Salamat Aking Magulang by Jhulzian Canlas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Salamat Aking Magulang

-Jhulzian Canlas
Noong ang araw ay paahon
Nagsimula ang ating panahon
Panahon para ang ating ama at ina
Panahon na matuwa sumaya at lumigaya.
Noong tayo ay lumaki at lumago parang mga rosas na nang sakit ng paro-paro
Tila sila ang ating naging hardinero
Dahil pinalaki nila tayong may isip at puso.
Maspinatibay nila tayo na parang pader na gawa sa kongkreto
Lumaki din tayo may alam
Dahil ito sa sikap at tiyaga nila.
Tinuruan nila tayong magmahal at rumespeto gamit ang "Po at Opo"
Tinuruan tayo mag sulat at gumamit ng tulang Filipino
Tinulungan nila tayong magkapagtapos
Walang humpay ang Pagmamahal at
Pagaalaga sa isa't isa
Pero ginawa natin itong balewala
Noong tayo ay nagdalaga at nagbinata
Dahil nakahanap nagkaroon na tayo
Na bagong nakakasama
Akala natin na kaya na nating mag-isa
Unti-unti nitong sinisira ang ating
Moralidad at pagkatao
Pagkatao na nasira sa isang iglap
Pagkatao na naghirap ang ating magulang na ibuo.
Madalas na tayong magalit sa kanila
Dahil sa mga sermon na di natin alam na importante pala
Sa huli lnang natin napansin
Na tayo pala ay isang pasakit
Nahihiya tayong sabihin ang salitang pasensya dahil nahihiya tayo sa kanila
Pero pagtayo ay nasaktan at nagka problema
Sa kanila parin tayo tatakbo habang
tumatagaktak ang luha
Nagawa parin nila tayo mapatawad dahil sinasabi nila na " Kahit ano pa man
iyang nagawa mong kasalanan mamahalin at mamahalin pa rin kita"
Wala tayong nagawa kundi yumakan at magpatawad
Dahil"oo naging mali tayo, sumaway tayo at nagtaksil tayo"
Kaya susulitin ko na ang bawat minuto na sila ay kasama
Dahil alam ko at naniniwala ako na sa kanila lng maykahulugan ang
"Mahal kita"at" maytiwala".
Natunghayan ninyo ang aking pagtanda hangang sa akoy nagkapamilya.
Kaya salamat inay at itay
Salamat sa pagmamahal na walang humpay.

You might also like