MCDORTHUR

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Janiah Y.

Allani
HUB32

Douglas MacArthur: Talambuhay, Kontribusyon sa bansang Pilipinas


Si Douglas MacArthur ay kilala bilang isang magiting na sundalo at heneral noong ikalawang
digmaang pandaigdig noong 1939-1945. Siya ang punong heneral noon ng Hukbong Pilipinas ng
bombahin ng mga Hapon ang Peark Harbor sa Hawaii noong Disyembre 7, 1941. Dahil malakas
ang pwersa ng mga sundalong hapon, siya at ang kanyang pamilya ay lumisan patungong
Australia. Ang kanyang tanyag na salita I shall return o Ako ay magbabalik ang naging pag-
asa ng bansang Pilipinas upang makalaya sa pananakop ng
hapon.

Siya ay nagmula sa angkan ng mga sundalo, ipinanganak


noong Hulyo 26, 1880 sa Arsenal Barracks in Little Rock,
Arkansas. Ang kanyang ama ay si Arthur MacArthur, isang
kapitan ng Sandatahang Amerikano. Ang kanyang ina ay si
Mary Pinkney Hardy MacArthur anak ng isa sa mga
kilalang pamilya ng Norfolk, Virginia, U.S.A. Pinakabata sa
tatlong magkakapatid si Douglas MacArthur. Dahil kulang
pa sa modernong kagamitan, namatay sa sakit na tigdas ang
pangalawa niyang kapatid na si Malcom.
Mula sa aklat ng kanyang talambuhay na Reminicences
sinabi niya: Natuto akong sumakay at bumaril bago pa man ako natutong magbasa o magsulat o
halos bago pa akong makapaglakad o magsalita.
Noong 1889 pumasok siya sa Force Public School noong Hulyo 1889 ng lumipat ang kanyang
pamilya sa Washinton, D.C.
Ngunit noong Setyembre 1893 nailipat ng trabaho sa San Antonio, Texas ang ama niya. Ito rin
ang naging dahilan upang lumipat siya ng pag-aaral sa West Texas Military Academy. Sa
paaralang ito siya ay tumanggap ng gintong medalya para sa libreng pag-aaral at pagiging
mabuting mamamayan. Naging manlalaro rin siya ng tennis at football. Siya ang balidektoryan
ng kanilang klase dahil sa mataas na marka na 97.33.
Noong 1889, siya ay pumasok sa West Point noong Hunyo 13, 1889 siya. Kasabay ng pagpasok
niya ay ang paglipat ng kanyang ina sa Craneys Hotel upang tingnan ang palibot ng paaralan.
Talamak ang ginagawang pagmamalabis noon sa mga baguhang estudyante sa West Point.
Ngunit dahil sa anak siya ng isang heneral at may inang nakatira sa Craney hotel, siya at ang
kaklase niya na si Ulysses S. Grant III ay hindi nakaranas ng pagmamalabis.
Noong 1901, naging saksi siya isang paglilitis sa loob ng Kongreso laban sa mga kadete na
nagmamalabis sa mga baguhang estudyante. Kinalaunan, ideneklara ng Konggreso ang batas
nagbabawal ng pananakit sa mga bagong estudyante sa West Point Academy.
Sa kanyang pangawalang taon, siya ay corporal ng Company B, unang sarhento ng Company A
sa pangatlong taon at Unang Kapitan sa kanyang huling taon. Sa siyamnapu at tatlong
estudyante, siya ay nanguna sa kanyang klase na may marka na 98.14% sa kanilang pagtatapos.
Siya ay pinadala sa United Army Corps of Engineers bilang pangalawang tenyente.
Noong 1922 ay pinakasalan niya si Louise Cromwell Brooks noong February 14, 1922 sa Palm
Beach, Florida. Si Louise ay isang socialite at milyonaryang-tagapagmana. Walang naitalang
anak sila at may dalawang anak sa unang asawa si Louise.
Siya ay umanib sa 3rd Engineer Battalion kung saan ay umalis ang pangkat patungong Pilipinas
noong Oktubre 1903. Ipinadala siya sa Iloilo at pinamahalaan niya ang pagpapatayo ng pantalan
sa Camp Jossnan. Nagpatuloy sa pagsisiyasat sa mga lungsod ng Tacloban, Calbayog at Cebu.
Habang siya ay nagtatrabaho sa Guimaras, siya ay nilusob ng dalawang gerilyang Pilipino at
napatay niya ang mga ito.
Noong Abril 1904 siya ay na-promote sa Manila bilang unang tenyente. Buwan ng Oktubre ng
siya ay magkasakit ng malaria at hadhad habang nagsisiyasat sa Bataan. Dahil dito naputol ang
kanyang trabaho at nagpasyang bumalik na lamang sa San Francisco, California.
Noong 1924, siya ang naging instrumento upang ayusin ang pamamahala sa Philippine Scout
Mutiny. Noong 1937, Nagretiro siya mula sa U.S. Army noong 1937 para maging Military
Advisor sa Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. Maraming kaguluhan ang mga naganap,
nagmula sa pagkakasira ng pwersang panghimpapawid at noong Diyembre 8, 1941 ay ang
matagumpay na pananalakay ng sundalong hapon sa Pilipinas. Kaya naman noong 1942,
tumakas siya at ang kanyang pamilya at mga sundalo mula Bataan noong Marso 1942 papuntang
Australia. Nangako siyang babalik sa Pilipinas kaya sumikat ang kanyang binitiwang pananalita,
I shall return.. Noong 1944 ay tinupad niya ang kanyang pangako ng siya ay bumalik sa
Pilipinas. Kasama ang kanyang batalyong sundalo, sila ay dumating sa isla ng Leyte noong
Oktubre 20, 1944. At noong Setyembre 2, 1945 opisyal na tinanggap niya ang pagsuko ng
bansang Hapon sa kamay ng Amerikano. Noong 1964, namatay siya noong Abril 5, 1964 sa
Walter Reed Army Medical Center sa sakit na biliary cirrhosis. Ang kanyang mga labi ay
nilibing sa Douglas MacArthur Memorial sa Norfolk, Virginia, U.S.A

Ang pag-asa ng mga Pilipino sa mga Amerikano ay lalo pang ipinakita sa kanilang ginawang
pagdakila kay Heneral Douglas MacArthur, ang anak ni Heneral Arthur MacArthur. Itinuring
siyang bayani ng mga Pilipino noong panahong iyon. Siya ay may malaking papel sa ikalawang
digmaang pandaigdig sa Pilipinas. Siya ang naatasan mamuno ng pwersang sasagupa sa mga
Hapon noong Nobyembre 1945. Siya ay pinadala sa Pilipinas ni Dating Pangulo Franklin
Roosevelt para sa depensa laban sa mga Hapon noong 1935 Siya ay muling nagbalik sa Pilipinas
noong October 20, 1944 sa Red Beach, Palo, Leyte. Dramatiko niyang nilusong ang katubigan
sa ganap na 1:30 ng hapon kasama si Hen. Carlos P. Romulo. Sa isang naghihintay na radyo
kanyang ibinalita sa Pilipinas ang napipinto nilang pagkalaya mula sa mga Hapones, People of
the Philippines, I have returned! By the grace of Almighty God, our forces stand again on
Philippine soil. Sinundan ito ng tinatawag na Battles for Leyte Gulf na pinaglabanan ng mga
Amerikano at ng mga mananakop na Hapones na ayon sa Guinness Book of Records ay
itinuturing na pinakamalaking labanan sa dagat sa kasaysayan ng daigdig.
Sa panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig si Roxas ay naglingkod sa
pamahalaang ng Pro-Japanese Government
ni Jos Laurel sa pamamagitan ng pagkuha
ng mga suplay ng bigas para sa hukbong
Hapon. Bagaman itinatag ang isang
hukuman pagkatapos ng digmaan upang
subukan ang mga tumutulong, si Roxas ay
ipinagtanggol ng kanyang kaibigan na si
Figure 1: Ang mabilisang paguusap nila Douglas MacArthur at Heneral Douglas MacArthur. Si Roxas ay
dating presidenteng si Manuel Roxas habang nagaganap ang
Independece Ceremony noong July 4,1946 inihalal na pangulo ng Komonwelt noong
1946 bilang nominado ng liberal na pakpak
ng Nacionalista Party (na naging Liberal Party).

You might also like