Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kung Paano Ilarawan Ang Filipino: Isang Ribyu sa Gramar ng Filipino

Maria Christina A. Pangan

ISANG MABIGAT NA responsabilidad pangwika ang sinusubukang angkinin ng aklat na


Gramar ng Filipino ni Jonathan C. Malicsi. Inilathala ito noong 2013 ng Sentro ng
Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipinas Diliman at ipinakilla blang pinakahuling aklat
panggramar na maituturing na teknikal, moderno at nakabase sa mga aktuwal na
paggamit sa wika. Naging bunga rin ang pag-aaral na ito ni Malicsi bunsod ng
maraming problema sa pagsasalin ng Filipino sa Ingles, lalo na sa katumbas ng mga
aspekto ng pandiwa, [at pag-aaral ng] semantika ng mga aspekto kompara sa
semantika ng mga kumbinasyon ng tense, modal verb, perfect at progressive sa Ingles,
sa tulong ng isang research grant mula sa Regional Language Center sa Singapore
noong 1995.

Blang pinakahuling nalathalang pag-aaral hinggil sa Filipino, inaasahang bibigyan ng


kongkretong imhen ng aklat ang wikang Filipino blang wikang pambansa sa unang
dekada ng ika-21 siglo, katulad ng paglalarawan ng Balarila ng Wikang Pambansa sa
wikang pambansa noong 1944, at sinubukang ilarawan ng sumunod na mga pag-aaral
tulad ng Makabagong Gramar ng Filipino ni Lydia GonzalesGarcia noong 1992, Writing
Filipino Grammar nina Ernesto at Nelly Cubar noong 1994, at Makabagong Balarilang
Filipino nina Alfonso Santiago at Norma Tiangco noong 1977 na may binagong edisyon
noong 2003.

Unang-unang hinahanap sa pag-aaral ng gramar ng wikang pambansa ang


paglalarawan kung anong wikang pambansa ang ipinakikilla sa mambabas. Sa
pagtalunton sa sagot sa tanong na ito Lathalaan sa Wika at Kultura 233 maaaring
masukat ang kahalagahan ng isang pag-aaral sa gramatika ng Filipino blang
pangunahing sanggunian sa gramatika ng wikang pambansa. Sa premise na ito nais
suriin ng papel ang Gramar ng Filipino.
Ang Filipino sa Gramar ng Filipino

Walang kongkreto at direktang banggit ang aklat kung anong Filipino ang inilalarawan
nit. Sa Introduksiyon ni Malicsi, malayng nagpapaltan ang wikang Tagalog at Filipino:

Bagamat madalas gamitin sa UP ang Tagalog o Filipino bilang wikang pinagkukuhanan


ng mga datos para sa ibat ibang klase ng pagsusuri sa linggwistiks . . . at Kinuha ko rin
ang mga halimbawang inilahad ng mga nailathalang gramatika ng Tagalog/Filipino.
Gayundin, hindi binanggit sa pagtalakay ang wikang pambansa, maging sa mga
ibinigay na halimbawa. Samakatwid, walang matibay na pagdiriin sa aklat na ang pinag-
aaralang Filipino ay ang maituturing na wikang pambansa.

Bagaman walang pag-angkin sa pag-aaral ng wikang pambansa ang Gramar ng


Filipino, mapapansing ib na ang inilalahad na Filipino sa pagpasok ng salitng
banyaga sa wikang Filipino:

Mabaho as in1 mabaho ang Manila Bay.

Sumayaw ang mga newscaster.

Ikinamatay ni dating presidente Cory Aquino ang colorectal cancer.

Base sa mga halimbawang ibinigay ay kinikilla na ng Filipino na inilalarawan ni


Malicsi sa aklat ang mga tunog-wika na wala sa dting mga pag-aaral. Ibig sabihin,
bagaman walang direktang pagtalakay 234 Pandiwa sa palatunugan ang Gramar ng
Filipino, mahihinuhang pinag-aaralan dito ang Filipino na may dalawamput walong titik.

Ngunit sa pag-aaral ng gramatika ng isang wika ay kinakailangang isinasaalang-alang


ang lahat ng katangian nit. Hindi sapat ang paghinuha upang lubusang mapag-aralan
ang buong katangian ng isang wika. Sa gayon, isang mahalagang aspekto ng
paglalahad ng isang mapagkakatiwalaang gramatika ang pagiging mabusisi at
sistematiko nit.

Kahingian sa Isang Komprehensibong Gramar


Ang pag-aaral sa gramar ng isang wika, lalo na kung magiging sanggunian ito ng mga
nagtuturo ng wika ay kinakailangang may sinusundang lohika sa paglalahad ng mga
bahagi.

Batayang kaalaman para sa mga nag-aaral ng gramatika ang pag-aaral sa apat na


lrangponolohiya, morpolohiya, sintaks, at semantika. Maraming aklat panggramatika
ang hindi masyadong tumatalakay sa sintaks at semantikaang set ng mga tuntunin sa
estruktura ng mga pangungusap at ang ugnyan ng mga salit upang makabuo ng
kahulugan (meaning)at mas pinagtutuunan ng pansin ang ponolohiya at morpolohiya.

Sa aspektong ito naging kapuri-puri ang Gramar ng Filipino sapagkat naging malawak
ang pag-aaral nit sa sintaks at ilang pahapyaw na pagtalakay sa morpolohiya.
Sinimulan ni Malicsi ang pag-aaral ng batayang pangungusapsa pagtalakay sa
panaguri, simuno, at mga baryasyon ng batayang pangungusap, tambalang
pangungusap na may tuon sa paggmit ng mga pangatnig, at sa hugnayang
pangungusap partikular sa relasyon ng matrix o pundasyong pangungusap at ng insert.
Tiningnan din ng aklat ang wikang Filipino sa pasalitng paraan, pagpasok ng mga
banyagang salit at kung paano ito naiimpluwensiyahan at/o nakaiimpluwensiya sa
estruktura ng pangungusap ng wikang Filipino.

Ngunit bagaman tinutugunan ng aklat ang kawalan ng sapat na pag-aaral sa sintaks ng


wikang Filipino, nakapaghandog ba ang Gramar ng Filipino ng isang mabusising pag-
aaral sa gramar ng Filipino? At ang mas mahalagang tanong, anong Filipino ang pinag-
aaralan ng aklat?

Pangunahing bahagi ng pag-aaral ng gramatika ang oryentasyon sa anong klase ng


Filipino ang pinag-aaralan. Nagsimula ang Gramar ng Filipino sa kasaysayan ng
pagkakabuo ng saliksik at bagaman binanggit na sa pagtaya ng pangkasalukuyang
Filipino, ginamit [na] pangunahing pagkukuhanan ng mga datos ang mediadyaryo,
radyo, at telebisyonat para makita ang mga naunang varayti ng pambansang wika,
ginamit [na] sanggunian ang mga nailathalang dyornal ng dating Surian ng Wikang
Pambansa, wala itong malinaw na paglalahad sa katangian ng Filipino na siyng
tinutukoy na pangkasalukuyan.
Maaari sanang nagsimula ang pag-aaral sa mga lehitimong tunog-wika ng wikang
Filipino. Ano para sa Gramar ng Filipino ang mga tunog-wika ng Filipino? Ito ba ay tulad
sa mga tunog-wika sa Tagalog na kinakatawan ng labimpitong titik at mga kambal-
katinig? O ito ba ang Filipino na kinakatawan ng dalawamput walong titik, mas
maraming tunog-wika kaysa Tagalog at isinasaalang-alang ang lehitimong mga tunog
mula sa mga katutubong wika ng Filipinas sangayon sa nakasaad sa Konstitusyong
1987?

O maaari ding hindi na tinalakay ang ponolohiya upang mailarawan ang wikang
Filipinong pinag-aaralan at sumipi na lmang ng mga naunang pag-aaral tungkol sa
gramar ng Filipino.

Anot anuman, hindi sapat na biglang pag-aralan ang sintaks ng isang wika kung
walang paglalatag ng oryentasyon kung anong uri ng wika ang pinag-aaralan.

Materyales at Paraan ng Paglalahad

Binanggit sa introduksiyon na pangunahing materyales na pinag-aralan at hinanguan ng


mga halimbawa ang diyaryo, radyo, at telebisyon. Malaking impluwensiya at marker ang
materyales ng midya sa kung anong uri ng wikang Filipino ang umiiral sa isang
partikular na panahon.

Ngunit kapansin-pansing hindi binanggit kung ano at saan nanggaling ang materyales
na ito.

Halimbawa, ang mga diyaryo bang pinag-aralan ay nsa sentro (Metro Manila)? May
mga kinuha rin bang halimbawa mula sa mga rehiyon, lalo na kung iisiping
nakapaglilimbag ng diyaryo ang ilang pangunahing lungsod sa labas ng Metro Manila?
Mas interesanteng pag-aralan ang varayti ng Filipino sa mga rehiyon sapagkat
naiimpluwensiyahan ng maraming wikang katutubo ang wikang Filipino sa mga lugar na
ito. Gayundin, malaking salik ang manunulat sa Filipino sa mga lugar na ito. Sa usapin
naman ng paraan ng paglalahad, hindi konsistent sa ispeling ang Gramar ng Filipino.
May mga pagkakataon na sinisingitan ng I at U ang mga konsonant klaster tulad sa
seksiyon, ngunit may mga ispeling itong taliwas tulad ng eksistensyal, at
linggwistiks.

Gayundin, hindi maayos ang paglalatag ng mga ide. Mabilis na lumilipat sa pagtalakay
sa ibng paksa ang aklat nang hindi naipaliliwanag mabuti ang nauna. Halimbawa, sa
paksang Pang-abay na pandalas na panaguri, binanggit lmang na ito ay sumasagot
sa tanong na gaano kadalas at nagbigay ng apat na halimbawa sa paksang ito. Hindi
inilista ang madalas gamting pang-abay na pandalas, mga kategorya ng mga pang-
abay na pandalas, at anong mga estruktura ng pangungusap ang mali kaugnay ng
paggmit ng mga pang-abay na pandalas.

Hindi rin masinop sa detalye ang aklat. May mga paksang nangangailangan ng cross-
reference ngunit ib-ib ang format ng aklat tungkol dito. Halimbawa, binanggit sa
introduksiyon ng batayang pangungusap ang relatibisasyon:

Sa pamamagitan ng relatibisasyon (tatalakayin sa sarili nitong seksiyon), magiging


isang pariralang pangngalan ang pangalawang pangungusap . . . [akin ang diin]
Lathalaan sa Wika at Kultura 237 ngunit hindi binanggit kung anong seksiyon. [Kung
titingnan ng mambabas ang paksang relatibisasyon sa Nilalaman, makikitang
nabanggit ito sa seksiyong 4.5Relatibisasyon ng Panaguri. Ngunit, ito ba ang
tinutukoy na relatibisasyon sa siniping bahagi?]

May mga format naman tulad sa seksiyong 1.1.1.4.2

Pang-abay na pamanahong panaguri: Ang pang-abay na pamanahong panaguri ay


sumasagot sa tanong na kailan. Maaari ring gamitin ang iba pang porma ng pang-ukol
na nagsasaad ng panahon. (Tingnan ang seksiyon tungkol sa pangabay na pamanahon
at pang-ukol para sa mas komprehensibon paglalahad.) [akin ang diin] na hindi rin
tinukoy kung saang bahagi ng aklat at kailangan pang bashin ang buong seksiyong
1.3 at 1.4 upang matagpuan ang kinakailangang karagdagang paliwanag.

Lubos na abla ang paghahanap sa pamamagitan ng pagbabas ng isang buong


bahagi ng aklat lalo na para sa mga gagamit na guro/ nagtuturo ng wika.

Kongklusyon
Sa pangkalahatan, nagpasilip ang Gramar ng Filipino ng bagong perspektiba sa pag-
aaral ng gramarlagpas sa ponolohiya at morpolohiya ng wikang Filipinongunit hindi
isang buong larawan ng wikang Filipino ang inihandog nit upang makaagapay sa mga
nagtuturo ng wika at nag-aaral ng wikang Filipino.

TAL 1 Isang interesanteng kaso ang pagpasok ng ekspresyong as in sa wikang


Filipino. Sa aklat, tinalakay ito sa paksang Mga opsiyonal na morpema para sa pang-
uri partikular sa intensibong porma ng pang-uri. Sa Ingles, ginagamit ang pariralang ito
katumbas ng katulad sa halimbawa sa pangungusap na Speech can be vocal,
involving the use of the vocal organs (tongue, teeth, lungs, etc.), or nonvocal, as in
writing or in gesturing. Nang pumasok sa Filipino ang pariralang ito, ginagamit na ito
upang magbigay-diin sa mga pang-uri. Lathalaan sa Wika at Kultura 239 240 Ang
Gramar ng Filipino-Isang Paghahawan

You might also like