Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAO CLIENT

REPUBLIKA NG PILIPINAS )
LUNGSOD NG PARANAQUE) S.S.

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si RUBIN A. TUMAPON, nasa wastong taong gulang, , Pilipino


at kasalukuyang nakatira sa Dona Remedios Rufino St. Phase I
Garden City Subdivision, Barangay San Isidro, Paranaque City,
matapos manumpa ng naayon sa batas ay kusang loob na
nagsasalaysay:

1. Na inirereklamo ko po si SONNY (SONNY) DELA CRUZ,


ERICK (ERICK) DELA CRUZ, MANDY (MANDY) DELA
CRUZ, ALDRIN (ALDRIN) SANDIL, GERRY (KAGAWAD
GERRY) DELA CRUZ at isang ELMO sa pananakit nila sa
akin (physical injuries), pagpasok sa aking bahay ng walang
pahintulot (trespass to dwelling). Si SONNY at ELMO
naman ay inirereklamo ko sa kasong lubhang pananakot
(grave threats);

2. Na sila ay aking mga kapitbahay at nakatira sa JP Rizal St.


Bukid Site, Fortunata Village, Barangay San Isidro,
Paranaque City;

3. Na noong Marso 12, 2017 ng bandang 9:00 ng umaga, ay


nagpapa-usok ako ng nakabitin na kambing upang mabilis
na mawala ang balahibo nito. Noong panahon na iyon, ang
kumpare ko na si Macky ay andoon din at sinabihan ako na
Patayin mo na ang usok. Ako ay agad na pumunta sa
likod-bahay upang kumuha ng tubig at patayin ang usok at
noong saktong binuhusan ko na ng tubig ang usok, biglsng
sumigaw si Mandy ng ilang beses na Ikaw pala yan!;

4. Maya-maya sinabi ni Mandy na Saan ka nagpa-alam?


Sumagot ako at sinabing Sa bagong caretaker ako
nagpaalam. Sabay lumapit sa akin at pasigaw na sinabing
Suntukin kita!;

5. Matapos noon ay sinuntok ako ni Mandy sa kaliwang


bandang mata ng isang beses. Nagkayakapan kami tapos
napailalim siya at iyong kamay ko ay nilalagay ko sa mukha
niya bilang depensa para hindi na niya ako masuntok muli;
6. Dumating na lang bigla si Kuya Boy upang awatin kami at
tumakbo na po ako ng mabilis na dala ang sapatos ko;

7. Nakasalubong ko matapos si Kagawad Gerry sa isang maliit


na daan malapit lang sa lugar kung saan ako sinuntok ni
Mandy at tinanong niya ko at sinabing Ano yan? Ang
tugon ko ay Nagkagulo po kami ni Mandy. At habang
nilalagay ko ang sapatos ko sa paa ay bigla niya akong
sinipa sa kaliwang balikat kaya ako ay napatayo at
napatakbo ako kunti;

8. Na sa aking pagtakbo ay nakasalubong ko naman si Erick


na may dala-dalang dos por dos na may pakong nakausli.
Hinampas niya ako ngunit hindi ito tumama at dumating si
Kuya Boy at Macky at umawat ngunit nakasuntok pa rin si
Erick sa kanang mata ko. Bilang depensa, dumampot po
ako ng bato ngunit ng makita ito ni Erick ay natakot siya
kaya natumba at nasubsob siya;

9. Matapos noon ay tumakbo na po ako ngunit hinabol ako ni


Sonny at Elmo. Lubha po akong natakot dahil may dala si
Sonny na baril at si Elmo na batsikorno (brass knuckles)
habang ako ay hinahabol nila. Natakot po ako sa buhay ko.
Nakalayo ako at nakasakay ng jeep papuntang police
station sa YP ngunit sabi sa akin ng pulis doon ay hindi
pwedeng magpa-blotter kung walang medical kaya umuwi
ako para kumuha ng pera;

10. Bandang mga 10:00 ng umaga, pagdating ko sa bahay


upang kumuha ng pera nagulat ako ng pumasok sa aking
bahay si Sonny, Aldrin, at Elmo. Si Aldrin pagpasok po niya
sa aking bahay ay sinuntok po ako sa taas at kanang
bahagi ng mata. Si Elmo pagkapasok po niya ay sinuntok
ako sa bandang baba ng kaliwang mata gamit ang isang
batsikorno;

11. Matapos ay hinila ako ni Sonny sabay siko sa dibdib. Si


Kagawad Gerry ay nakita kong nasa labas ng bahay at
narinig kong sinabi niyang Itumba na yan!;

12. Noong biglang nagsidatingan ang maraming tao,


karamihan ay mga kapitbahay namin, ay dinala ako sa
Barangay Patrol hanggang sa nakarating ako sa Barangay
na sugatan at ikinulong nila ako;

13. Nagsampa ako ng reklamo sa Barangay at nagsampa ng


reklamo laban sa mga taong inirereklamo ko, kalakip nito
ang Complaint bilang Annex A. Ngunit walang
pagkakasundo na nangyari sa amin kaya ako ay binigyan
ng Barangay ng Certificate to File Action, kalakip dito bilang
Annex B;

14. Ang mga pananakit nila sa akin ay nagdulot ng


maraming sugat, kalakip nito ang Medico-Legal Report ng
Ospital ng Paranaque bilang Annex C at larawan ng aking
sugatang mukha bilang Annex D at D-1;

15. Na ginawa ko po ang Salaysay na ito upang patunayan


ang lahat ng nakasaad dito.

BILANG PATOTOO, ako ay lumagda dito sa ibaba ngayong ika-17


ng Abril, 2017 dito sa Lungsod ng Paranaque.

RUBIN A. TUMAPON
Nagsasalaysay

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika-17 ng Abril,


2017 dito sa Lungsod ng Paranaque.

You might also like