Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Si Ricardo A. Lee (Ricky Lee) ay isang manunulat mula sa Pilipinas.

Higit siyang popular bilang

isa sa itinuturing na pinakamahusay na scriptwriter ng bansa sa larangan ng pelikula at

telebisyon, bagamat kilala rin siya sa kanyang masining na kontribusyon sa larangan ng

maikling kuwento, nobela, dula at pamamahayag.

Mahigit sa 150 naisapelikulang iskrip mula pa noong 1973 at nakapagtamo na siya nang

mahigit 50 tropeo mula sa iba't ibang samahang pampelikula. (Gawad Urian Lifetime

Achievement Award, Cannes, Toronto, Berlin Film Festival)

Bilang nobelista, mandudula at mamamahayag, sya din ay nakapagkamit din ng maraming

pagkilala sa pagsusulat ng fiksiyon mula sa Pilipino Free Press, Don Carlos Palanca Memorial

Awards for Literature at Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas. Noong 2000, hinirang din siya

bilang isa sa 100 Artista na pinarangalan ng Cultural Center of the Philippines ng Centennial

Honors for the Arts award.

Bago maging isang sikat na manunulat si Lee, Siya ay nakatira kasama ang kanyang kamag-

anak sa Daet, Camarines Norte. Ang kanyang ina ay namatay noong siya ay limang taong

gulang pa lamang at ang kanyang ama naman ay madalang nyang makita. Siya ay nag-aral ng

primarya at sekondarya sa nasabing lugar. Sinasabi na itong si Ricky ay palaging pumupunta

sa mga Film Houses" o di kaya ay ikinukulong ang sarili sa silid aklatan upang magbasa. Si

Ricky ay isang matalinong estudyante, isa siya sa mga Honor Students" noong kanyang

kapanahunan. Dahil sa kagustuhan nyang ipagpatuloy ang pagkamit sa kanyang pangarap,

tumakas sya sa kanilang bahay at pumunta sa Maynila. Naglakbay siya sa mga lansangan,

kumukuha ng tungkulin bilang isang taga-silbi sa bahay at Waiter sa araw at hinihiling sa

kanyang mga pinagsisilbihan na magpalipas muna sya ng gabi doon, hanggang sa siya ay

nahimatay isang araw sa Avenida dahil sa gutom.


Si Ricky Lee ay natanggap sa University of the Philippines - Diliman at kumuha ng kurso na AB

English Major ngunit hindi ito tinapos. Gayunpaman, siya ay nagturo ng screenwriting sa

College of Mass Communication sa UPD. Siya ay naging aktibista noong panahon ng Martial

Law kasama ang PAKSA o ang Panulat para sa Kaunlaran ng Sambayan. Dahil sa pagiging

aktibista, siya ay nakulong noong 1974.

Ngayon, Si Ricky Lee ay isang tanyag na manunulat, scriptwriter at journalist. Kasalukuyan

syang nagtatrabaho bilang Creative Manager sa ABS-CBN Brodcasting Corporation. Itinatag

niya ang Philippine Writers Studio Foundation, na naglalayong magbigay ng suporta sa mga

bagong mga manunulat. Sa Oktubre 18 2017, ipapalabas ang sinulat nyang pelikula sa

direksyon ni Joel Lamangan, ang Bes and the Beshies.

You might also like