Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

KABANATA 1 ANG PAGTITIPON

Nagkaroon ng isang malaki at marangyang pagtitipon sa bahay ni


Don Santiago Delos Santos o mas kilala
bilang si Kapitan Tiyago. Halos mapuno ng mga panauhin ang
tahanan ni Kapitan Tiyago sa Kalye ng Anluwage.
Ang tanging tumatanggap ng mga panauhin ay si Tiya Isabel na
pinsan ni Kapitan Tiyago. Nakahiwalay ang mga panauhing babae sa
mga lalake. Kabilang sa mga dumalo sa pagdiriwang na iyon sina
Padre Sibyla, kura paroko ng Binundok; si Padre Damaso na
nakikipag-agawan sa importanteng upuan; Tenyente Guevarra, ang
tenyente ng guardia civil at ang isang binatang kararating lamang
mula sa Europa.
Nagkaroon ang bawat pangkat ng panauhin ng kani-kanilang paksa.
Ang mga paksa ng mga tauhan o mga panauhin ni Kapitan Tiyago ay
tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego
matapos magsilbi ng matagal na panahon sa bayan ng San Diego.
Naging usapin din ang tungkol sa pulbura at ang pagiging Indio ng
mga Pilipino, kabilang na rin ang tungkol sa monopolyo ng tabako.
. <br>Sa kalaunan ng kapistahan ay dumating ang mag-asawang Dr.
de Espadaa at Donya Victorina.
KABANATA 3 ANG HAPUNAN
Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng
kanilang mga mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari
Sybyla samantalang banas na banas naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang
lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman
umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri
ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa
tenyente sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang
pagkakulot ng kanyang buhok.

Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan


ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.

Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre
kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng
Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kayat siya ang
karapat-dapat na umupo.

Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang
upuan. Pero, tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang
dalawang pari.

Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan


Tiyago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang
kapitan sabay sabing "huwag mo akong alalahanin."

Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos ng damdamin ni Pari


Damaso, ang ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang
napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi
alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para kay Ibarra.

Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa


kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon
ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya
nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakakalimutan ng bayan
sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit
ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng
tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng
kanyang amang si Don Rafael.

Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-
kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.

"Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon", tugon naman ni Ibarra.

Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at


marami ng wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga
bansang pinupunntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa
wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan
partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran.

Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa


tema ng kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang
nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at
ikapaghihirap nito.

Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso.


Walang pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang
nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na
bata ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.

Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga
sandaling madalas na pumunta sa kanila si Pari Damaso noong maliit pa siya upang
makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal
na si Damaso.

Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria


Clara at ang bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra.
Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din.

Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na
ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil
dito, aniya, dapat na ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng
pahintulot sa sinumang Indio na makapag-aral sa Espanya.

Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa
isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may
handa ay walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio
sa ibang lupain.
KABANATA 2

SI CRISOSTOMO IBARRA

Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan.


Binating lahat ni kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga
pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari
Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra.

Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang


kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-
aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang
masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay
kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging
dugong Espanyol.

Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay


kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng
pari. Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang
ama ni Ibarra.

Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at
napaharap sa tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-
usap sina tinyente at Ibarra. Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat
dumating ang binata ng walang anumang masamang nangyari. Basag ang
tinig ng tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa ito ay higit na maging
mapalad sa kanyang ama. Ayon sa tinyente ang ama ni Ibarra ay isang
taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra
tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama.Ang pasulyap ni Padre
Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang
mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.

Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-


aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong
kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa kanya. Ang
mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang
binata rin na tumigil sa pagsusulat.Malapit ng tawagin ang mga panauhin
para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para
kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang
binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na
naturan.
KABANATA 4 EREHE AT FILIBUSTERISMO

Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya


hanggang sa may Liwasan ng Binundok . Sa maraming taong pagkakawala
niya sa bayan,wala pa ring pagbabago sa kanyang dinatnan.

Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay


na kamay sa kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa kanya
upang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat nangangamba siyang baka
matulad siya (Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap si Ibarra na
isalaysay ng tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay
na wala siyang nalalaman dito.

Sianbi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya mayisnag taon na


ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael(ama ni Ibarra) na huwag nitong
ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang
abala sa kanyang mga gawain.

Ganito ang salaysay ng tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa


buong lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang
naiinggit. Ang mga nuno nila ay mga kastila.Ang mga kastila dahil sa
kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Ang masasama sa Espanya
ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga kagalit na mga
kastila at pari. Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra,si Don
Rafael at Pari Damaso ay nagkasira. Diumano, di nangungumpisal si Don
Rafael.

Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway.


Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na
artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan. Pero hindi naman totoo.

Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng ba
be bi bo bu na labis na ikinagalit nito.Pinukol ng kanyang tungkod ng
artilyero ang mga bata. Isa ang sinampald na tinamaan at nabuwal.
Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang nagdaraan si don Rafael.
Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at si
DonRafel ang kanyang hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi
ipagtanggol ang sarili.

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at


dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang
kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi
nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga.

Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at


pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na
pinakamabigatna parusa.

Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib. Pinaratngan din


siyang nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at
diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang
pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.

Gumawa siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at


sumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang
abugadong Pilipino na si G.A at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri
na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito.

Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si don Rafael ay


malapit ng lumaya dahil sa tapos nglahat ang mga kasong ibinintang sa
kanya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi
nakayanan ng kanyang pisikal na katawan.

Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng


bilangguan, nalagutan ng hininga si Don Rafael.

Huminto sa pagsasalaysay na g tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay


kay Ibarra at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang
magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel ng
maghiwalay. Sumakay sa kalesa si Ibarra.
KABANATA 5 PANGARAP SA GABING MADILIM

Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda deLala. (Ito ay isang uri


ng panuluyan, na tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynial).
Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa isang
silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya
ginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid.

Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa


kabila ng ilog. Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at
pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.

Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra, makikita


niya kung sinu-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na
nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Sa
likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng
bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari,
intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw
na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang
Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari
Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si
Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalagang
hinahangaan ng lahat.

Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi,


madali siyang naktulog at nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi
inabot ng antok ay ang batang Pransiskano.
KABANATA 6 SI KAPITAN TIYAGO

Ang katangian ni kapitan tiyago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay


pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Siaya ay tinatayang nasa
pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hinde lamang
nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki.

Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba


pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa pampanga at laguna bilang
asendero, hindi kataka-taka na parang lubong hinihipan sa pagpintog ng
kanyang yaman .

Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay


malakas sa mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga
prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na kastila at hindi pilipino.
Kasundo nya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan.
Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili.
Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na
lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasmba
katulad nina sta.lucia, san pascual bailon, san antonio de padua, san
francisco de asis, san antonio abad, san miquel, sto. Domingo, hesukristo at
ang banal na mag-anak.

Par kay kapitan tiyago kahit na ano ang itakda an mga kastila, yaon ay
karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga pilipino,
sya ay naglilingkod bilang gobernadocillo.

Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang


sinusonod. Sipsip din sya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na
katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi sya myroong handog na regalo.

Si kapitan tiyago ay tanging ng isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa


malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral. Naging
katulong at tinuruan sya ng isang paring dominiko. Nang mamatay ang pari
at ama nito, siyay mag isang nangalakal. Nakilala nya si pia alba na isang
magandang dalagang taga sata cruz. Natulong sila sa pag hahanap-buhay
hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.

Ang pag bili nila ng lupain sa san diego ang naging daan upang maging
kaututang dila roon ang kura na si padre damaso. Naging kaibigan din nila
ang pinakamayaman sa boung san diego- si don rafael ibarra, ang ama ni
crisostomo ibarra . dahil sa anim na taon ng pagsasama sina tiyago at pia at
hnidi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.

Dahil dito ipinayo ni padre damaso na sa oabando sila pumunta kina san
pascal baylon at sta clara at sa nuestra sr de salambaw.

Parang dininig ang dasal ni pia, siya ay nag lihi, gayuman nagiging masakitin
si pia, nang siya ay magdalangtao. Pag kapanganak nya sya ay namatay. Si
padre damaso ang nag anak sa binyag at ang anak in pia ay pinangalanang
maria clara bilang pag bibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa obando,
kay tiya esabel, pinsan ni kapitan tiyago, ang natokang mag-aruga kay
maria. Lumaki sya sa pag mamahal na inukol ni tiya esabel, kanyang ama at
mga prayle.

Katorse anyos si maria, nang sya ipinasok sa beaterio ng sta catalina.


Luhaan sya nag paalam kay pari damaso at sa kanyang kaibigan at
kababatang si crisostomo ibarra, pag kapsok ni maria sa umbento, si ibarra
naman ay nag punta na ng europa upang mag aral.
Gayunman, nagkasundo sina don rafael at kapitan tiyago na maski nagkalayo
ang kanilang mga anak. Pag dating ng tamang panahon silang dalawa (maria
at crisostomo) ay pag iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang
dalawa ay tunay na nag-iibigan.
KABANATA 7 SUYUAN SA ASOTEA

Kinabukasan, Maagang maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng


misa, Nagyayang umuwi na si Maria.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis
ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiyago ay Binuklat naman ang mga itinatagong
kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan.
Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa
malabon o sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki
ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.
Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam
na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beateryo.
Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa
kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria.
Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng
kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel.
Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa
maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot.
Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin
at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na
pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.
Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at
muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra.
Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan
ni maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at
ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin.
Inilabas naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago
tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang
kanyang mukha.
Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya
anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang
mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at
kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang
sa kapakanang pambayan.
Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si
Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya "Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking
tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na."

Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si
Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat
magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.

Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at inutusan na magtulos
ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.
KABANATA 8 MGA ALA-ALA

Ang Kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang


masayang pook sa Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw ay
nakakapagpapawi sa kanyang kahapisang nadarama. Sa pagmamasid niya sa
kapaligiran, biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na diwa ang isang
alaala.

Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe,


mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo,
Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh
hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila
ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton
at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang naalala.

Sa patuloy na pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na walang


ipinagbago ang punong Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin
din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagandang karwahe
na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa kanilang mga pagpasok
sa mga tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Sa mga
paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Pari Damaso na
nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong nuon na kasama ang asawa at dalawang
anak na babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si Ibarra.

Napadaan din siya sa Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging


kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang
nahilo dahil sa masamang amoy ng tabako.

Nang madaan siya sa Hardin Butaniko saglit na napawi ang kanyang mga
magagandang gunita. Pumasok sa kanyang isip na ang hardin sa Europa ay
nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin. Itinuon
niya ang tingin sa malayo at makita niya ang matandang Maynila na naliligid
ng makakapal at nilumot ng mga pader.

Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayayn ay nagpabangon sa bilin ng


kanyang naging guring pari bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng
pari ay (1) Ang karunungan ay para sa tao, ngunit ito ay natatamo lamang ng
mga may puso lamang. (2) Kailangang pagayamanin ang karunungan upang
maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3) ang mga dayuhan ay
nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kayat nararapat
lamang na puntahan ang lugar ng mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra
ang ginto nila (dayuhan).
KABANATA 9 MGA BAGAY BAGAY SA BAYAN

Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa


kumbento ng araw na iyon. Hinihintay na lamang siya ni Tiya Isabel
sa karwahe upang tuluyan na silang makaalis ng siya namang
pagdating ni Padre Damaso. Nalaman ng huli ang kanilang pakay sa
pag-alis at ito ay hindi minabuti ng pari. Bubulong bulong ito na
umakyat papunta sa bahay ng Kapitan.
Sinalubong siya ng Kapitan at inabot nito ang kamay upang
magmano ngunit tinanggihan ito ng Pari. Bagkus ay sinabi kaagad
nito na ang pakay niya ay makausap ng sarilinan ang kapitan. Dito ay
sinabi niya na hindi dapat maglihim ng kahit ano pa man sa kanya si
Kapitan sapagkat siya ang pangalawang ama ni Maria Clara. Dapat
na ring itigil ang pakikipagmabutihan ng dalaga sa binatang si Ibarra.
Sinabihan din nito na and Kapitan na hindi siya dapat maghangad ng
kabutihan para sa kanyang mga kaaway. Nakumbinsi ng pari ang
kapitan kaya't pagka-alis ng nito, pinatay ng Kapitan ang mga
kandilang itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi
sa bayan ng San Diego.
Sa kabilang dako, nagtungo naman si Padre Sybila sa kumbento ng
Dominikano sa Puerta de Isabel II. Dinalaw niya ang matandang pari
na may matinding sakit. Ibinalita niya dito ang mga nakaraang
kaganapan, katulad ng pang-aaway na ginawa ni Padre Damaso sa
bahay ni Kapitan Tyago. at ang pagpanig ng Tinyente diumano sa
kapitan-heneral at pakikipag-alyansa kay Padre Damaso.
Nakipagpalitan din ng saloobin ang matandang maysakit, at dito ay
sinabi niya na ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang
kanilang mga kayamanan. Natututo na rin aniya ang mga Pilipino sa
paghawak ng ari-arian.
KABANATA 10 ANG BAYAN NG SAN DIEGO

Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang


baybayin ng isang lawa at my malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa
nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang kamangmangan, ang mga
inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-mura sa tsino.

Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw


ang kabuuan ng bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang
itinayo. Gayunman, mapapansin sa pagtanaw sa kabuuan nito ang isang tila
pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran.

Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong


itinatagong alamat. May isa umanong matandang kastila na dumating sa
bayan. Ito ay matatas magsalita ng tagalog at nanlalalim ang mga mata.
Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit, alahas
at salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay nawala.

Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang


na amoy. Hinanap nila ang pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang
nabubulok na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno ng baliti.

Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung


nabubuhay pa siya, takot na takot sa kanya ang mga babae sa pagkat bahaw
ang tinig nito, paimpit kung tumawa at malalalim ang mga mata. Sinunog ng
ilan ang damit na galing sa matanda at ang mga hiyas naman ay tinapon sa
ilog.

Hindi nagtagal, isang batang mistisong kastila ang dumating at sinabing siya
ang anak ng namatay. Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at
mapusok. Sininop niya ang gubat. Sa kalaunan, nakapag-asawa siya ng
isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na tinawag niyang Rafael
o Don Rafael, na siyang ama ni Crisostomo.

Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung
bakit kinagiliwan siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa
pagiging nayon. Ito ay naging bayan.

Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang namatay si Padre Damaso na


ang pumalit at naging kura pareho ng bayan.
Kabanata XI
Ang mga Makapangyarihan
Buod

Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang Kinikilalang
makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero,siya ay iginagalang
at halos lahat ng mga tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng
kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin
at ni wala pa ngang kakampi.

Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko


at hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan,siya ay
nakatalikod, siya ay tinayawag na Sakristan Tiyago.

Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o


makapangyarihan. Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000.
Madalas siyang sabunin at kagalitan ng alkalde mayor.

Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-


aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare
Bemardo Salvi, isang payat at batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre
Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang mag-ayuno. Kung ihahambing siya
kay Pari Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Si Pari Salvi ay ang
Alpares at ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na
mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang alpares ang puno ng mga
guwardiya sibil. Ang pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa
pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng
araw o dili kaya ay sinasaktan ang kanyang eposa.

Bagamat may hidwaan ang alpares at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay
pareho silang nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at
para walang anumang namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na
magkaharap gumagawa sila ng kani-kanilang mga paraan para makapaghiganti
sa isat-isa.

Ang alpares at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang
tawag sa kanila ay mga casique.

You might also like