Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

PAG-IBIG KONG WAGAS

ni PogingUnggoy (Quinns)

Ang pag-ibig ko sayoy kailanmay di mo masusukat


Na kahit butas ng iyong ilong ay walang binatbat,
Higit pa na mas malawak sa yong malapad na noo
At di hamak na mas matangkad pa sa iyo mahal ko.

At oo malalim na ang nararamdaman ko sayo


Na para bang isang dagat na nakakalunod-puso.
Ikay lulunurin hanggang sa ikay mapaibig ko
Ganito ako kadesperada sa pagmamahal mo.

Hindi ko kakayaning mawala ka pa sa piling ko


Sapagkat akoy mababaliw kapag nangyari ito
Kayat kahit anoy gagawin pumarito ka lamang
Para walang dahilan upang akoy iyong iwanan.

Dumating ang panahong tayo na ngay nagkalabuan


Na kahit magsalamin ay di na magkaintindihan.
Sinubukan kong iadya ang ating pag-iibigan
Ngunit di patalo ang tadhana kahit pa kay batman.

At kahit itoy masakit akin paring tatanggapin


Na wala nang tayo at hindi ka na para sa akin
At kahit na masakit ay hindi kita lilimutin
Dahil ikaw ang pinaka magandang nangyari sa kin

Ikay aking mamahalin pa rin mula sa malayo


Kahit alam kong hindi na maibabalik ang tayo
Ipapanalangin kong sanay ikay maging masaya
At sanay iyo nang maramdaman na ikay may halaga.

You might also like