Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Balagtasan SINO ANG HIGIT NA NAGAGAMIT ANG TALINO : BABAE O LALAKI? ni : Realyn D.

Sumadsad
Lakandiwa : Isang mapagpalang gabi ang handog ko Sa mga Pilipino sa buong mundo Isang e-mail
message ang natanggap ko Naghahanap ng sagot sa tanong na 'to Sinong higit na nagagamit ang talino
Sino nga ba ang sinasabing mas henyo Babae o lalaki, sino ba dito Paligsaha'y binubuksan ng lingkod nyo
Babae : Bilang babae kung ako'y tatanungin Pag-aaral nararapat atupagin Pagkat magulang ang iniisip
namin At sa ibang bagay ay di palahukin Lalaki : Ako'y isang lalaki matikas ang tindig Pag-aaral din syang
aking hilig Iniisip ko'y magulang at kapatid Ang panig ko'y sana'y iyong mabatid Lakandiwa : Tuloy kayo
upqng ating umpisahan Ang talino sa larangan ng katwiran Panig ng babae ating pakikinggan Salubungin
ng masiglang palakpakan Babae : Pagmasdan mo nang mabuti ang paligid Talino ay higit naming
nagagamit Sa larangan ng trabaho'y humahagupit Kung kaya't kami ang mas nakahihigit Tingnan mo
itong kalalakihan Nasaan sila, naroon sa tambayan Tila ba ay nagbibilamg ngsasakyan Di iiisip kanilang
kalagayan Karamihan sa aming mga babae Ay mga guro na siyang nagsisilbi Talino'y ginamit nang walang
pagsisisi Di lamang iniisip ang aming sarili Lakandiwa : Katwiran ng babae ay napakinggan Na sila raw
higit na nakalalamang Ngayo'y pakikinggan sa kalalakihan Salubulungin ng masiglang palakpakan Lalaki :
Mangyari nga ay aramiha sa amin Ay di ganon kataas ang ambisyonn Ngunit hangad ay magandang
edukasyon Upang hanapbuhay ay maging katugon Sa aking katalo na syang nagkamali Ang iniisip lang
daw ay ang sarili? Alintana naman sa iyong sinabi Pagkat kami rin ay marunong magsilbi Di lang sa pag-
aaral o sa propesyon Talino'y gamit din sa pagdedesisyon Sa tahanang pulos mga konsumisyon
Gumagawa ng paraan at solusyon Lakandiwa : Ngayo'y natapos na panig ng lalaki Naisiwalat na ang
kanyang sarili Mula sa mga salitang hinabi Na inilahad at walang halong ngimi Babae : Ang kalalakihan
kung iyong mamasdan Oo nga't sila ay may ponag-aralan Ngunit di 'to nagagamit nang tahasan Pagkat
iniisip sariling kapakanan Hindi ba nila lubos na naiisip Na ang buhay ay di pulos panagiip Dapat ang
pangarap ay abuting pilit Kaysa maglaho at tuluyang mawaglit Lalaki : Ngunit hindi mo rin ba 'to
napapansin Mataas na propesyon ay mula sa'min Inhinyero, pulis, maging sundalo rin Nawa babae ito'y
iyong isipin Kami na subsob sa paghahanap-buhay Talino at lakas gamit araw-araw Umaasang
makakamtan ang tagumpay Upang aming landas ay hindi maligaw Lakandiwa : Tumigil kayong dalawang
nag-iinit Kapwa sa katwiran ay humahagupit Dalawang panig na nagtatalong pilit Bigyan muna ng
palakpakan na mainit Aking ihahatol sa inyo sambayanan Na ang babae at lalaking nagsuntukan Sila'y
kapwa patas at tabla lamang Isa pa ngang masigabong palakpakan KARAGATAN Prinsesa : Mapayapang
gabi sa kalalakihan Na syang naririto sa aking harapan Aking kahilingan sana ay pagbigyan Nawawalang
singsing 'don sa karagatan Ang makahahanap nitong aking singsing Ang mananatili dito sa'king piling
Nawa ay pagbigyan itong aking hiling Inyong ipamalas ang husay at galing Lalaki 1 : Ako si Penduko mula
sa Bukidnon Nawawalang singsing hahanapin ko ngayon Sisisidin ko ilalim ng karagatan Masilayan lang
ngiti mo't kagandahan Lalaki 2 : Magandang binibini ngalan ko'y Lukas Buong tapang at galing,
ipamamalas Sa paghahanap ng singsing di aatras Makuha ko lang ang pag-ibig mong wagas Lalaki 3 : Ako
si Felipe mula sa Bulacnin Nawawalang singsing aking hahanapin Ilalim ng karagatan aking sisisidin
Maging akin ka lang ito'y gagawin Prinsesa : Aking desisyon ay ipagpaumanhin Pagkat wala sa inyo aking
naisin Singsing na nawawala'y natagpuan din At hindi kayo ang nagbigay sa akin

You might also like