Ang Pananaw Ni Rizal Hinggil Sa Ibat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Ang Pananaw ni Rizal Hinggil sa Ibat-ibang Aspeto ng Lipunan

(PI 100 X4-C)

Alonso, Aiess Athina E. 2008-79011

Barrios, Johnna Mae M. 2008-42869

Chan, Camille Erika S. 2008-18792

Introduksyon

Isang buong summer kami nag-aral tungkol sa buhay ni Dr. Jose Rizal, at doon masasabi namin na
siya ay isang super human dahil ang dami niyang bagay na kayang gawin pagguhit, panggagamot,
pagsusulat, fencing, paglilok, pagsasalita ng ibat-ibang lenguwahe, matinik sa mga babae, enjinir,
pagtuturo, at marami pang iba. Kung ang sukatan ng pagiging bayani ay sa dami ng kayang gawin,
marahil walang duda si Rizal nga ang ating pambansang bayani. Subalit hindi naman iyon ang sukatang
ng pagiging bayani, pero para sa aming grupo walang dudang bayani ngang maituturing si Rizal dahil sa
kanyang nagawa para sa bayan. Sa kabaling banda naman, ang pagiging pambanasang bayani ni Rizal ay
ibang usapan na.

Isang napakatalinong tao ni Rizal. Ang kanyang pananaw sa ibat-ibang bagay ay kahanga-hanga at
kitang-kita mo dun ang dakilang pagmamahal niya sa bayan. Pero sino ng ba si Jose Protacio Rizal
Mercado y Alonso Realonda? Ating kilalanin siya sa pamamagitan ng kanyang mga pananaw sa ibat-
ibang bagay: pamahalaan, relihiyon, pamilya, edukasyon, ekonomiya, etnisidad, kasarian, at sining.

Pamahalaan

Kung walang kamalian na kailangang iwasto, siguradong magiiba ang landas ng kasaysayan ng
ating bansa. Hindi natin malalaman ang pag-iral ng isang kapwa Pilipino na lumaban gamit ang pluma at
papel kung saan ang resulta ng mga gawa niya ay kanyang kinamamatay at nagpasiklab ng rebolusyon
dito sa Pilipinas.

Sa panahon ni Dr. Jose Rizal, kung saan ang Kastila at ang mga prayle ang naghaharing uri, damangdama
naman ang pagsasamantala at pangaapi sa mga Pilipino. Hawak ng mga prayle hindi lang ang simbahan
pati na rin ang pamahalaan, tinatawag itong praylokrasya. Sa lahat ng aspeto ng lipunan ma pa relihiyon
man, edukasuyon o pagpapatibay ng mga sedula, ang mga prayle ang huling tagapagpasya.

Ang pamilya ni Rizal ay kinaiinitan ng mga prayle sa ibat-ibang dahilan. Para sa mga prayle, ang pagiging
aral ni Teodora Alonso, ang mga pamumuna ni Francisco Mercado, at ang relasyon ni Paciano kay Padre
Burgos ay inambaan ang kanilang pamamalakad at posisyon sa lipunan. Bata pa lamang si Rizal ay
nadanas na niya ang di-makatarungang awtoridad ng simbahan at nakita niya kung saan umiiral ang
mapangharing kolonyal. Ang pagbitay sa tatlong pari na sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora ay naging
malaking impluwensya sa pagiisip ni Rizal. Ang pagkadakip ng kanyang ina ay takda ng paglabag ng
katarungan ng kolonyal na paghahari. At siyempre naging malalim ang epekto kay Rizal ang nangyari sa
kanyang bayan sa Calamba, Laguna kung saan nilabanan nila, kasama ang mga magsasaka, ang pagtaas
ng upa sa lupa at mga malabong imposisyon ng mga prayle. Ang naging resulta sa kanilang petisyon ay
ang pagsunog sa iilang mga bahay sa Calamba at ang pagkulong at pagtapon sa ibang bansa ng mga
taong lumaban sa kolonyal na mapang-api.

Nakikita ni Rizal na kailangan baguhin ang kolonyal at nakapangingibabaw na sistema ng praylokrasya.


Isa ito sa kanyang mga pinaglabanan. Ang pamahalaan ay dapat hiwalay sa simbahan. Pero sa usaping
pambansa, mukhang ayaw naman ni Rizal na humiwalay sa Espanya. Ninanais niya na magkaroon ng
reporma, representasyon at para sa Pilipinas maging opisyal na probinsya ng Espanya. Pero mukhang
nangyari din na nakita ni Rizal na rebolusyon din ang natatanging solusyon sa estado ng ating bansa
noon. Ang kanyang mga mapanghamong nobela at sanaysay ay mga akda na sumulong sa isang pwersa
ng liberalismo at nasyunalismo.

Relihiyon at Pamilya

Si Rizal ay bahagi ng uring panggitna kung saan siya ang naging pangunahing kinatawan ng mga leftisto
kaliwang panig. Dahil dito madaling nataguyod ang kanyang kamulatan at damdamin na pambansa at
mga liberal na pananaw. Nakikita ni Rizal na nakakamit ang tunay na kalayaan kung ang ating bansa ay
magpapalaya din. Ito ang siyang dahilan sa kanyang pagiging progresibo at radikal. Sa mga paglalakbay
ni Rizal sa panahong iyon, nakita niya ang pagunlad ng mga bansa sa Europa dahil sa konsepto ng
soberanyang popular at republikanismo. Dahil sa pagnanais at pagmungkahi nito para sa sariling bansa,
tinagurian siyang isang pilibustero.
Sa mga nobela ni Rizal, napakahusay niyang nailantad at naimulat sa mga Pilipino ang katotohanan na
imbis patuloy magbigay ang Kristiyanismo ng ispiritwal na buhay, ginamit ito ng mga prayle bilang
sandata kung saan pinapalabas na utang na loob natin ito sa kanila. Ginamit nila itong dahilan para
mapagsamantahalan ang mamamayan. Ginunaw ang pagiging banal ng relihiyong ito ng pagkakaisa ng
simbahan at estado, ang siyang resulta ng pagkaroon ng praylokrasya.

Si Rizal ay pinalaki na may paggalang sa relihiyon, moralidad, at sa katotohanan. Pero kahit debotong
Katoliko ang pamilyang Mercado, naipamalas sa kanya ang maging praktikal, rasyonal at ang
pagkakaroon ng malayang pangangatwiran.

Si Rizal ay ang ikapitong anak sa 11 na magkakapatid. Ang mga Mercado ay tanyang na pamilya sa
Calamba, Laguna. Pinagkalooban si Rizal at ang kanyang mga kapatid ng edukasyon ng kanilang mga
magulang. Sila ay maituturing ilustrado sa mga panahong iyon. Ang pananaw ni Rizal sa usaping pamilya
ay kasingtulad sa tradisyonal na Pilipino. Impluwensiya ito na nanggaling sa sariling karanasan sa
kanyang pamilya.

Ngunit nakikita din ni Rizal ang pangangailangang lumisan sa pamilya para makakilos at para makamit
ang kanyang mga minimithi para sa ating bansa. Pumunta siya ng Europa na labag sa kalooban ng
kanyang ina na si Teodora Alonso. Hindi ito pagkawalan ng respeto ni Rizal bilang anak. Isang malaking
kontradiksyon din ang umiral sa kanyang puso ang pagmamahal sa pamilya at bayan.

Sinasabing ipinapanganak ang mga taong may malaking nagagawa sa kanilang buhay sa tamang lugar at
panahon.

Pero nangyari din na damang-dama na ni Rizal ang kalikuan sa kanyang kababayan. Nakita niya na mas
malaki ang kanyang responsibilidad at tungkulin bilang anak ng inang bayan kung saan libu-libong
pamilya ang kanyang masisilbihan.

Pumunta si Rizal ng Europa para sa reporma at pagkamit ng bayan ng kaalaman. Sa kanyang mga
dinanas sa paglakbay, nagkaroon ng impak ang kaunlaran sa kanyang punto de bista. Mas napatalas ang
kanyang pagtingin, pag-aral, at pag-intindi sa mga bagay-bagay lalo na sa pagiging pantay-pantay at
pagkamit ng tunay na kalayaan. Dahil dito, maliban sa pagiging nasyonalistik, naging sayantipiko din sa
Rizal sa kanyang mga pananaw. Naging miyembro siya ng Masinoreiya kung saan kusa ang maging
ekskomunikado mula sa simbahan. Makabuluhan pa rin para kay Rizal ang relihiyon. Hindi nga lang niya
matanggap ang kondisyon kung saan napasamantala at napaapi ang mamamayang Pilipino sa gabay ng
mga taong dapat sumusulong sa mga bisang Kristiyano. Hindi ang simbahan ang katalo ni Rizal kundi ang
pamamahala ng mga nagbanal-banalang prayle sa ating bansa.
Edukasyon

Batay sa mga nabasa, napag-aralan at natutunan namin sa mga akda at biograpiya ni Rizal, masasabing
ang pambansang bayani ng Pilipinas ay labis ang binigay na pagpapahalaga sa edukasyon ng bawat isang
mamamayan lalo na sa mga kabataang Pilipinoang banal na pag-asa ng bayan. Paulit-ulit niyang
sinasabi sa kanyang mga tula, akda, at mga liham na ang pagtamo ng edukasyon ay isang napaka-
importanteng bagay para sa pansarili at panlipunang kaunlaran. Isa sa mga akdang ito na nagpapatunay
ng kanyang pagpapahalaga sa edukasyon ay ang tulang Education Gives Luster to Motherland, na kung
saan ay nabanggit niya na:

Wise education, vital breath

Inspires an enchanting virtue;

She puts the Country in the lofty seat

Of endless glory, of dazzling glow,

So education with a wise, guiding hand,

A benefactress, exalts the human band,

So education beyond measure

Gives the Country tranquility secure


Ang kanyang mataas na pagtanaw sa edukasyon bilang makapangyarihang instrumento sa
pagpalaganap ng adhikain ay sinimulan niya sa kanyang sarili. Sabi nga ng karamihan, paano nga ba
makakumbinsi ang isang tao kung sa kanyang sarili hindi ito isinasabuhay o kaya namay ang sarili ay
hindi kayang kumbinsihin? Kung kayat mapapansin natin sa mga talambuhay patungkol kay Rizal na isa
siyang dakilang educator at mag-aaral sa tatlumput limang taon ng pagkabuhay niya. Nag-aral siya ng
ibat ibang kurso upang mahasa ang sariling kakayahan sa mga bagay-bagay at maging huwaran na din
sa kanyang sariling paniniwala na ang pagkakaroon ng edukasyon ay isang tamang paraan na
magpapalaya ng bayang inalipusta ng Espanya.

Ang kanyang pagiging makata na naging daan upang maisulat niya ang mga akda na nag-udyok ng
reporma sa bayan, na kinalaunan ay nagpalaya sa bayang Pilipinasay isang pagpapatunay na hindi
isang pagsasayang ng panahon at salapi ang mangarap at magkamit ng tamang edukasyon.

Bukod diyan, tinotoo din niya ang pagnanais na maibahagi ang nalalaman at natutunan niya sa
kanyang pag-aaral sa Europa, sa pamamagitan ng pag-organisa ng isang klase ng mga kabataang
handang matuto at mag-aral ng mga bagay-bagay mula sa kanya. Ang itinayo niyang octagonal housesa
Talisay na gawa mula sa kahoy, kawayan at nipa, ay nagsisilbing lugar ng kanilang pagtitipon para sa pag-
aaral at panggagamot na din.

Masasabi rin na si Rizal ay walang pinipiling mag-aaral hanggat ang isa ay may hangarin na
matuto. Ang kaisipang ito ay naglalarawan kay Rizal bilang isang tao na kung sa larangan ng edukasyon
ang pag-uusapan, dapat ay accessible ito sa kung sinumang mamamayan at kabataang Pilipino
mayaman man o mahirap. Isa itong napakagandang pananaw ni Rizal given the idea na galing siya sa
isang marangyang pamilya.

Sa pangkalahatan ang edukasyon, sa pananaw ni Rizal, ay isang bagay na dapat makamtan ng


bawat isang Pilipino. Sa pamamagitan ng sapat na edukasyon, magiging madali ang pagkamit ng
kaunlaran, mga reporma at pagbabago, para sa pansarili at panlipunang adhikain.

Ekonomiya

Ang pagkakaroon ng matatag na ekonomiya ng isang bayan ay isang indikasyon ng matatag at maunlad
na lipunanlipunang sa anumang oras ay handang magsarili at mamahala nang walang kontrol at
impluwensya ng mga banyagang pamahalaan.

Para kay Rizal, ang pagkakaroon ng sapat na pondo ay isang paraan tungo sa matagumpay na balak na
paghihimagsik laban sa mapang-aping Espanya. Sabi nga niya sa kanyang liham kay Jose Alejandrino:
A revolution has no likelihood of success unless(3) there should be money and ammunitions
available

Mula sa pahayag niyang ito ay masasabi nating malaki din ang pagpahalaga ni Rizal sa isang matatag at
maunlad na ekonomiya ng bayan. Oo nga naman, papaano ba matutustusan ang mga pangangailangan
ng isang malawakang himagsikan kung sa simula pa lang ay wala ng sapat na pondong mailaan para sa
mga di-inaasahang gastusin ng samahang naghihimagsik? Ito ay magiging isa lamang pagsasayang ng
panahon at buhay. Oo ngat ang pagkakaisa ng bawat mamamayang Pilipino ay napakahalaga para sa
ganitong pag-aalsa, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito sapat para magtagumpay sa kahuli-hulihan;
dahil kakailanganin pa rin ang pagkakaroon ng pondo at matatag na ekonomiya para magiging attainable
ang inaasam-asam.

Tama si Rizal sa kanyang kaisipang isang mahirap at malayo sa pagtatagumpay ang gagawin ng mga
rebolusyonaryo kung aasa lamang sila sa sa mapusok nilang damdamin ng paghihimagsik; kahit walang
mapagkukunan ng pantustos sa pag-aalsa. Dito pumapasok ang kahalagahan ng isang magandang
ekonomiya ng isang bayan. Kung iisipin nga naman, papaano ba makakabangon o makapagsimula ang
isang bayan sa panahon ng kanilang pagsasarili kung wala silang sariling ekonomiya na kayang magtustos
sa pangunahing pangangailangan ng bawat mamamayan?

Sa pangkalahatan, si Rizal ay may malaking pagpapahalaga sa kaunlaran at katatagan ng ekonomiya ng


isang samahan o bayan manlalo na sa planong himagsikan at pagsasarili. Ang aspetong ito ang siyang
magsisilbing dagdag na gatong para maisasakatuparan ang matagal na hinahangad na kalayaan mula sa
pananakop ng mga banyaga.

Etnisidad

Ang pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan bilang miyembro ng isang lahi ay isang mabuting bagay.
Ang maturingan ka namang banyaga sa sarili mong bayan ay hindi kanais-nais.

Mula sa mga akdang nabasa at natalakay sa klase, inihahayag ang pananalaytay ng lahing banyaga sa
dugo ni Rizallahing Espanyol, Tsino, Hapon, at ang ating lahing Pilipino. Hindi maipagkakailang
paminsan-minsan ay maturingan siyang dayuhan lalo pat ang pamilyang kinabibilangan niya ay
hinahangaan at may mataas na estado sa komunidad. Sa kabila ng lahat ng ito, itinuring pa rin niya ang
sarili bilang isang Pilipino. Sa katunayan nga, maging ang mga prayle ay itinuring siyang indio.
Ang pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan bilang isang lahilahing Pilipino, ay binigyang halaga ni
Rizal. Kabilang sa pagkakaroon ng sariling identidad ay ang ating pagmamahal sa sariling wikaang
wikang Tagalogang wikang Filipino. Binanggit niya sa kanyang tulang Sa Aking Mga Kabata:

Ang hindi magmahal sa kanyang salita

mahigit sa hayop at malansang isda,

kaya ang marapat pagyamaning kusa

na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,

Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,

Mula sa mga pahayag niyang ito, mapupuna nating isunusulong ni Rizal na kilalanin at mahalin ng
bawat mamamayang Pilipino ang sarili nating wika tulad ng pagkilala at paghanga natin sa mga
dayuhang wika. Isa pa niyang tula ay ang A La Juventud Filipina na nag-udyok sa mga edukadong
kabataang Pilipino sa pagpapahalaga sa sariling bayanbayang kinagisnan at kinabibilangan na kung
saan lihim niyang ipinarating ang kaisipan ng Pilipinas bilang isang bayang iba sa Espanya.

Kasarian

Naniniwala si Rizal na dapat pantay-pantay ang babae at lalaki. Marahil ay dahil narin sa marami
siyang kapatid na babae at sa labis na pagmamahal niya sa kanyang ina, nakita niya na maraming
magagawa ang mga kababaihan. Ayon sa akda niyang To My Young Countrywomen of Malolos na
naisulat dahil sa paki-usap ni Del Pilar. Sa sulat ay binigyang papuri niya ang mga kababaihan ng Malolos
sa kanilang pagtutulak na magkaroon ng isang night school kung saan puwede silang makapag-aral.
Ang mga kababaihan, partikular ang mga ina, ay may malaking magagawa dahil sila ang unang
tagapag-bukas ng mata ng kanilang mga anak. Kaya, gaya nga ng sabi ni Rizal sa kanyang sulat, dapat ay
maging bukas din ang mga mata ng mga kababaihian dahil sila ang siyang pangunahing tagapag-mulat ng
mga mata ng kanilang mga anak sa dapat nitong makita ang katotohanan.

Mataas ang pagtingin ni Rizal sa mga kababaihan, gaya nga ng nabanggit niya sa To My Young
Countrywomen of Malolos:

Important indeed are the duties that women must fulfill in order to relieve the country of her
sufferings, but they are not beyond the strength and character of the Filipino woman to perform

Ang mga babaeng Pilipino noon ay walang boses, kadalasang nasa bahay lang at ginagampanan ang
pagiging alila. Sila ay nagpapaalipin sa simbahan, na ang tanging alam lang ay mag rosaryo at nobena.
Ang mga anak nila marahil ay magiging mga sakristan na siya rin namang mag papaalipin sa mga
malulupit na mga prayle. Ang gusto ni Rizal ay magkaroon ang mga ito ng sariling pag-iisip. Nabanggit
niya rin sa sulat na:

This is the reason of the enslavement of Asia: the women of in Asia are ignorant and oppressed. Europe
and America are powerful because there the women are free and educated, their mind is lucid and their
character is strong

Kinumpara ni Rizal ang mga babaeng Pilipino sa mga babaeng Europeo sa pamamagitan ng pagbibigay
ng halimbawa sa kung paano nakikita ng mga babaeng Spartan ang kanilang sarili. Ang mga inang
Spartan ay hindi nalulungkot kahit umuwi ang kanilang mga anak na patay basta ang importante ay
nanalo sila sa laban. Ang mga kababaihang Pilipino naman ay dapat ganoon din ang gawin. Dapat turuan
nila ang kanilang mga anak na mabuhay ng may dignidad at pagmamahal sa bayan at magagawa lamang
nila ito kung sila rin mismo ay mabubuhay ng may dignidad, pagmamahal sa bayan, at hindi mga alipin
ng simbahan.

Nakita ni Rizal na kailangan din mapalaya ang mga kababaihan sa isang kulturang sila ay sunud-
sunuran lang dahil nakita niya ang malaking magagawa ng mga kababaihan sa pag papalaya ng bayan. Sa
ganitong konteksto, masasabi na ang pagtingin ni Rizal sa kasarian ay pantay lang sa pagitan ng babae at
lalaki dahil pareho silang may malaking gagampanan sa bayan.

Sining
Ginamit ni Rizal ang sining upang maging sandata niya sa pagbubunyag ng mga kasamaang
ginagawa ng Espanya, partikular na ng mga prayle. Ang nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismoay
pangunahin sa kanyang mga gawang sining na siyang bumabatikos sa pananatili ng Espanya sa Pilipinas.
Naniniwala si Rizal na malaki ang magagawa ng sining upang mag-impluwensiya at mag-mulat sa kapwa
niya Pilipino.

Ang sining din ay naging daan kay Rizal upang ilabas ang kanyang talento sa pagguhit at paglilok.
Ang mga likhang-sining na ito ay naging libangan ni Rizal upang ipakita sa pamamagitan ng sining ang
kanyang mga nakikita sa ibat-ibang lugar na pinupuntahan niya, halimbawa nito ay ang:Singapore
Lighthouse, Castle of St. Elmo, Brooklyn Bridge, Mt. Makiling, at marami pang iba. Sa mga likhang-sining
din ni Rizal naipakita ang mga taong mahahalaga sa kanya, gaya ng mga isketches niya sa kanyang mga
kapatid, mga matatalik na kaibigan, at mga taong nakilala niya sa kanyang paglalakbay.

Ang sining ay may malaking parte sa buhay ni Rizal. Sa pamamagitan nito nailalabas ni Rizal ang
kanyang mga saloobin. Bata pa lamang siya ay nakitaan na siya ng talento sa pagsulat ng tula sa
pamamagitan ng tulang Sa Aking mga Kabata, kung saan naipakita niya dito na sa kanyang murang
edad ang pagmamahal niya sa sariling wika at sa bayan. Sakanya ring mga gawang sining ay inihahayag
ni Rizal ang kanyang nararamdaman, gaya ng tulang Sa mga Bulaklak ng Heidelberg kung saan inihayag
niya ang kanyang pangungulila sa bansang Pilipinas. Inihayag niya rin sa tula ang kanyang katapatan sa
bansang Pilipinas:

Hatdan, hatdan ninyo, O pinakatanging bulaklak ng Rin,

Hatdan ng pag-ibig ang lahat ng aking nga ginigiliw,

Sa bayan kong sinta ay kapayapaan ang tapat kong hiling,

Sa kababaihan ay binhi ng tapang ang inyong itanim;

Pagsadyain ninyo, O mga bulaklak, at inyong batiin

Ang mga mahal kong sa tahanang banal ay kasama namin

Sining ang naging sandata ni Rizal. At dahil dito namulat ang mga Pilipino sa katotohanang dapat
nilang makita na nag paalab ng kanilang mga puso upang mag lunsad ng isang rebolusyong magpapalaya
sa bayan laban sa pananakop ng Espanya.

You might also like