Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Panuto: Basahing muli ang teksto sa inyong aklat o sipi at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sino ang nagsasalita sa mga talatang ito? Sino ang kanyang mga kausap?
2. Sino ang bida sa talinghaga? Ano ang kanyang ginawa sa buong araw? Anong oras siya nag-umpisa? Ano ang
kanyang pakay?
3. Sino ang kanyang mga tinawag mga tambay ba ang mga ito?
4. Maganda ba ang walang trabaho?
5. Sa mga grupo ng tao na tinawag sa ubasan, alin sa mga ito ang mga hindi binigyan ng pagkakataong magtrabaho
sa araw na iyon? Matatawag bang grasya ang ginawang pagtawag sa kanila ng may-ari ng ubasan?
6. Anong oras binigyan ng bayad and mga taong nagtrabaho sa ubasan?
7. Ilang oras nagtrabaho sa ubasan ang mga unang tinawag? Ilang oras nagtrabaho ang mga huling tinawag?
8. Magkano ang bayad sa isang araw na pagtatrabaho? Sa iyong palagay, tama ba na ang lahat ng mga nagtrabaho
ay tumanggap ng pare-parehong halaga? Magkano ang ibinayad sa lahat ng may-ari ng ubasan?
9. Sa pakikinig ng sinabi ng mga naunang nagtrabaho at ang tugon ng may-ari, kanino ang iyong simpatiya? Ang
tinuran ba ng may-ari ay makatuwiran?
10. Kung ikaw ay isa duon sa mga nahuling nagtrabaho, ano ang iyong magiging reaksyon sa iyong tinanggap na
bayad?
11. Batay sa kabuuan ng talinghaga ano ang kahulugan ng ang mga nahuliy mauuna; ang mga nauna ay mahuhuli?
Panuto: Gumuhit ng tsek (/ ) sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay patulad. Gumuhit ng ekis(X) kung ang
paghahambing ay di-patulad
____ 1. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa nakalipas na taon.
____ 2. Si Rene ay di-gasinong masipag na gaya ni Ramil
____ 3. Si Chester ay kasinggaling ni Danilo sa pagsayaw
____ 4. Ang nakita naming buwaya sa lawa ay kasinlaki ng bangka
____ 5. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit
____ 6. Kasimbata ng anak mo ang pamangkin ko
____ 7. Ang ani ng mga magsasaka ay mas masagana ngayon kaysa nakaraang taon
____ 8. Di-hamak na malawak ang lupain niya kaysa bukid ni Mang Dionisio
____ 9. Ang magkaibigan ay magkasintangkad
____ 10. Gabutil ang yelong umulan sa Iloilo.
____ 11. Ang koponan naming ay di-masyadong handa na gaya ng koponan ni Coach Alex.
____ 12. Pakiramdam ko ay sinlakas ko na si Herkules!
____ 13. Ang daloy ng trapiko ngayon sa NLEX ay di gaanong mabigat na tulad ng daloy ng trapiko kahapon
____ 14. Lalong mahirap ang pamumuhay naming ditto kung ihahambing ito sa buhay naming sa probinsiya
.____ 15. Ang halik niya ay kasintamis ng Tsokolate
Panuto: Suriin ang binasang tula batay sa sumusunod:
Tema
Paksa
Tono
Damdamin
Imaheng Nakapaloob
Uri ng Tula

Panuto: Sagutin ang mga sumsunod na katanungan


1. Ano ang tema ng binasang tula?
2. Ano ang damdamin at tono na nakapaloob sa tulang binasa? Magbigay ng patunay.
3. Paano ipinadama ng may-akda ang kanyang pagdadalamhati sa tula?
4. Paano inilarawan ng may-akda ang alaalang iniwan ng kanyang kapatid?
5. Paano mo ipadarama ang pagmamahal mo sa isang tao o miyembro ng pamilya?
6. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng may-akda, ano ang gagawin mo kung sakaling mawalan ka ng mahal sa buhay?
7. Paano naiiba ang elehiya sa iba pang uri ng tula?

You might also like