Pang-Uri, Pang-Abay, Tayutay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o

ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang
salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri.[kailangan ng sanggunian] Ang pang-uri ay
nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga
salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.

Kayarian ng pang-uri

May apat na anyo ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:

Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda,

Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-,
kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,

Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga halimbawa: pulang-
pula,puting-puti,araw-araw gabi-gabi. hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro.

Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-
sibuyas, kapit-tuko at bahag buntot.

Uri ng pang-uri

May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:

Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip.

Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.

Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, hayop, lugar
at gawain. May panlapi itong ika- o pang-.

Pantangi-sinasabi ang tiyak na pangngalan.

Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.

Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang bilang, tulad ng


tao, bagay, pook atbp.

Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay.

Kaantasan ng pang-uri

Ang tatlong kaantasan ng pang-uri ay:

Lantay -naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.

Pahambing -nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.


Pasukdol -ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.

. PANG-ABAY Aralin 10

2. Kahulugan ng Pang-abay Istruktural na kahulugan : ang pang-abay ay makikilala dahil kasama ito ng isang
pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala. Pansemantikang kahulugan : ito ay nagbibigay-
turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-abay.

Mga Uri ng Pang-abay

Mga Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Pamanahon nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

May pananda
Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang

Halimbawa
Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan

Walang pananda
Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.

Halimbawa:
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika 40 na kaarawan.

Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.

Halimbawa:
Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.
Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang
kalusugan.

2. Pang-abay na panlunan tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa.


Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay

Sa ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.


Kay /kina ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.

Halimbawa:
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa iyong kaarawan.

3. Pang-abay na pamaraan naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.

Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Bakit siya umalis na umiiyak?
Tumawa siyang parang sira ang isip.

4. Pang-abay na pang-agam nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.

Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.

Halimbawa:
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan.
Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

5. Pang-abay na panang-ayon nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo, opo, tunay, sadya, talaga, atb.

Halimbawa:
Oo,asahan mo ang aking tulong.
Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

6. Pang-abay na pananggi nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw.


Halimbawa:
Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.
Ngunit marami pa rin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.

7. Pang-abay na panggaano o pampanukat nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na gaano o


magkano.

Halimbawa:
Tumaba ako nang limang libra .
Tumagal nang isang oras ang operasyon.

8. Pang-abay na pamitagan nagsasad ng paggalang.

Halimbawa:
Kailan po kayo uuwi?
Opo, aakyat na po ako

9. Ingklitik o paningit mga katagang lagging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan

- Mayroong 16 anim na ingklitik sa Filipino

ba daw/raw pala man

kasi din/rin tuloy muna

kaya naman nga pa

na yata lamang/lang

sana

10. Pang-abay na kundisyunal nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa

-Pinangungunahan ng kung, kapag o pag at pagka

11. Pang-abay na kusatibo tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa
- Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa

12. Pang-abay na benepaktibo tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa
pagkaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng pandiwa.

13. Pang-abay na pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil o ukol

1. Tayutay Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa,
matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
2. 3. 1. Pagtutulad(Simile) Paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Ginagamitan ng
mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
3. 4. Halimbawa : a.Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos. b.Ang tao ay gaya ng halamang nararapat
diligin
4. 5. 2. Pagwawangis(Metaphor) Isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng,
para ng, kawangis ng, animo atbp.
5. 6. Halimbawa : a. Ang ina ni Joshua ay bituing tanglaw niya sa landas ng buhay. b. Si Eugene ay isang ibong
humanap ng kalayaan.
6. 7. 3. Pagtatao(Personification) Nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay na walang talino.
Pandiwa ang ginagamit dito.
7. 8. Halimbawa : a. Lumuluha ang liham na natanggap ni Carlo. b. Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap.
8. 9. 4. Eksaherasyon(Hyperbole) Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay,
pangyayari atbp.
9. 10. Halimbawa : a. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati. b. Nabutas ang bambam ng tainga ni Popot
dahil sa ingay.

You might also like