Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KULTURA

Ni: Kenneth J. Llauderes

KULTURA isang simple ngunit makabuluhang salita na binubuo ng pitong


letra. Salitang nag-uugnay sa Pagkakaisa at Pagkakasundo ng isang bansa.
Ayon sa tanyag na manunulat na si Julie Bishop, "Ang pagkakaiba sa Kultura ay
tiyak na umuukit ng ating Pambansang pagkatao". Itoy nagpapatunay
lamang na tayong mga Pilipino ay hindi maging totoong Pilipino kung hindi
dahil sa Kultura.

Tayong mga Pilipino ay mga masiyahing tao. Napakapositibo ng ating


enerhiya. Mas gugustuhin nating tumira malapit sa ating mga kapamilya. Hindi
tayo masyadong bukas sa pagbabago lalo na sa larawan ng pamilya.
Relihiyoso rin tayong mga Pilipino. Ito ay impluwensya narin ng mga dayuhang
Kastila na sumakop sa ating bansa. Halos 85 porsiyento ng mga Pilipino ay
katoliko. Dahil diyan ang gobyerno ng Pilipinas ay naiimpluwensyihan ng
rehilyon.

Sa kulturang Pilipino, hindi magandang magmukhang mayabang. Sa


mata ng tao ay isa kang mayabang kung ipinagsasabi mo ang iyong mga
nagawang kabutihan at pagtatagumpaysa iyong mga ginagawa. Sa kabilang
dako, ang mga Amerikano naman ay gustung-gustong ipinapakita ang mga
nakamit nilang tagumpay.

Ang Kultura ay parte na ng ating buhay. Dito tayo nagmula at dito rin
tayo pupunta. Hindi man tayo handa ngunit darating ang araw na ang Kultura
na mismo ang magsasabi sa iyo kung ano ang tunay mong pagkatao. Ako ay
labag sa Pag-iisa ng Kultura bilang kapalit aking itinataguyod na ating
respituhin ang ibang kultura maliban sa atin.

Hinihikayat kong ating mahalin ang ating Kultura sapagkat ang


pagmamahal sa Kultura ay katulad ng pagmamahal sa sarili at bansa.

Para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, dapat ay matutunan ng


mga tao ang ibat ibang kasaysayan ng ibat ibang bansa dahil dito nababase
ang kultura nila. Kapag mas marami ang alam natin sa kasaysayan ng mga
bansa, mas mauunawaan natin kung bakit ganoon silang tao. Para sa akin,
maganda man o hindi kanaisnais ang isang aspeto ng isangkultura, dapat ay
huwag itong baguhin hanggat hindi ito nakakasakit ng ibang tao dahil ito ay
parte ng kanilang kasaysayan. Kahit na nga ba parang madamot o makasarili
ang isang tao dahil hindi siya palabigay, hindi ibig sabihin na masama siyang
tao. Baka ayaw lang nilang magbigay dahil hindi nila ito nakalakihan. Huwag
tayong maging mapaghusga ; dapat alamin muna natin ang konteksto ng
kanilang buhay at kultura. Kung kaya nga, mahalagang malaman ang kultura
upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan sapagkat maraming namamatay
sa di- pagkakaisa at kamangmangan.

You might also like