Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Buwan ng Wika 2017

Pangkalahatang Palatuntunan
Ika-30 ng Agosto 2017 ganap na ika-1 ng hapon

Introduksyon

Dan: Magandang Hapon po sa inyong lahat!


Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit sa hayop at malansang isda;
kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.

Maica: Ito ang tanyag na kataga na nagmula sa ating tanyag na pambansang bayani na si Dr. Jose
Protacio Rizal na nagbibigay importansya sa kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao.

Dan: Ang wika ng isang bansa ay masasabi nating kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay
dito.

Maica: Tama, at ito ay nagsisilbi ring tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan
sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong
yumayabong.

Dan: Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang
tao kung sino tayo.

Maica: Ang importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal
nang pinagbibigyang-pansin ng mga namumuno sa ating bansa.

Dan: Nakakatuwat sa Pilipinas ay mayroon tayong higit sa isandaang klase na lengguahe na


ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang Pambansang Wikang FILIPINO pa
rin ang siyang ginagamit at mas naiintindihan sa buong kapuluan.

Maica: Kaya ang Buwan ng Wika ang isa sa mga pagkakataon natin upang itoy payabungin at
ipagmalaki.

Dan: Pagkakataon din natin ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating Pambansang
Wika ay hindi lamang para sa pakikipag-komunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating
pagkakakilanlan bilang isang indibidwal at bilang isang bansa.

Maica: Bilang pagtangkilik ng ating paaralan sa Buwan ng Wika, ay uumpisahan na natin

D & B: ang Pagpupugay sa Wikang Filipino ngayong Buwan ng Wika!


I. Panalangin

Dan: At bilang pasimula, magsitayo po ang lahat para sa Panalangin na inihanda ni G. Jhon Agustin
Olaguir, mag-aaral sa ika-11 baitang ABM Day class at susundan ito ng Pambansang Awit ng
Pilipinas sa kumpas ni Bb. Jhaylane Armenion, mag-aaral sa ika-12 baiting - ABM.

[Panalangin]
II. Pambansang Awit ng Pilipinas

Maica: Manatili pong nakatayo para sa Pambansang Awit ng Pilipinas.

[Pambansang Awit ng Pilipinas]

III. Pambungad na Pananalita

Dan: Bago ang lahat, tinatawagan po ang ating Center Manager, na si Bb. Janice Aguilar upang
magbigay ng Pambungad na Pananalita. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan!

[Pananalita]
IV. Balagtasan

Dan: Maraming Salamat po, Bb. Aguilar.


Bb. Bona, alam mo ba na bantog noon ang balagtasan sa mga Pilipino?

Maica: Oo, G. Ausa. May trivia nga ako tungkol dyan. Ayon sa Wikipedia.org Ang balagtasan ay uri
ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango mula sa pangalan ni
Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan
ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga
tugma sa huli.

Dan: Tama. Kaya ngayon tunghayan natin ang inihandang Balagtasan ng mga mag-aaral mula sa...!

[Balagtasan]
V. Tula/Deklamasyon

Maica: Maraming Salamat sa inyo.. Aba at kahanga-hanga naman ang natunghayan nating Balagtasan.

Dan: Ngayon, saksihan naman natin ang mga nakahandang tula/deklamasyon! Pero bago muna
paakyatin sa entablado ang ating mga kalahok may trivia din akong ibibigay sa inyo. Alam nyo
ba na ang tula o panulaan ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit
ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay.
Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat
karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita. Binubuo ang tula ng
saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at
lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat.
Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

Maica: At talagang ginawa mo ang masinsinang pananaliksik tungkol sa tula sir Dan. Kaya ngayon, di
na natin papatagalin pa tinatawagan ko ang una nating manunula, mula sa

[Tula]

VI. Pista sa Nayon Katutubong Sayaw

Maica: Maraming Salamat sa ating mga manunula. Alam niyo ba na noon pa man ay mahilig na talagang
sumayaw ang mga Pilipino?

Dan: Oo. Kaya naman kung ating mapapansin, bawat lugar na nagdadaos ng kanilang pyesta ay may
pag-aalay ng ibat-ibang sayaw.

Maica: Kaya ngayon, dumako naman tayo sa katutubong sayaw na inihanda sa atin ng mga mananayaw
mula sa!
[Katutubong Sayaw]
VII. Spoken word Poetry
Dan: Maraming Salamat sa mga Katutubong Sayaw na inyong ipinakita. Ang dami talagang talentado
sa Informatics Consolacion.
Maica: Sir Dan, alam mo ba kung ano ang Spoken Word!

Dan: Oo naman, Bb. Maica! Ang Spoken Word ay isang art na pagganap na nakabatay sa salita. Kung
saan nakatutok ito sa mga aesthetics ng pag-play ng salita at tono ng tunog at pagbabago ng
boses. Ito ay isang 'catchall' na kinabibilangan ng anumang uri ng tula na binigkas ng malakas,
kabilang ang hip hop, jazz tula, mga tula slam, tradisyonal na tula pagbabasa at maaaring isama
ang mga gawain ng komedya at 'prose monologues'. Kaya, wag nanating pag-hihintayin pa,
mula sa

[Spoken Word Poetry]

VIII. Sabayang Pagbigkas

Maica: Maraming Salamat sa inyo, nakaka-antig at nakakalungkot naman ang inyong mga nabanggit,
nalungkot tuloy ako. Hindi lang sa sayaw at tulaan magaling ang ating mga mag-aaral, magaling
din sila sa sauluhan at sabayang pagbigkas.

Dan: Pasalubungan natin ng masigabong palakpakan ang Sabayang Pagbigkas mula sa!

[Sabayang Pagbigkas]

IX. Intermisyon
Dan: Maraming Salamat. Ngayon naman ay ating matutunghayan ang Intermisyon na may pamagat
na Mahal mula sa ika-12 baitang CCS Day class, Fel Candido.

[Intermisyon]

Maica: Maraming Salamat Fel Candido. Oki pa ba kayo? Alam niyo ba ang Fliptop? Kung gayon, di
na natin patatagalin pa tunghayan na natin ang Sapakan ng Letra na pinangunguluhan ni
Ace Aying mula sa ika-12 baitang CCS Day class. Tinatawagan na rin namin ang mga kalahok
na umakyat sa entablado.

[Intermisyon]

Maica: Maraming Salamat sa Intermisyon. Ngayon, handa na ba kayong malaman kung sino-sino ang
mga nagwagi sa kategorya ng, Sabayang Pagbigkas, Katutubong Sayaw, Tula/Deklamasyon,
Balagtasan, at Spoken words.

Dan: Alam kong atat na atat na kayong malaman, kaya di ko na papatagalin pa. Sa kategorya ng

[Pamamahagi ng mga Awards]

Dan: Maraming Salamat sa lahat ng mga nanalo at sa lahat na nagbigay ng kanilang 100 porsyinto.
Panalo pa rin kayo para sa akin.

Maica: Bago matapos ang araw na ito, tinatawagan namin si G. Lorenzo Agbay para sa kanyang
Pangwakas na Salita.

[Pangwakas na Salita]

Dan: Maraming Salamat Sir Agbay. Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang ibat-ibang
impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino.

Maica: Samakatuwid, ang wika rin ay maaari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura.
Mahalin natin ang ating wika tulad ng tinuran ni Rizal.

Dan: Sabi nga sa ating tema,

D & M: Filipino: Wikang Mapagbago

Dan: Ako po si Dan,

Maica: At ako po si Maica.

D & M: Maraming Salamat po at Paalam!

You might also like