Ako si Marcelo C. Gontias, 21 taong gulang, walang asawa at kasalukuyang nakatira sa
Block 04 Dalanghita St. Panam Village Brgy. Pinagsama Taguig City. Ako po ang tunay na nagmamay-ari sa lupa at bahay na tinatayo sa Block 3 Lot 12 Pinagbuklod Phase 2 Sta. Ana Taguig City. Ito po ay aking ina-acquire sa UPAO ng Taguig City na may buwanang hulog ayon sa napagkakasunduan ng Samahang Magkakapit Bahay ng Taguig (SAMATAG). Isa po sa mga requirements upang makakuha ng mababang halagang lupa ay may asawa at may kasalukuyang trabaho. Since ako po ay kasalukuyang estudyante at wala pang asawa (single). Napagkasunduan po namin ng aking pinsan na si Rogelyn G. Pajermo, live in partner of George T. Trajada, na kasalukuyang nakatira sa Building 19 Unit 119 Centennial Village Western Bicutan, Taguig City, na yung lupa at bahay sa naturang address ay ipapangalan ko muna pansamantala sa pinsan kong si Rogelyn G. Pajermo upang ito ay maproseso sa UPAO, pero lahat ng gagastusin ay sasagutin at babayaran ng aking mga magulang na sina Nelson M. Gontias at Ma. Celestia C. Gontias habang ako ay hindi pa tapos sa aking pag-aaral at wala pang-permanenteng trabaho. Pero sa panahong ako ay financially stable na, anytime pwede ko na ilipat sa aking pangalan. Malinaw sa kasunduang ito na sa pangalan lang ni Rogelyn G. Pajermo nakasulat ang mga dokumento pero ang tunay na may-ari ay si Marcelo C. Gontias at hindi kailan man pwedeng angkinin ni Rogelyn G. Pajermo. Ang kasunduang ito ay aming lalagdaan bilang patunay na kami ay parehong sang-ayon sa mga nakasaad sa naturang kasulutan.