Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mediran, Marc Gabriel S.

BS Industrial Engineering
HIST 1 U
Reflection Paper
Macario Sakay: Kilabot ng Sierra Madre

Sakay! Sakay! Sakay! Ano ang gagawin mo?, ika ng mga mang-aawit kay Sakay. Kung ikaw si Sakay,
ano nga ba ang gagawin mo?

Ang teatrong ito ay isang magandang halimbawa ng pagsasadula ng isang bayani. Itoy tunay na
nagpapahayag ng damdaming makabayan na naghahangad ng kalayaan at katarungan ng bawat
mamamayan. Sinasalamin nito ang mga kaganapan sa kasalukyang panahon na nag-iwan ng ibat ibang
palaisipan.

Karamihan sa mga dumalo upang manood nang araw ng Sabado ay mga batang nag-aaral sa
elementarya. Magandang isipin na maaga silang mamulat sa ganitong klaseng ideya ngunit ang katotohanan
ay mahirap itong ipaintindi at maipadama sa kanila. Itoy makikita sa mga gulo at ingay na naidulot sa
buong pagsasadula. Para sa akin, itoy nakabawas sa kaayusan at sa gustong ipabatid ng mga nagsasadula.

Itinampok sa dulaang ito ang adhikaing nasyonalismo ni Sakay na naging sanhi ng kanyang
kamatayan. Ipinakita rito na isang Pilipino ang nagtaksil sa kanyang kapwa. Ditoy makikita natin na ang
kalaban natin ay hindi lamang maibabatid sa dalawang kulay o lahi, kung hindi ay ang ating sarili. Ang
sarili nating hindi mapagbuklod-buklod dahil sa kakulangan sa kaalaman at kamangmangan sa kanyang
bayan.

Makikita rin dito ang walang habas na paghatol sa kanila dahil sa mga maling paratang o kawalan
ng hustisya. Itoy katulad na lamang ng pagdanak ng dugo sa lansangan alinsunod sa pagpuksa ng
Pangulong Duterte sa droga. Kaliwat kanan ang mga patayan. Walang ligtas kahit sinuman, mapalalaki or
babae, mapabata man o matanda. Ikay papatayin nang walang kalaban-laban. Hindi ito katanggap-tanggap
sapagkat karapatan ng bawat isa ang patas at tamang paghatol.

Ito rin ay nagtataguyod ng kamalayan gamit ang kasaysayan. Ang kasaysayang hindi dapat
isinasantabi bagkus dapat itong binibigyang diin na nagsisilbing aral para sa kasalukuyan at hinaharap.
Hindi dapat binabago ang nakalimbag na sa ating kasaysayan alinsunod sa gusto nilang mangyari.
Nakakalungkot isipin na kasabay ng palabas na ito ay ang isang nakakagulat na pangyayari. Ito ay ang
pagtitipon ng ating mga kababayan sa sintang paaralan para sa isang pro-Marcos movement. Karamihan sa
mga dumalo ay mga mahihirap nating kababayang umaasang makaahon sa buhay. Silay napikot ng
grupong inabuso ang kanilang kamangmangan at katayuan sa buhay.

Ang huling kabanata ng dulaan ay ang pinakamagandang bahagi. Ito ay ang bahagi ng kamatayan
ni Sakay at ang pagpapahayag ng kanyang huling habilin para sa bayan. Lalong nagpasikbi ng damdamin
ng mga manonood ang pag-awit ng ating pambansang awitin kung saan ang lahat ay tumayo at sumabay sa
pag-awit nito.

Sa katapusan ng dulaang ito, ikay mapapaisip kung ano ang iyong gagawin bilang isang Pilipino.
Ang dulaang ito ay nagpamalas ng kagalingan na nagpapaapoy sa ating damdaming makabayan. Ito ay
magsisilbing mitsa ng ating kamalayan, ang kamalayang binhi ng pagiging isang bayaning magbubuklod
sa pagkakaisa ng bawat mamamayan.

You might also like