aakyat ng entablado si Jem upang kumuha ng karangalan ay sila
din ang pumupunta. Lahat na ito ay nakasanayan na niya. Ang tanging hindi niya lamang alam
ay kung paano makikitungo sa kanyang mga magulang. Hindi siya sanay na kasama ang mga
ito pero sanay na siya na palagi siyang pinapagalitan tuwing magkikita sila.
Madalas siyang tuksuhin at asarin ng kanyang mga kaklase. Hindi naman niya kinikibo
ang mga ito at hinahayaan na lamang. Pero isang araw ay napaaga ang kanilang uwian kaya
naman nagkaroon siya ng panahon upang makapunta sa bahay ng kanyang tiyahin na minsan
lamang umuwi kaya naman mag-isa lamang siya rito.
Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya pero maya maya pay unti-nting may
lumabas na mainit na likido mula sa kanyang mga mata hanggang sad umami ito at
nagunahang mahulog sa kanyang mga pisngi. Pinahid niya ito g pauli-ulit ngunit tila baa yaw
pang tumigil ng kanyang mga mata sa pagluha kaya hinayaan niya na lamang itong mapagod.
Hinayaan niya itong mapagod hanggang sa kusa na lang itong tumigil.
IKA-ANIM NA KABANATA
Bakit ka umiyak ng araw na iyon? tanong ni Aling Rosa sa akin. Hindi ko din alam
pero bigla na lamang akong napaiyak. Bigla na lang akong sumabog. Siguro dahil sa mga
panahong iyon ay naisip kong mag-isa na lang pala ako. Na ang tagal tagal ko na pakang mag-
isa. Ang tagal ko nang mag-isa na hindi ko na din alam kung masaya nga ba tagalaga ako sa
ganito o baka naman komportable lang.
Matapos akong umiyak ng mga panahon na iyon ay nakita ko ang paninira sa akin ng
mga kaklase ko sa social media. Hindi naman na iyon bago para sa akin. Pero yung bagay na
kumurot sa aking puso ay nang makita kong kasama nilang nanlalait sa akin ang mga itinuring
kong kaibigan. Nawala ako sa sarili ko noon at muli na namang umiyak at humarap ako sa
salamin at pinilit kong ngumiti at sabihing kaya ko at kakayanin koto. Ngunit may isang bagay
akong nakita sa lababo ng palikuran ni tiya. Kulay pilak ito at malamig ng idinampi ko sa aking
balat.
Humalik sa labi ko ang talim nito at sinugat ang aking pulso. Nilaslas ko ang pulso ko sa
parehong bilang ng taong nananakit sa aking damdamin. Nagkaroon ako ng labing isa sa kanan
at labing isa din sa kanan. Pero bago ko pa man ibalik blade ay nilaslas ko ng isa pang beses ang
aking kaliwang pulso dahil nakalimutan ko na sa lahat ng taong nananakit sa akin.
Nakalimutan kong kabilang pa pala ako. Sa lahat ng taong nanakit sa akin, ako ang
pinakananakit sa sarili ko.
Sa lahat ng taong nagsinungaling sa akin, ako pala ang pinaka nagsinungaling sa sarili.
Nagsinungaling akong masaya ako at ayos lang ako kahit na ang totoo ay hindi naman.
Nagsinungaling akong kuntento na ako sa kung anong meron ako pero wala naman talagang
akin.
Sa lahat ng taong nangako sa akin, ako ang may pinakamaraming pangakong napako
para sa sarili ko. Hindi ko natupad ang pangako kong magiging matapang ako. Hindi ko
natupad ang pangako kong magiging masaya ako. At higit sa lahat hindi ko natupad ang
pangako kong maging ako at mahalin ang sarili ko sa kung ano man ako.
Ako. Tama nga sila wala akong nagawang tama. Walang kwenta ang buhay ko. Wala
akong kwentang tao. Ngayon alam ko na kung bakit ko ginagawa iyon. Hindi dahil sa
malungkot. Hindi dahil sa napapagod ako. Hindi dahil sa pananakit ng ibang tao. Kundi dahil
mismo sa akin.
Umiyak ako at nagawa ko ang mga bagay na iyon dahil hindi naman ako karapatdapat
na mabuhay pa.
IKA-PITONG KABANATA
ANG KWADERNO
Naramdaman ko sa unang pagkakataon ang init ng mga yakap mula sa isang taong may
busilak na puso. Hindi ko naintindihan ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Pero sa
unang pagkakataon, umiyak ako, hindi dahil sa nagiisa ako kundi dahil may taong nandyan
upang damayan ako. Sa pagyakap ko kay Aling Rosa ay nakita ko ang bakat ng mga lubid sa
kanyang leeg at doon ko lamang napagtanto na puno siya ng pasa sa katawan.
Ngumiti siya sa akin kasabay ng pagkawala ng luha sa kanyang mga mata. Nagkaroon
ako ng nobyo sa napakabatang edad at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabuntis ako.
Natuwa naman ako nang malaman ito at kahit pa nagalit ang mga magualang ko noon ay hindi
ako nagdalawang isip na agad itong sinabi sa aking sinisinta ngunit makalipas ang ilang araw
ay bigla na lamang siyang naglaho nang parang bula. Sa sobrang pagmamahal at kalungkutan
ay tinangka kong magpakamatay ngunit nabuhay pa rin ako. Nabuhay ako ng miserable at
maging ang anak ko. Dahil sa mga pangyayaring ito ay nalaglag ang bata. Tumingin siya sa
mga bituin at alam kong pinipigil niya ang sarili sa pagluha. Nakapatay ako. Napatay ko ang
sarili kong anak. Nakita ko kung paano kumawala ang luha sa kanyang mga mata at nadama
ko ang kalungkutan sa walong salitang binitawan niya. Ayaw akong tanggapin ng mga
magulang ko. Ilang araw akong nagpakalat-kalat sa daan. Pinagbabato ng mga tao.
Napagdidiskitahan ng mga lasing. Hanggang sa makarating ako dito at nakita kog may
gwardiya naman na nagbabantay kaya nanatili na lang ako dito. Kahit papaano ligtas ako.
Kahit papaano ay may tao akong kasama. Kahit papaanoy napapatawa ko ang mga tao sa
tuwing may mangungutya sa akin. Dito, kahit papaanoy may silbi ako. Nakakahanap ng
dahilan para mabuhay. Binuksan niya ang supot sa kanyang tabi. Bukas ay aalis na ako dito.
Hanggang ngayong araw lang kasi ang ibinigay sa aking palugit bago pa ako ipadampot sa
mga pulis. Pero bago ako umalis ay hiniling ko kay Leo na sanay makausap kita. Palagi kasi
kitang nakikitang umiiyak at niyayakap ang punong iyon bago ka umalis. Inilabas niya ang
isang kwaderno mapapaghalataan mong hindi gawa ng makina. Isulat mo dito lahat ng nais
mong sabihin, mga nangyari sa iyo, umiyak ka o tumawa habang sinusulat ang mga nais mong
sabihin. At sa pinaka dulo ng bawat kabanata ng iyog buhay ay magsulat ka ng sampung
dahilan kung bakit ka pa nabubuhay at sampung dahilan kung bakit ayaw mo ng mabuhay. At
hanggat meron ka pang dahilan para mabuhay huwag mong tatangkaing magpakamatay.
Tinanggap ko ang kwaderno at tinanong kung saan ko siya mahahanap at saan na siya
tutuloy pag-alis niya sa parke. Ngunit maging siya ay hindi niya alam. Nais ko man siyang
patuluyin sa bahay pero pareho lamang na mamagalit sa amin ag mga tao roon. Kaya naman
inantay naming ang pagsikat ng araw at nagpaalam sa isat-isa.
IKA-WALONG KABANATA
MUNTIK NA
Yung babae! Diyos ko po! Tulong!!! Kasunod ng mahabang busina ay ang pagingay
ng kalsada dahil sa mga nagsisigawang tao. Dahil hindi naman ako mahilig makiusyoso ay
dumiretso lamang ako sa paglalakad.
Aling Rosa! Aling Rosa! Si Aling Rosa! Nasagasaan si Aling Rosa sumigaw ang
gwardyang si Kuya Leo at matapos kong marinig na nasagasaan si Aling Rosa ay para akong
nabuhusan ng malamig na tubig. Napahinto ang mga paa ko sa paghakbang at hindi ko na
marinig pa ang sinabi ng ibang tao ang tanging paulit-ulit lamang sa utak ko ay ang mga
katagang Nasagasaan si Aling Rosa. Nais ko mang tumingin pabalik at puntahan siya ay naisip
kong baka ito na yung araw na magpapahinga na siya. Ito na yung pagkakataon niyang maging
masaya siya sa buhay niya at mawawala na ang mga pasat sugat. At sa kabilang buhay ay
magkikita na sila ng kanyang anak.
Ngunit binigo ako ng aking mga mata dahil tumingin pa din ito sa likod at nakita ko si
Aling Rosa na nakatingin sa akin habang may ngiting sa kanyang labi. Nakita ko ang dahan
dahang pagpikit ng kanyang mga mata bilang tanda na tinatanggap na niya ang kamatayan.
Magandang umaga din. Paano ba ako napunta dito? Sino ang nagdala sa akin dito?
Nasaan sila? sa pagkakataong iyon ay umasa akong ang pamilya ko ang nagdala sa akin.
Tiya niyo daw po siya ang sabi niya. Umalis po siya kanina at sinabing bibili ng
makakain ninyo pero tumawag po siya kanina na hindi na daw pop ala sia makakabalik dahil
may emergency meeting sa kumpanyang pinagtratrabahuan niya. Nadismaya man ako.
Natuwa pa rin naman ako dahil hinanda talaga nang nars ang pagkain ko. Duon ko na isip na
ang swerte pala ng mga tao sa ospital. May mga taong nag-aalaga sa kanila, may mga taong
may paki sa kanila at hindi nila kailangang magluto para makakain, maglaba para may
maisuot, magaral para makapagtrabaho at sumide-line para magkapera.
Sa panahong iyon, hiniling ko na sana hindi na ako umalis dito. Pero hindi pwede dahil
paniguradong tambak na naman bayarin at hindi naman pwedeng libre ni tiya ang lahat ng
gastusin. Kayat hindi ko man kaya ay nakumbinsi ko silang ayos na ako at sa bahay na lamang
ako magpapagaling.
IKA-SIYAM NA KABANATA
SUMABOG
Sana ipinalaglag niyo na lang ako? Sana nga. Sana hindi mo na lang ako ipinanganak
kung pakiramdam ko din naman patay na ko. At nagpapapansin? Oo oo ma... oo kailangan
ko ng atensyon hindi sa ibang tao kundi sa inyo. At sabagay wala naman talaga akong
nagawang tama na nakikita ninyo kasi kahit kalian hindi ko naman kayo nakasama. Kahit
kalian hindi man lang kayo umakyat at sinabitan man lang ako ng medalya. Kaya siguro wala
akong nagawang tama para sainyo!
Mga medalya mo? Hindi ka naman una sa klase ninyo. May mas magaling pa saiyo
kaya hindi mo dapat ipinagmamalaki ang mga yun. Yung kapatid mo ---
Yung kapatid ko. Yung kapatid kong matalino. Yung kapatid kong mabait. Yung
kapatid kong napakaperpekto sa mga mata ninyo. Ma naman magkaiba kami. Hindi tamang
ikumpara ninyo kami. Kahit ano mang kulang sa amin. Kahit pa bumagsak kami. Kahit pa
hindi kami maging matagumpay sa hinaharap. Dapat mahalin niyo kami. Mahalin niyo kami.
Mahalin niyo ako sa kung ano ako. Hindi dahil sa mga bagay na meron ako o sa mga
asignaturang magaling ako o hindi dahil sa dami ng medalya ko. Mahalin niyo ako bilang anak
niyo. Kung hindi niyo man ako kayang mahalin kahit ituring niyo lang ako na anak. Kahit isang
beses lang tawagin niyo akong anak. Kahit isang beses man lang tawagin ninyo ako sa
pangalan ko. Kahit isang beses lang o isang oras o kahit isang minuto lang sana man lang
maramdaman ko na mahal niyo din ako. Kasi ma, pa, Lester at sainyong lahat pagod na pagod
na ako. Pagod na akong manghigi ng oras, ng atensyon, ng pagmamahal. Pagod na akong
mamalimos eh. Hindi ba pwedeng ibigay niyo na lang ng kusa. Kahit peke lang. Kahit hindi
totoo. Gusto ko lang marinig na mahal niyo ako at mahalaga ako sa inyo. O kahit man lang
batiin tuwing umaga o bago matulog. O yayain na kumain kasama ninyo. Kahit yakapin niyo
lang ako. Kahit isang segundo lang. Kasi hirap na hirap na ako. Pagod na pagod na ako at ang
sakit sakit na.
Nagkarera ang mga luha ko. Pumasok ako sa aking silid at kinuha lahat ng gamit ko.
Kinuha ko lahat ng mga regalo ko para sa mga kaarawan nila, sa mga pasko, sa bagong taon, at
ang mga medalya ko na natanggap ko dahil sa naguna ako sa klase na hindi alam ng mga
magulang ko at mga sertipiko ng pagkapanalo sa ibat-ibang kontes na sinasalihan ko. Lumabas
akong dala-dala ang lahat ng mga ito. Iniwan ko ang mga ito sa salas maliban sa mga damit ko
at umalis na.
IKA-SAMPUNG KABANATA
HULI NA
Duon ko napagtanto na wala sa dami ng rason and magiging desisyon ko. Kundi sa
bigat ng bawat rasong ibibigay ko. Dinama ko ang malamig na simoy ng haninging dumaampi
sa aking balat. Kinalma ko ang aking sarili habang pinaglalaruan ang buhangin sa tabing-dagat.
Pinagmasdan ko ang kagandahan ng mundo sa isang buong araw. Ang pagiging makulay ng
langit sa tuwing lulubog ang araw. Ang sariwang hangin mula sa puno at halaman. Ang pag-
akit ng bulaklak sa mga paru-paro.
At sa huling araw bago dumating ang araw na mawawala ako gusto kong
magpasalamat sa lahat ng mga naging kaibigan ko. Pasensya na sa mga panahong sinabi kong
ayos lang ako kahit hindi naman. Pasensya na kung hindi ko na kaya pang lumaban pero
hinihiling ko na huwag niyo akong gayahin sadyang may mga bagay sa mundo na hindi natin
alam kung bakit sa atin binibigay. May mga pagkakataong hindi natin alam kung bakit tayo
nabubuhay. Kaya naman palagi ninyong tatandaan na ibinigay sa inyo ng Diyos ang buhay na
iyan dahil may nais siyang gawin ninyo. May inilaan siyang mga bagay na kailangan mong
gawin.
Kaya naman sa lahat ng taong nais kong humingi ng tawad ay sa Diyos dahil sumuko
na ako at tatausin ko ang buhay ko na ibinigay niya. Patawarin po ninyo ako. Patawarin ninyo
ako sa pagiging mahina ko. Patawad kung nakalimutan kong nandyan pa pala kayo. Patawad
kung nakakalimutan kita.
Malapit nang dumating ang kinabukasan at kahit pa gaano kadaming bagay ang
napagtanto ko. Buo na ang desisyon ko. Ayoko ng mabuhay pa dahil gusto ko nang
magpahinga. At lahat ng bagay na naiisip ko ngayon upang hindi ituloy ang paglunod sa aking
sarili. Ito sana yung mga bagay na naisip ko na noon pa. Noon pa nung hindi pa huli ang lahat.
Ngayon kasi Hulin na.