Jayel Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BAGONG BAHAY, BAGONG BUHAY PRE-EVENT REEL

- start spiel -

Kasabay ng ating paglipat sa ating BAGONG BAHAY,


Ay ang pasimula ng ating BAGONG BUHAY bilang
isang iglesya!

Kung kayat narito ang ilang mga paalala para sa isang mas
maayos na pananambahan.

Magsuot ng mga angkop na damit para sa pagsamba.


Iwasan natin ang pagsusuot ng mga damit na walang
manggas, mga damit na may mababang neckline, mga
shorts o tokong, at mga tsinelas. Kung kaya nating magsuot
ng maayos na damit sa mga okasyon ng ating pamilya at
mga kaibigan, kaya din natin magsuot ng maayos para kay
Lord.

Sikapin nating makarating sa kapilya mga ilang


minuto bago ang simula ng pagsamba.
Pagdating natin, punuin muna natin ang mga upuan sa
harap at gitnang bahagiilaan natin ang mga upuan sa likod
sa mga mahuhuling dumating.

Maging masigabo sa pakikibahagi sa pagsamba.


Bawal ang killjoy at audience lang! Huwag din sanang puro
palakpak ka lang, kapatid. Aralin ang mga imno, tugon, at
mga praise songs; sumabay sa pagbasa ng banal na
kasulatan; makiisa sa panahon ng pananalanginilan
lamang ito sa mga paraan upang makibahagi sa pagsamba!

Panatiliin natin ang kaayusan tuwing panahon ng


mensahe ng buhay.
Iwasan po natin ang paglabas o pakikipag-kwentuhan sa
panahong ito; gamitin natin ang oras na ito sa pakikinig ng
mensahe.

Manatili din po tayong tahimik at nakaupo sa ating


pwesto sa panahon ng prosesyonal at resesyonal.
Gamitin natin ang panahong ito upang ihanda ang ating
sarili sa pasimula ng pagsamba, at sa paghihintay na
makarating sa gawing likuran ang Pastor, Tagapanguna, at
Tagapagsalita.
Huwag po nating hipan, tapikin, o ipukpok ang mga
mikropono.
Ito ang magiging sanhi ng mabilis na pagkaluma o pagkasira
ng ating mga gamit.
Para subukan kung may tunog na ang mic, tiyaking naka-on
ito at marahang magsalita dito.

Bigyang-pansin natin ang mga anunsyo tuwing


panahon ng pahayag.
Tignan din natin ang mga announcements sa likod ng ating
liturgy. Maging pro-active tayo sa pakikibahagi sa mga
gawain ng ating iglesya.

Iwasan natin ang pagdaldal sa panahon ng


pagsamba.
Kung talagang kailangang mag-usap, gawin lamang sa
tahimik na paraan.

Patayin o i-silent mode ang cellphone sa panahon ng


pagsamba.
Kung sakaling kailangan talagang sumagot ng tawag,
mangyaring lumabas nang marahan sa pook-sambahan.

Bring your own tumbler! Magdala po tayo ng sarili


nating inuminanpwedeng tumbler o plastic bottle.
Hindi ka na nakadagdag sa urungin sa lababo, nakatulong ka
pa sa kalikasan.

Buhusan natin ng tubig ang inidoro pagkatapos


gamitin.
Kung walang tulo, meron namang mga nakaimbak na tubig
sa mga drum, o ipagbigay-alam sa ating diakonesa.

Itapon natin ang ating mga basura sa mga


basurahan, o itabi muna sa ating sarili.
Huwag nating ikalat ang mga basura sa mga silya, sa mga
Bibliya o imnaryo, o sa mga sulok-sulok ng sanktwaryo.

Tulong-tulong po tayo sa pagpapaalala sa isat isa


ukol sa kaayusan ng ating iglesya.
Huwag din po sanang magtatampo kung tayo ay
mapaalalahanan o masasaway ng ating mga church leaders,
o ng mga ushers kung panahon ng pagsamba.
At panghuli, huwag ka munang umuwi agad, kapatid!
Manatili po tayong lahat pagkatapos ng pagsamba para sa
ating Sunday School.
Para ito sa ating sama-samang paglagong espirituwal.

Sama-sama nating pagtulungan ang ating pagiging


isang sambahang lumalago,
isang sambahayang humahayo!

Tandaan: ang reklamador, walang favor!

BAGONG BAHAY, BAGONG BUHAY!


Ilang mga paalala mula sa Kawan Ni Kristo United Methodist
Church

- end spiel -

You might also like