Antasngwika - August24

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay-aralin sa Pagtuturo Ika24 ng

Baitang 7 Agosto 2017


Huwebes
Ikalawang Markahan

I. Layunin
Nakapagbibigay ng halimbawa ng antas ng wika
Nauuri ang bawat halimbawa sa antas ng wika
Nagagamit sa pakikipagdiskurso ang mga halimbawa ng antas ng wika
II. Nilalaman
Pangkalahatang tema: Panitikang Bisaya: Salamin ng mayamang kultura, tradisyon, at
kaugalian ng kabisayaan
Antas ng Wika
Mga Kagamitang Panturo
Aklat, slideshow, word puzzle
Sanggunian: Baybayin: Paglalayag sa wika at panitikan
Supplemental Lessons, Baitang 7
Mga Larawan sa Google Images

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtiyak sa kalinisan ng silid
B. Paghahabi ng Layunin
Magbigay ng mga halimbawa ng mga sumusunod:
1. Salitang Napapanahon
2. Salitang ginagamit sa pakikipagdiskurso sa internet
3. Salitang ginagamit sa pormal na pakikipagdiskurso
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
1. Ang naibigay na mga salita ay halimabawa ng antas ng wika
Antas ng wika Ang umuuri sa lebel ng paguusap
Halimbawa:
a. Impormal o Di-pormal mga salitang ginagamit sa pakikipagusap sa kakilala o
kaibigan
3 Uri ng Impormal o Di-pormal na wika
Balbal Mga salita na karaniwang ginagamit sa kalye o mas kilala sa salitang
kanto
Hal. Amerikano Kano
Kolokyal Mga salita na ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagusap.
Hal. Paano Pano
Lalawiganin Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o
probinsya o kayay sa partikular na pook kung saan nagsimula o kilala ang wika.
Hal. Ambot Ewan

b. Pormal Mga salitang standard na ginagamit sa pakikipagusap ng pormal. Ito ay


kadalasang ginagamit ng mga iskolar ng wika.
Halimbawa:
Silya - Salumpuwit
- Kabilang din dito ang masining na paggamit ng mga tayutay.
Hal. Ang iyong ngiti ay makulay na bahagharing nakakapagpaligaya ng aking
araw.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahat


1. Pangkatang Gawain
Buuin ang word puzzle na ini-atas sa bawat pangkat.
- Ayusin sa tamang pagkakasunod ang mga letra upang makabuo ng salita.
Tukuyin kung ang salitang binigay ba ay Pormal at Di-Pormal.
*Kung Di-pormal ang salita, tukuyin kung ito ba ay Balbal, Kolokyal, o Lalawiganin
Gamitin ang salitang naatas sa pangungusap.
Group 1 - R P E A = PARE/REPA
Group 2 - N R E M O = MERON
Group 3 - I N K E M E = MEKENI
Group 4 - O N W K R A D E = KWADERNO
Group 5 - A T E K S I N I = ESKINITA

E. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Sa panahon ngayon ay tila nasanay na tayo sa di pormal na pakikipagdiskurso sa
pangaraw-araw na buhay. Ang tao na nagnanais makipagdiskuro ng nararapat at
naaakma sa pamantayan ng isang komunidad ay nararapat na nagtataglay din ng
kaalaman ukol sa pormal na wika.
F. Paglalahat ng aralin
Magbigay ng 1 halimbawa ng salitang balabal, kolokyal, lalawiganin, at pormal. Gamitin
ang mga ito sa pangungusap.

IV. Takdang Aralin


Sumulat ng sanaysay na may temang Ang aking pamilya. Gumamit ng salitang balbal,
kolokyal, lalawiganin, at pormal sa pagsulat ng teksto.

V. TALA

Inihanda ni:

Mark Krunto M. Tozuka


Practice Teacher

Sinuri ni:

Adela P. Sacay
Guro III

You might also like