Professional Documents
Culture Documents
TALUMPATI
TALUMPATI
At ngayon ngang kolehiyo, ilang units din ang ibinagsak ko. Pasang awa
ang tinanggap ng aking pagsisikap na hindi nakaabot sa standard ng
propesor. Oo, sermon ang inabot ko sa nagpaaral sa akin, muntikan ng
makick out sa unebersidad na ito. Alam ba ng ninyo ang pakiramdam ng
isang tulad ko, kung paano sasabihin sa magulang? Ang kaba at ang
takot? Hindi diba?... Oo, aminado naman akong kasalanan ko naman.
Inaamin ko din na mahina akong umintindi sa mga pinagsasabi ng guro.
Pero sa isip ko, kasalanan ba ang kumuha ng pagususulit ng patas? Mas
kasalanan siguro ang mandaya sa pagsusulit.. ang nakakuha ng mataas
na marka sa paghihiraman ng papel. Sa totoo lamang, hindi naman ako
bobo, siguro lang kung ipapaliwanag lang sa akin sa paraang naiintindihan
ko ang bawat pagtuturo, baka ilampaso ko ang mukha ng pinakamatalino
dito. Hindi ko sinisisi ang aking maga guro. Pero tingnan nyo din sana ang
aspetong ito. Iwasan sana ang magkumapra. Kadalasan naka focus kayo
sa husay ng estudyanteng pinakamatalino.
"Huy ang lalim ng iniisip mo ah, ikaw na, tinawag na ang pangalan mo"