Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PAMPAROKYANG PAGDIRIWANG NG

LIVING ROSARY
Ika- 19 ng Oktubre, 2017

UNANG MISTERYO NG LIWANAG: ANG PAGBIBINYAG KAY HESUS

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong mga panahong iyon; Dumating si Jesus sa Ilog Jordan mula


sa Galilea upang magpabautismo kay Juan. Ngunit tumututol si Juan at
patuloy na sinabi, "Ako po ang dapat magpabautismo sa inyo! Bakit kayo
nagpapabautismo sa akin?" Subalit sumagot si Jesus, "Hayaan mong ito
ang mangyari ngayon; sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang
matupad ang kalooban ng Diyos." Kaya't pumayag din si Juan. Nang
siya'y mabautismuhan, umahon si Jesus sa tubig. Biglang nabuksan ang
langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang
isang kalapati at dumapo sa kanya. At isang tinig mula sa langit ang
nagsabi, "Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!"

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

INTENSYON
Ialay natin ang unang misteryong ito para sa ating Inang Simbahan, para
sa ating Banal na Papa Francisco, kay Obispo Jose, sa mga Kaparian lalo
na sa ating mga Pastol na sina Fr. Elmer at Fr. Romi, mga Relihiyoso at
mga laykong namumuno sa ating pamayanan. Upang higit pang hubugin
ng Diyos ang kanilang mga buhay na nakalarawan kay Hesus sa Banal na
Eukaristiya at upang makapaglingkod sila sa mga mananampalataya
nang may higit na katapatan, may higit na kababaang loob at higit na
pagmamahal.
IKALAWANG MISTERYO NG LIWANAG:
ANG HIMALA SA KASALAN SA CANA, GALILEA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nang ikatlong araw, nagkaroon ng kasalan sa Cana sa Galilea at


naroon ang ina ni Jesus. Inanyayahan din sa kasalan si Jesus at ang
kanyang mga alagad. At nang kinulang ang alak, sinabi ng ina ni Jesus sa
kanya, Wala na silang alak. Kaya't sinabi ni Jesus sa kanya, Ginang,
ano'ng kinalaman nito sa akin at sa iyo? Hindi pa ito ang aking
panahon. Kinausap ng kanyang ina ang mga lingkod, Gawin ninyo ang
anumang sabihin niya. Mayroon doong anim na banga na ginagamit ng
mga Judio sa paglilinis ayon sa Kautusan. Ang bawat isa ay maaaring
maglaman ng dalawampu hanggang tatlumpung galong tubig. Sinabi ni
Jesus sa kanila, Punuin ninyo ng tubig ang mga banga. Kaya pinuno nga
nila ang mga ito hanggang halos umapaw. At sinabi ni Jesus sa kanila,
Ngayon, kumuha kayo, at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.
Kaya iyon nga ang ginawa nila. Tinikman ng namamahala ng handaan
ang tubig na naging alak na. Dahil hindi niya alam kung saan ito
nanggaling, bagama't alam ng mga lingkod na kumuha ng tubig, tinawag
niya ang lalaking bagong kasal at sinabi sa kanya, Karaniwang inihahain
muna ng tao ang mataas na uri ng alak, at saka pa lamang ihahain ang
mababang uri nito kapag ang lahat ay lasing na. Ngunit ngayon mo
lamang inilabas ang mataas na uri ng alak. Ito ang unang himalang
ginawa ni Jesus. Nangyari ito sa Cana ng Galilea at sa gayo'y ipinahayag
niya ang kanyang kaluwalhatian.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


INTENSYON

Ialay natin ang ikalawang misteryo na ito para sa ating Bayan, gayundin
atin ding idalangin sa Panginoon ang mga namumuno sa pamahalaan at
mga lingkod-bayan, at iba pang naglilingkod sa mga tanggapang
pampubliko. Naway Ingatan sila ng Mabathalang pagmamahal ng Diyos.
Hilingin rin natin sa Panginoon, na sa pamamagitan na rin ng
panalangin ng ating Mahal na Ina na ipamagitan sila at gabayan sa
pagsunod sa mga pamamaraan ng Diyos sa diwa ng katarungan,
katotohanan , tamang pagpapasya at pagmamahal.
IKATLONG MISTERYO NG LIWANAG:
ANG PAGPAPAHAYAG NG PAGHAHARI NG DIYOS

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Markos

Noong mga panahong iyon ; pagkadakip kay Juan, pumunta si Jesus


sa Galilea. Doon niya ipinahayag ang magandang balita ng Diyos sa
pagsasabing Sumapit na ang panahon; magbagong-buhay at maniwala
sa magandang balita; Malapit na ang pagdating ng Kaharian ng Langit.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

INTENSYON
Ialay natin ang ikatlong misteryong ito para sa lahat ng Pamilyang
Pilipino: Naway ipanalangin natin sa Diyos na manatili silang nagkakaisa
at nagkakasundo sa kanilang pananampalatayang Kristiyano at sa tulong
ng buong pamayanan. Naway hubugin ng mga magulang ang kanilang
mga anak ayon sa turo ng Panginoong Hesus Jesus at ng Simbahang
kanyang itinatatag. Sa pamamagitan ng mga panalangin ng Mahal na
Birheng Maria at ng kanyang kalinis-linisang esposo na si San Jose ay
matulad sila sa tahanan Banal na Mag-Anak sa Nazareth na
pinagbubuklod ng pag-ibig.
IKA-APAT NA MISTERYO NG LIWANAG:
ANG PAGBABAGONG-ANYO NI HESUS

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago


at ang kapatid nitong si Juan, at sila'y kanyang dinala na walang
kasamang iba sa isang mataas na bundok. At nagbagong-anyo siya sa
harapan nila, nagliwanag ng tulad sa araw ang kanyang mukha, at naging
parang ilaw sa kaputian ang kanyang mga damit. At doon ay nagpakita
sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa kanya. Sinabi ni Pedro
kay Jesus, Panginoon, mabuti at naririto tayo. Kung nais mo po, gagawa
ako ng tatlong tolda, isa para sa iyo, isa kay Moises, at isa kay Elias.
Nagsasalita pa siya noon nang napailalim sila sa isang maningning na
ulap, at isang tinig mula roon ang nagsabi, Ito ang minamahal kong
Anak; sa kanya ako'y lubos na nasisiyahan. Siya ang inyong pakinggan.
Nang marinig ito ng mga alagad, napasubsob sila at labis na natakot.
Subalit lumapit si Jesus at sila'y hinawakan. Sinabi niya, Bumangon kayo
at huwag kayong matakot. Pagtingin nila ay wala silang nakitang
sinuman, kundi si Jesus lamang.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


INTENSYON

Ialay natin ang ika-apat na misteryong ito para sa ating parokya: Upang
maghari ang kapayapaan ni Kristo sa bawat isa sa atin, maging
mapagpatawad at manatiling magkakabuklod sa di-makasariling
pagmamahal. Hilingin natin sa ating Ina na si Maria at sa ating
Minamahal na Patron na si Santiago Apostol, na patuloy tayong
ipanalangin sa Diyos upang magkaroon tayo ng lakas ng loob na
maipangaral si Kristo sa ating lipunan, kakitaan ng tunay na
pagmamahal sa isat- isa at maging huwarang tagapagbuo ng
pamayanang nakasentro sa Diyos.
IKALIMANG MISTERYO NG LIWANAG:
ANG PAGTATATAG NG BANAL NA EUKARISTIYA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong gabi ng Bisperas ng Paskuwa, dumulog si Jesus sa hapag


kasama ng labindalawa ; Habang sila ay kumakain, kinuha ni Jesus ang
tinapay. Nagpasalamat siya sa Ama, pinagputul-putol iyon at ibinigay sa
kaniyang mga alagad. Sinabi niya: Kunin ninyong lahat at kanin. Ito ang
aking katawan.
Kinuha niya ang kalis at nang makapagpasalamat, ibinigay niya ito sa
kanila. Sinabi niya: Tanggapin ninyong lahat ito at inumin. Ito ang
aking dugo ng bagong tipan. Nabuhos ito para sa kapatawaran ng mga
kasalanan ng marami. Ngunit sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ay hindi
na ako iinom ng katas ng ubas hanggang sa maipanumbalik ko ang aking
pag-inom nito sa paghahari ng aking Ama.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

INTENSYON
Ialay natin ang ikalimang misteryong ito para sa kaluluwa ng ating mga
mahal na yumao lalot higit yaong mga walang nakaka-alala at
nangangailangan ng Awa ng Diyos; Upang puspusin ng pagmamahal ang
ating pag-alaala sa kanila at maipahayag natin ito hindi lamang sa
pamamagitan ng taimtim na pagdarasal kundi sa pamamagitan rin
naman ng paggawa ng mabuti. Ipanalangin natin sa ating Mahal na
Birheng Maria, ang Reyna ng Kabanal-banalang Rosaryo, na patuloy
silang ipamagitan upang lubusan na nilang masumpungan ang
kapayapaan at kapahingahan sa Kaharian ng Ama sa langit na siyang
tunay nating tahanan.

You might also like