Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Florante at Laura 6: Ang Reynong Albanya

12 Ang abang uyamin ng dalitat sakit,


Ang dalawang matay bukal ang kaparis;
Sa luhang nanatak at tinatangis-tangis
Ganitoy damdamin ng may awang dibdib.

13. Mahiganting langit, bangis moy nasaan,


Ngayoy naniniig sa pagkagulay-gulay,
Bagoy ang bandila ng lalong kasama-an,
Sa Reynong Albanyay iwinawagayway.

14. Sa loob at labas ng bayan kong sawi,


Kaliluhay siyang nangyayaring hari,
Kagalingat bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusat pighati.

15. Ang magandang asal ay pinupukol


Sa laot ng dagat ng kutyat linggatong,
Baling magagaling ay ibinabaon
At inililibing na walang kabaong.

16. Nguni, ay ang lilot masasamang loob,


Sa trono ng puri ay iniluluklok,
At sa baling sukab na may asal-hayop,
Mabangong insenso ang isinusuob.

17. Kaliluhat sama ang uloy nagtayo


At ang kabaitay kimit nakayuko
Santong katwiray lugami at hapo,
Ang luha na lamang ang pinatutulo.

18. At ang balang bibig na binubukalan


Ng sabing magaling at katotohanan,
Agad binibiyak at sinisikangan
Ng kalis ng lalong dustang kamatayan.

19. O taksil na pita sa yamat mataas!


O hangad sa puring hanging lumilipas!
Ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat,
At niring nasapit na kahabg-habag.

20. Sa korona dahil ng Haring Linseo.


At sa kayamanan ng dukeng ama ko,
Ang ipinangahas ng Konde Adolfo,
Sabugan ng sama ang Albanyang reyno.

You might also like