Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ramadan

Ang Ramadan (Arabe: , Raman) ay isang kaganapang pang-relihiyon ng


mga Muslim na nagaganap tuwing ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam, kung
saan naihayag ang Qur'an. Ito ang panahon ng pag-aayuno na iniiwasan ang pagkain
at pag-inom ng tubig mula pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw. Nagtatapos
ang Ramadan sa Eid ul-Fitr o Hari Raya Puasa. Ang pag-aayuno ay ginagawa para
maturuan ang isang tao na magsakripisyo, magpakakumbaba, at maging mapaghintay.
Ito ay ginagawa para sa Diyos o tinatawag nilang Alah, at pagdasal ng mas marami
kumpara sa dati. Ito'y panahon kung saan humihingi ng patawad para sa kanilang mga
kasalanan ang mga muslim,dasal para sa kanilang kaligtasan at para malayo ang
masamang espirito sa araw-araw na buhay at sinusubukang rin nilang malinis ang
kanilang sarili sapamamagitan ng disiplina at kawang gawa.
Mahal na Araw
Ang Mahal na Araw ay ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng mga Kristiyanong
Filipino sa pinaniniwalaan nilang diyos na tagapagligtas na kinakatawan ni Hesukristo. Taon-
taon, ipinagdiriwang ito ng mga Filipino upang palalimin ang kanilang pananampalataya,
habang binubuhay ang mahabang tradisyon ng mga Kristiyano, gaya ng pag-aayuno at
pamamanata. Nakikiisa ang mga Filipino sa ginawang pagpapakasakit ni Hesukristo para sa
kaligtasan ng buong daigdig. Naniniwala sila na muling nabuhay si Hesukristo at magbabalik
bilang patotoo sa mga ipinangaral nito sa kaniyang mga alagad at mananampalataya.

Ang Mahal na Araw ay nagsisimula pagsapit ng Miyerkoles ng Abo, ang araw na kinukrusan ng
abo sa noo ang mga deboto bilang tanda ng kanilang pagsisisi. Paalaala rin iyon na "sa abo
nagmula ang lahat, at sa abo rin magbabalik pagsapit ng wakas." Miyerkules ng Abo ang
naghuhudyat ng pagbubukas ng panahon ng pagsisisi, pag-aayuno, at pangungumpisal, na
pawang paghahanda sa malagim na pasyon ni Hesukristo sa kamay ng kaniyang mga tagausig.
Tumatagal nang 40 araw ang taunang tradisyon, at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay ni
Kristo na ginaganap pagsapit ng Linggo.

Kilala ang mga Filipino sa paggunita ng Mahal na Araw. Ito ang kanilang paraan upang
magbalik-loob sa Diyos at talikuran ang kanilang mga maling pamumuhay.
Pasko
Ang Pasko (Ingles: Christmas, na may tuwirang salin na "Misa ni Kristo"; Yule,
at Yuletide) ay isang araw ng pangilin sa kalendaryong Kristiyano, na kadalasan ay
ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25 at sa ilang mga denominasyong Kristiyano ay
tuwing Enero 6 na orihinal na araw ng pasko sa Silangang Kristiyanismo. Sa araw na ito
ipinagdiriwang ng karamihang Kristiyano ang araw ng kapanganakan ni Hesus. Ang
ilang mga denominasyong Kristiyano gaya ng mga Saksi ni Jehova atIglesia ni Cristo ay
hindi nagdiriwang ng pasko.
Sa mga Kristiyanong bansa, ang Pasko ay isa sa pinakamalaking araw ng pagdiriwang
kung ang usapang pang-ekonomiya ang paguusapan. Nakilala ang pasko bilang araw
ng pagpapalitan ng regalo o handog sa mga kasambahay, at mga sorpresa mula
kay Santa Claus, pangangaroling, pagdedekorasyon at iba pa.
Undas
Ang Undas (na kilala din sa tawag na Todos los Santos o Araw ng mga Patay), ay isang pista
opisyal na malawakang ipinagdiriwang sa Pilipinas upang magbigay galang at pugay sa mga
yumaong kamag-anak.

Libu-libong mga Pinoy ang dumadayo sa mga libingan at memorial parks tuwing Nobyembre 2
upang magsama-sama at alalahanin ang kanilang namayapang kamag-anak at mag-alay ng
bulaklak at magtirik ng kandila. Ang okasyon na ito ay kadalasang itinuturing na
isang reunion ng mga kamag-anak kung saan sila ay nagdadala ng mga pagkain at inumin
upang pagsalu-saluhan, at kung minsan ay doon namamaligi ng buong araw o di kaya ay doon
sila natutulog ng magdamag.
Hari Raya Puasa
Hari Raya Puasa ang salitang Malay na ginagamit para sa Muslim na kapistahan ng Eid al-Fitr.
Itinuturing itong pinakamahalagang pagdiriwang para sa mga Muslim dahil ito ang tanda ng
pagtatapos ng buwan ng pag-aayuno o Ramadan.

Hindi lamang nagdiriwang ang mga Muslim sa pagtatapos ng pag-aayuno ngunit


nagpapasalamat din sila kay Allah para sa magandang kalusugan at katatagan na ibinigay sa
kanila upang matapos ang panahon ng pag-aayuno.

Karaniwang ginagamit na pagbati sa mga Muslim tuwing Hari Raya Puasa ang Selamat Hari
Raya.
Santa Sena

Isang pagdiriwang ng relihiyong Iglesia ni Kristo bilang


paggunita sa banal na hapunan.

You might also like