Final Demo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

4 As na Banghay Aralin sa Filipino 7

Mag-aaral:Glory Vie O. Oraller Seksyon: BSED 3-8


Guro: Mr. Orlando P. Vinculado Iskedyul: TFri 2:30-4:00

I. Layunin
Pagkatapos ng mga gawain, ang mga mag-aaral sa ikaptiong baitang ay
inaasahang makakukuha ng 85% na kawastuhan sa mga sumusunod:
a. natutukoy ang mga sangkap ng balita na maaring makapagbigay interes sa
mga tagapakinig,
b. naisasagawa ang komprehensibong pagbabalita tungkol sa sariling lugar o
bayan, at (F7PS-IIIj-17)
c. nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa ulat-balita na napanood.

II. Paksang Aralin


Pamagat/Paksa: Ulat-Balita
Sanggunian: Filipino Gabay Pangkurikulum Pg. 98
Kalinangan Workteks sa Filipino (Wika at Panitikan) para sa
hayskul pg. 172
Mga kagamitang pampagtuturo:
Laptop
Projector

III. Pamamaraan
A. Gawain
Bago pormal na magsimula ang talakayan ay magkakaroon ng laro ang
klase na kung saan ay papangkatin sila sa apat na pangkat. Ang tawag sa laro ay
guess the logo na kung saan magpapakita ng larawan ng logo ang guro at huhulaan
nila kung anong logo ito. Ang bawat pangkat ay dapat mayroong isang cellphone na
mayroong application na Share it. Sa pamamagitan ng group share sa application na
ito magkakaroon ng group chat ang klase na kung saan dito ipapasa ang sagot nila,
ang unang matanggap ng guro na sagot ay siyang magkakaroon ng puntos at ang
pinakamaraming puntos ay siyang panalo.
Ang mga sumusunod ay ang mga larawan:
B. Paghahalaw o abstraksyon
Mayroong video na ipapakita ang guro sa mga mag-aaral gamit ang VLC
Media Player na software at habang nanonood ang mga mag-aaral ay magtatala ng
mga salitang di pamilyar at kanila itong bibigyan ng pagpapakahulugan at pagkatapos
iprepresenta nila ito sa klase gamit ang Powerpoint presentation. Bibigyan lamang sila
ng sampung minuto upang makagawa ng Powerpoint presentation at tatlong minuto sa
pagpresenta. Kung sino ang may pinakamaraming salita na nailista at nabigyang
kahulugan ay siyang mananalo.
C. Pagsusuri
1. Sa parehas na pangkat gagawa sila ng isang talata na naglalaman ng
kanilang obserbasyon at reaksyon tungkol sa napanood na balita.
Gagawin nila ito sa Microsoft word at ipapasa sa guro gamit ang
flashdrive. Pagkatapos ng Gawain na ito ang mga sumusunod ay
itatanong ng guro:
Ano ang balita?
Ano ang ulat?
Ano kaya ang mga sangkap ng isang balita upang ito ay
makapagbigay interes sa mga tao?

2. Ang apat na pangkat ay bubunot ng isang balita na kanilang tutukuyin


kung ano ang mga sangkap na nakapaloob dito na nakakuha ng interes
sa mga manonood. Gamit ang flashdrive ng bawat pangkat ibibigay ng
guro ang video ng balita na nakatalaga sa kanila. Ang kanilang mga
natukoy na mga sangkap sa balita ay ieencode sa Microsoft Word at
ipapasa sa guro. Ang mga sumusunod ay ang mga pagbubunotan ng mga
mag-aaral:
Showbiz Balita
Sports Balita
Weather report
Krimen na balita

D. Paglalapat o Aplikasyon
Ang bawat pangkat ay gagawa ng ulat-balita tungkol sa isyu
ng kanilang lugar o bayan. Iprepresenta ito nila sa pamamagitan ng video. Ang
kanilang gagamitin sa pagkuha ng video ay isang application sa cellphone na
tinatawag na Reporter Tv Recorder. Bibigyan lamang sila ng dalawamput minuto
upang maisagawa ang gawaing ito. Maaaring sa labas o loob ng silid aralan sila
kumuha ng video.
Pamantayan sa ulat-balita:
Malikhain 40%
Mensahe 40%
Kaayusan 20%
100%
IV. Pagtataya o Ebalwasyon
Panuto: Kumuha ng isang kalahating piraso ng papel at sumulat ng isang balita
tungkol sa mga napapanahong isyu halimbawa ang droga, aids at iba pa.
Pamantayan:
Kaayusan ng salita 30%
Paggamit ng mga sangkap 30%
Mensahe 40%
Kabuuan 100%

V. Takdang Aralin
Ang bawat pangkat ay kokolekta ng mga balita sa araw na ito at sila ay gagawa
ng isang masining na ulat-balita. Gagawan nila ito ng video at sila ay malayang makapili
ng video editor.
Pamantayan:
Kaayusan 30%
Kagandahan 30%
Mensahe 20%
Natatangi 20%
Kabuuan 100%

Framework: Ang ginamit na framework ng guro ay ang TIP Model na kung saan ang
guro ay gumamit ng teknolohiya sa mga ibat-ibang gawain sa klase.

You might also like