JUDICIAL AFFIDAVIT Ex-Bgy Chairman

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

JUDICIAL AFFIDAVIT

Ako po si Rico Encinares Detablan, 48 taong gulang, may asawa, kasalukuyang


nakatira sa Bgy Lupi, Prieto Diaz, Sorsogon, ako ay sumusumpa sa ngalan ng Batas ng
Republika ng Pilipinas na magsasalaysay ng katotohanan, walang iba kundi pawang
katotohanan lamang. At aking nauunawaan na kung ako ay magsisinungaling ako ay
maaaring sampahan sa kasong False Testimony o Perjury. Ang salaysay na ito ay kinuha
sa harapan ni Prosecutor _____________________________ dito sa Provincial
Prosecutors Office, Bulwagan ng Katarungan, Sorsogon City.

1. Tanong- Ano ang iyong dahilan at narito ka sa aming tanggapan?


Sagot- Narito po ako sa inyong tanggapan upang magbigay ng kusang loob na
salaysay may koneksyon sa pagkakadakip ni Elvis Domdom Jr.

2. T Maari mo bang isalaysay ang mga pangyayari?


S Mag aalas sais ng gabi, ika-6 ng buwan ng Septyembre, 2017 habang ako po
ay nakaupo sa harap ng bahay namin, na nasa kabilang kalye ay katapat ng bahay
nina Maria Cristina Labastida (Tatet), nakita ko po si Elvis Domdom Jr na
patakbong tumatawid sa kalsada at nakita ko din na dalawang ulit na umunday ng
saksak kay Maria Cristina Labastida.

3. T- Ano ang sumunod na nangyari?


S- Napasigaw po si Melani Domdom ng TATET, AYAN SI JAY-AR SASAKSAKIN
KA.

4. T- Ano pa ang sumunod na nangyari, kung mayron man?


S- Nakailag po si Tatet at nakita ko umatras si Jay Ar at pa-spin na binato ni Jay
Ar si Tatet ng kutsilyo.

5. T- Ano pa ang sumunod na nangyari?


S- At pinagmumura pa ni Jay Ar si Tatet habang si Jay Ar ay mabilis na naglalakad
papalayo.

6. T- Ano pa ang sumunod na nangyari?


S-Humingi sa akin ng tulong si Tatet kaya mabilis na pumunta agad ako sa
himpilan ng pulisya para humingi ng police assistance..

7. T- Ano pa ang sumunod na nangyari?


S- Sinamahan ko po ang mga nagresponding pulis at pag dating namin sa Bgy
Lupi ay nakita namin si Jay Ar na walang damit pantaas, at nakasuot ng boxer
short na kulay brown ang nakita namin na nagwawala.

8. T-Ano pa ang sumunod na nangyari?


S- Positibong itinuro ko po sa mga pulis si Jay Ar (Elvis Domdom Jr)

9. T- Ano pa ang sumunod na nangyari?


S- Agad na hinuli po ng mga pulis si Elvis Domdom Jr.

Rico Encinares Detablan


Nagsalaysay

1
SUBSCRIBED AND SWORN to before me this _____day of September 2017 in
the Province of Sorsogon, Sorsogon City, Philippines .

________________________________
(Person Authorized to Administer Oath)

I, Prosecutor _________________________________ attests that I personally


conducted/supervised the examination of the witness that I have faithfully recorded or
caused to be recorded the questions asked of the witness and the corresponding answers
that the witness gave; that I did not or any other person present during the taking of the
statement coached the witness regarding the answer given by him/her, that the witness
understood the questions and voluntary gave the answers herein.

________________________________
(Person Authorized to Administer Oath)

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this _____day of September 2017 in


the Province of Sorsogon, Sorsogon City, Philippines.

_______________________________
(Person Authorized to Administer Oath)

You might also like