20th Bible Quiz

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

20th Bible Quiz

MIRACLES Questionnaire

1. Ano ang pangalan ng lalaking paralitiko na pinagaling ni Pedro? (Gawa 9:32-33)


Sagot: B

a. Saulo
b. Eneas
c. Ananias

2. Sa Jope, may isang alagad na babae ang binuhay ni Pedro. Ano ang pangalan ng babaeng ito?
(Gawa 9:36-40) Sagot: B

a. Maria
b. Tabita
c. Magdalena

3. Sino ang nagpagaling sa lalaking ipinanganak na lumpo na araw-araw dinadala malapit sa pintuang
maganda upang humingi ng limos? (Gawa 3:1-10) Sagot: B

a. Jesus
b. Pedro
c. Pablo

4. Isa siya sa pitong tagapaglingkod na pinili na pinagpala ng Diyos at pinuspos ng kapangyarihan dahil
gumagawa siya ng madaming himala at kababalaghan. Sino ito? (Gawa 6:5-8)
Sagot: B

a. Pedro
b. Esteban
c. Pablo

5. Paano pinagaling ni Jesus ang Gerasenong inaalihan ng masamang espiritu? (Marcos 5:12-13)
Sagot: B

a. Pinalayas ang masamang espiritu


b. Silay pinahinlutang lumabas sa tao at pumasok sa kawan ng baboy, nahulog sa tubig at nalunod.
c. Sinaway ang masamang espiritu

6. Pagkatapos na makita ng Saulo si Jesus, ilang araw siyang hindi nakakita?(Gawa 9:9)
Sagot: B

a. dalawang araw
b. tatlong araw
c. isang araw
7. Anong puno ang isinumpa ni Jesus dahil hindi namumunga? Mateo 21:19-20
Sagot: B

a. Puno ng Sikomoro
B. Puno ng Igos
C, Puno ng Mangga

8. Sinabi ni Jesus sa mga alagad: Nasaan ang ng inyong pananalig. Ano ang pinatigil ni Jesus?
Lucas 8:22-23 Sagot: A

a. Unos
b. Apoy
c. Alon

9. Nang nangangaral si Jesus sa kanyang tahanan, may isang paralitiko ang dinala sa kanya. Ilan ang tao
na nag dala sa paralitiko? Marcos 2:1-2
Sagot: B

a. Dalawa
b. Apat
c. Tatlo

10. Ano ang ginawa ni Jesus ng dumating ang unos? Marcos 37-38
Sagot: A

a. Natutulog
b. Nanalangin
c. Nangangaral

11. Sa Capernaum, may mataas na pinuno ng pamahalaan na ang anak na lalaki ay may sakit. Anong oras
niya pinakiusapan si Jesus at anong oras din gumaling ang kanyang anak? Juan 4:46-54
Sagot: C

a. Mag-aalas-dose ng umaga
b. Mag-aala-sais ng gabi
c. Mag-aala-una ng hapon

12. Nang pinagaling ni Jesus ang lalaking bingi at utal, isinuot niya ang kanyang daliri sa tainga,
pagkatapos lumura at hinipo ang dila, Tumingala siya sa langit at sinabi sa tao Effata. Ano ang ibig
sabihin nito? Marcos 7:31-34
Sagot: A

a. Dumilat
b. Mabuksan
c. Lumakad
13. Pinagaling ni Jesus ang isang lalaking bulag. Nagtanong si Jesus: May nakikita ka na ba? Ang wika
ng lalaki ay nakakakita na siya ng taong lumalakad ngunit sila ay parang punong-kahoy. Saang lugar ito
nangyari? Marcos 8:22-23
Sagot: C

a. Capernaum
b. Tiro
c. Betsaida

14. Sino ang kaibigan ni Jesus na kanyang binuhay na nakalibing sa yungib na natatakpan ng isang bato?
Juan 11:38-44 Sagot: C

a. Pedro
b. Juan
c. Lazaro

15. Paano pinagaling ni Jesus ang isang lalaking ipinanganak ng bulag? Juan 9:1,6
Sagot: B

a. Hinawakan ang mata


b. Lumura sa lupa at gumawa ng putik at pinahid ito
c. Pinaghilamos sa ilog Jordan

16. Natitipon dito ang maraming may sakit hinihintay nilang gumalaw ang tubig sa malaking deposito ng
tubig. Ano ang tawag dito sa wikang Hebreo? Juan 5:1-2
Sagot: B

a. Siloe
b. Betesda
c. Galilea

17. Ilang tinapay at isa ang pinakain ni Jesus sa limang libong tao? Lucas 9:16
Sagot: B

a. 2 Tinapay, 1 Isda
b. 5 Tinapay, 2 Isda
c. 2 Tinapay, 5 Isda

18. Sa ikatlong pagpapakita ni Jesus sa mga alagad, ilang malalaking isda ang nahuli ng kanyang mga
alagad? Juan 20:11,14 Sagot: B

a. 110
b. 153
c. 150

19. Nagpakita si Jesus sa lawa ng Tiberias at walang nahuli ang 7 alagad magdamag. Saang gawi ng
Bangka ipinahulog ni Jesus ang lambat? Lucas 21:1-6
Sagot: C
a. Gawing Kaliwa ng Bangka
b. Gawing gitna ng Bangka
c. Gawing kanan ng Bangka

20. Ilang taong may sakit ang babaeng hukot na pinagaling ni Jesus? Lucas 13:11
Sagot: B

a. 10 taon
b. 18 taon
c. 12 taon

21. Anong araw pinagaling ni Jesus ang lalaking namamanas? Lucas 14:1
Sagot: A

a. Araw ng pagtuturo
b. Araw ng pamamahinga
c. Araw ng Panalangin

22. Sa paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. Nang
pumasok siya sa isang nayon, ilang ketongin ang sumalubong sa kanya? Lucas 17:11-12
Sagot: B

a. 5
b. 10
c. 15

23. May isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos, ito ay pinagaling ni Jesus.
Saang lugar ito nangyari? Lucas 18:35
Sagot: B

a. Judea
b. Jerico
c. Jerusalem

24. Sinong alagad ni Jesus ang sinabihan niyang pumalaot at ihulog ang lambat upang manghuli ng isda?
Lukas 5:4-5 Sagot: A

a. Simon
b. Mateo
c. Marcos

25. Nang minsang nagtuturo si Jesus, naroon din ang mga Pariseo at tagapagturo ng kautusan mula sa
mga bayan ng Galilea, Judea at Jerusalem. May dumating na apat na tao na may dalang isang paralitiko
upang pagalingin ni Jesus. Saan ito dinaan? Lucas 5:17-19
Sagot: B

a.Sa pintuan
b.Binutas ang bubong
c. Sinira ang dingding

26. Binuhay na muli ang anak ng babaeng balo, Saang bayan ito nangyari? Lucas 7:11
Sagot: B

a. Sa bayan ng Cana
b. Sa bayan ng Nain
c. Sa bayan ng Galilea

27. Sino sa mga alagad ni Jesus and sumusunod sa kaniya sa paglakad sa tubig subalit nagsimulang
lumubog at matakot ito ng lumakas ang hangin? Mateo 14:3
Sagot: C

a. Mateo
b. Juan
c. Simon Pedro

28. Sa pamamagitan ng pitong tinapay at ilang maliliit na isda napakain ni Jesus ang ilang libong tao?
Mateo 15: 34 Sagot: B

a. Limang libo
b. Apat na libo
c. Isang libo

29. Kayat sinabi sa kanya (Cananea) ni Jesus na napakalaki ng kanyang pananalig at ang kanyang hiling
na gumaling ang kanyang anak sa anong karamdaman? Mateo 15:22,28
Sagot: C

a. Ketong
b. hindi makalakad
c. inaalihan ng demonyo

30. Sinong alagad ang nakakita kay Jesus na nagbabagong anyo? Mateo 17:1
Sagot: A

a. Pedro at magkapatid na Santiago at Juan


b. Mateo at Juan
c. Santiago at Pedro

31. Ang nagbalik n a ketongin na pinagaling ni Jesus ay isang? Lucas 17:16


Sagot: C

a. Publikano
b. Pariseo
c. Samaritano

32. Ano ni Simon Pedro ang babaeng nilalagnat na pinagaling ni Jesus? Mateo 8:11-13
Sagot: C
a. Nanay
b. Kapatid
c. Biyenan

33. Ano ang ginawa ni Jesus sa mga sinasapian ng demonyo? Mateo 8:16
Sagot: B

a. Pinag ayuno
b. Pinalayas ang masamang espiritu
c. Pinanalangin

34. Sino ang kauna-unahang pinagaling ni Jesus ng siya ay bumaba sa bundok? Mateo 8:1
Sagot: C

a. Paralitiko
b. Sinasaniban ng masamang espiritu
c. Ketongin

35. Ano ang pinagagawa sa may sakit kapag siya ay gumaling na? Mateo 8:4
Sagot: B

a. Mag ayuno
b. Maghandog
c. Humayo

36. Ano ang nakatulong ng malaki sa pagpapagaling sa anak ng kapitang Romano ng hukbo?
Roma 8:10 Sagot: C

a. Ang pagiging kapitan niya


b. Ang pagsamba ni Jesus sa kanya
c. Sa laki ng kanyang pananalig

37. Sa himala ng sampung ketongin na pinagaling ni Jesus, ilan ang bumalik upang magpasalamat?
Lucas 17:15 Sagot: A

a. Isa
b. Dalawa
c. Tatlo

38. Saan naganap ang kauna-unahang himala ni Jesus? Juan 2:1


Sagot: A

a. Kasalan sa Cana
b. Kasalan sa Jerusalem
c. Kasalanan sa Galilea

39. Sino sa mga alagad ni Jesus ang binigyan ng karapatang magpagaling? Gawa 3:3
Sagot: B
a. Mateo at Lucas
b. Pedro at Juan
c. Felipe at Tomas

40. Anong himala ang ginawa ni Jesus sa kasalan sa Cana? Juan 2:8
Sagot: A

a. Ginawang alak ang tubig


b. Ginawang tubig ang alak
c. Ginawang alak ang katas ng prutas

You might also like