Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao I

(Isinanib sa Musika)

I. Layunin:

Sa loob ng 30-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. naipapaliwanag ang halimbawa ng isang malinis na kapaligiran,

2. naisasagawa nang palagian ang pagtulong sa pananatili ng kalinisan at kaayusan sa


paligid para sa mabuting kalusugan, at

3. napahahalagahan ang kahalagahan ng kalinisan ng kapaligiran.

Pakikiisa

II. Paksang Aralin

Paksa: Pagkalinga sa Kapaligiran

Sanggunian:

Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16

Edukasyon sa Pagpapakatao Teaching Guide

ESP- Pupils Activity Sheets

Kagamitan: larawan, tsart ng tula

III. Pamamaraan ng Pagtuturo

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
a. Pagbati
Magandang umaga mga bata. Magandang umaga din po.
b. Panalangin
Panandalian muna tayong tumahimik at
tayo ay manalangin.
O Diyos na malaking awa,
Gawin mo akong mabuting bata
Ilayo mo ako sa sakit at masama
Salamat sa iyong pag-aalaga
At sa lahat ng iyong biyaya
Tulungan mo si ama at ina
Lahat ng kapatid kot mga kasama.
Amen.
c. Pagtatala ng lumiban sa klase
Mayroon bang lumiban sa ating klase
para sa araw na ito? Wala pong lumiban sa klase.
Magaling, natutuwa ako sapagkat
walang lumiban sa ating klase.
Bigyan nga natin ng isang palakpak ang
ating mga sarili. (Ang mga bata ay papalakpak ng isang
beses.)
Salamat.
d. Pag-awit
Gusto niyo bang umaawit? Opo.
Alam niyo ba ang kantang Ako, Ikaw,
Tayo Isang Komunidad? Opo.
Magaling, sabay-sabay nga nating
kantahin. Ako, Ikaw, Tayo Isang Komunidad
Simulan na. Ako, ako, akoy isang komunidad (3x)
Akoy isang komunidad.
La la la
Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat
Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat
(Ulitin ang awit. Palitan ang ako ng
ikaw. at tayo)
Salamat.
Maari na tayong maupo.
2. Pagsasanay
Mayroon akong hinandang mga
plaskard. Kapag itinaas ko ito, aalamin niyo
kung ito ba ay ginagamit na panglinis sa loob o
labas ng bahay. Kapag ito at ginagamit na
panglinis sa loob ng bahay ang sasabihin niyo
Pak at kung ito naman ay ginagamit sa
paglilinis sa labas ng bahay ang sasabihin niyo
naman ay Ganern. Maliwanag ba?
Simulan na. Opo.

Mahusay.
Nakilala niyo ang mga gamit sa
paglilinis.
3. Pagganyak
Ngayon naman, alam niyo ba ang
kantang bahay kubo? Opo.
Mahusay, kung gayon sabay-sabay
nating kantahin ang bahay kubo.
Simulan na. Bahay Kubo

Bahay kubo, kahit munti


Ang halaman doon ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola, upot kalabasa
At saka mayroon pang labanos, mustasa,
sibuyas, kamatis, bawang at luya
sa paligid-ligid ay puro linga.
Mahusay.
Anu-ano ang mga gulay na nabanggit sa
awit na bahay kubo? Earl? Ang mga gulay po na nabanggit sa bahay
kubo ay talong, sitaw, patola, kalabasa at
labanos.
Mahusay.
Alin-aling gulay ang paborito mong
kainin? Ally. Ang paborito ko pong gulay ay kalabasa
at kamatis sapagkat nakakatulong ito sa ating
katawan.
Magaling.
Inawit natin ang bahay kubo sapagkat
mamaya tatalakayin natin ang isang tula
tungkol dito.
B. Panlinang na Gawain
1. Panimula
Ang paksang pag-aaralan natin sa araw
na ito ay pinamagatang Pagkalinga sa
Kapaligiran.
Ano ang ating paksang pag-aaralan sa
araw na ito? Ang paksang pag-aaralan po natin sa
araw na ito ay Pagkalinga sa Kapaligiran.
Salamat.
Kanina, ating inawit ang awiting bahay
kubo. Ngayon naman babasahin natin na tulang
pinamagatan ding bahay kubo. Gusto niyo
bang malaman ang nilalaman ng tula? Opo.
Mabuti kung ganoon.
2. Pagbasa sa mga Pamatnubay na
Tanong.
Ngunit bago natin basahin ang tula, may
inihanda akong mga pamatnubay na tanong na
ating sasagutin pagkatapos nating basahin ang
tula.
Sabay-sabay nga nating basahin ang mga
pamatnubay na tanong.
Simulan na. Mga Pamatnubay na Tanong:
1. Tungkol saan ang tula?

2. Ano ang makikita sa harap at


likod ng bahay kubo?

3. Paano inilarawan ang bahay


kubo?

4. Bakit itinuturing na kayamanan


ng taong masinop ang bahay
kubo?

Mahusay.
3. Pag-alala sa mga Pamantayan sa
Pagbasa ng Malakas
Bago natin basahin ang tula, atin
munang alalahanin ang mga pamantayan sa
pagbasa ng malakas.
Ang una nating dapat tandaan ay maupo
ng maayos, ulitin nga natin ang unang
pamantayan. Maupo ng maayos.
Magaling.
Pangalawa naman ay huwag gumawa ng
ibang ingay. Ulitin nga muli. Huwag gumawa ng ibang ingay.
Mahusay.
4. Pagbasa ng Malakas
Magsiayos na ang lahat at atin ng
sisimulan ang pagbasa ng tula.
Bahay Kubo

Ang bahay na kubo


Na ligid ng bakod
May tanim sa harap
May tanim sa likod
Palaging malinis
Palaging maayos.

May mga bulaklak


May gulay at talbos
Sa katawang hapo
Ay pawing pampalusog
Tanging kayamanan
Ng taong masinop.
Nagustuhan niyo ba ang tula na inyong
binasa? Opo.
Mabuti kung gayon.
5. Pagsuri sa Pag-unawa
Matapos nating basahin ang tula, atin
nang sagutin ang mga pamatnubay na tanong
na ibinigay ko kanina.
Basahin mo nga ang unang katanungan.
Wendell. Tungkol saan ang tula?
Magaling.
Sagutin mo nga ang unang katanungan.
Kith. Ang tula ay tungkol po sa bahay kubo.
Mahusay.
Ang ikalawang tanong naman, basahin
mo nga muli ang ikalawang katanungan.
Jerome. Ano ang makikita sa harap at likod ng
bahay kubo?
Mahusay.
Sagutin mo nga ang ikalawang tanong.
Christine. Ang harap at likod po ng bahay kubo ay
mga tanim.
Magaling.
Ang ikatlong pamatnubay naman, sabay-
sabay nga nating ulitin ang katanungan. Paano inilarawan ang bahay kubo.
Salamat.
Sagutin mo nga ang katanungan.
Lindsey. Ang bahay kubo po ay malinis.
Magaling.
Ano pa ang inilalarawan sa bahay kubo
bukod sa ito ay malinis? Magdagdag ka pa nga
ng inilarawan sa bahay kubo. Von. Ang bahay kubo po ay palaging maayos.
Mahusay.
Basahin mo nga ulit ang huling
katanungan. Felmark. Bakit itinuturing na kayamanan ng taong
masinop ang bahay kubo?
Magaling.
Sagutin mo nga ang huling katanungan.
Jp. Kayamanan po ng taong masinop ang
bahay kubo sapagkat palagi po itong maayos.
Magaling.
6. Pagtatalakay
( Ang guro ay magdidikit ng mga
larawan)

Ano ang napapansin mo sa mga


larawan? Dex.
Ang napapansin ko po sa larawan ay
may batang nagbubuhat ng halaman.
Tama.
Ano pa ang napapansin mo sa mga
larawan? Liza. Nagtatanim po yung nanay ng halaman.

Tama.
Ito ay halimbawa ng pamamaraan sa
pagkalinga ng kapaligiran.
Magbigay ka nga ng iba pang halimbawa
sa pagkalinga ng ating kapaligiran, Dash. Ang pagtulong po kila nanay at tatay sa
pagtatanim ng halaman sa aming bakuran ay
isang halimbawa ng pagkalinga sa kapaligiran.
Mahusay.
Ang pakikiisa o pagtulong sa pagtatanim
ng mga gulay at halaman sa ating bakuran ay
makakatulong upang mapangalagaan natin ang
ating kapaligiran. Ang pagtatanim din ng gulay
sa ating bakuran ay makakatulong upang tayo
ay maging malusog at masigla.
Ang pagtatanim din ba ng mga halaman
ay makakatulong para maka-iwas sa sakit gaya
ng dengue? Opo.
Paano mo nasabi na makakatulong ang
pagtatanim ng mga halaman para sa pag-iwas
ng sakit gaya ng dengue? Tanner. Nakatutulong po ang pagtatanim ng mga
halaman para maka-iwas sa sakit gaya ng
dengue dahil wala pong naiipong tubig sa isang
lugar.
Mahusay.
C. Paglalahat
Ano na ulit ang pinag-aralan natin
ngayon? Gian. Ang pinag-aralan po natin ngayon ay
tungkol sa pagkalinga ng kapaligiran.
Tama.
Paano mo mapapanatiling maganda ang
ating paligid? Zarah. Mapapanatili ko pong maganda ang ating
paligid sa paraan na hindi ko po pipitasin ang
mga bulaklak ng halaman.
Magaling.
Paano natin mapapangalagaan ng ating
kapaligiran? Edessa. Mapapangalagaan ko po ang ating
kapaligiran sa pagtatanim ko ng puno at
pagtulong sa paglilinis ng bakuran.
Mahusay.
Dapat nating pangalagaan ang ating
kapaligiran tulad ng paglilinis at pagtatanim ng
puno na makakatulong sa baha tuwing may
bagyo.
D. Paglalapat

Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Ang bawat grupo ay bibigyan ng larawan.
Kulayan ang larawan batay sa kulay na simisimbolo ng sagot sa bawat tanong.

1-dalandan 5-dilaw

2-pula 6-kayumanggi

3-asul 7-lila

4-itim 8-berde

IV. Pagtataya

Panuto: Iguhit ng / kung ito ay Tama at X naman kung ito ay mali.

_____1. Tamnan ang bakanteng bahagi ng bakuran ng mga halaman.

_____2. Dadami lang ang mga lamok kung may mga halaman sa paligid.

_____3. Maayos at malinis tingnan ang bakurang may mga halaman.

_____4. Mapagkakakitaan din ang mga prutas at gulay na tanim.

_____5. Maituturing na kayamanan ng taong mahirap ang kanyang mga pananim.

V. Takdang Aralin: Isaulo ang tulang Bahay Kubo.Humanda sa isahang pagbigkas sa harap ng
klase.

Inihanda ni:

Micaela N. Ongan

BEED 4-1

Inaprobahan ni:

Lanie T. Santiago

Unang Baitang - Hope

You might also like