Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

YUNIT: IV Ang Pamumuhay sa

Panahon ng Ikatlong Republika


(1946-1972)

ANG PILIPINAS BILANG


ISANG GANAP NA
ESTADO
Mababasa sa maraming aklat sa kasaysayan
na ang Pilipinas ang unang bansa sa Asya na
ngakamit ng kalayaan mula sa kamay ng mga
kanluraning mananakop. Sinasabing nakamit ng
mga bansa ang kasarinlan noong pang Hunyo 12,
1898.
Ngunit marami ring nagsasabing ang Pilipinas
ay hindi pa ganap na malaya noong 1898, sapagkat
hindi pa ito maituturing na isang estado.
Ano nga ba ang estado?
Ang estado ay isang komunidad na binubuo
ng mga mamamayang naninirahan nang palagian
sa isang teritoryo, may sariling pamahalaan, at
malaya sa kapangyarihan ng anumang bansa.
Batay sa kahulugan, apat ang sangkap o
elemento ng isang estado: populasyon,
teritoryo, pamahalaan at soberanya.
Ang Pagsilang ng Isang
Ganap na Republika
Ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
ay nagpatuloy sa bago nitong himpilan sa
Washington D.C. sa Estados Unidos kahit
napasailalim ang bansa sa kapangyarihan ng
mga Hapones. Si Quezon ay nanungkulan
bilang pangulo ng Komonwelt hanggang sa siya
ay mamatay. Humalili sa kanya ang
panagalawang pangulong si Sergio Osmena.
Tinupad ng Estados Unidos ang pangako
nitong pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas tulad
ng itinatadhana sa Batas Tyding McDuffie. Nang
mamatay si Pang. Roosevelt noong ika-12 ng Abril,
1945 ay humalili sa kanya ang pangalawang
pangulong si Harry Truman. Ipinagpatuloy ni
Truman ang programa para sa Pilipinas noong ika-
4 ng Hulyo 1946, gaya ng ipinangako ng Estados
Unidos.
Kaugnay nito ay ipinahayag din ni
Truman ang ang pangako ng Estados
Unidos na tututlungan ang Pilipinas sa
pagpapanibagong-tatag nito
pagkatapos ng matinding dagok na
dinanas sa nagdaang digmaang
pandaigdig.
Kaya naman noong Hulyo 4, 1946 ay
ipinahayag ni Harry S. Truman ang kasarinlan ng
Pilipinas. Ganap ng inalis ang Pilipinas sa
kapangyarihan ng mga Amerikano at tuluyan nang
nagsarili ang Pilipinas bilang isang republikang
nag-aangkin ng ganap na soberanya bilang
estado. At bilang tanda ng pagpapahayag ng
kasarinlan ng Pilipinas ay binasa ni Paul V.
McNutt, ang pahayag ni Truman na nagsasabing:
the United States of America hereby withdraws
and surrenders all rights of possession, supervision,
jurisdiction, control of sovereignty now existing and
exercised by the United States of America and in over
the territory and people of the Philippines and on
behalf of the United States of America, I do hereby
recognize the independence of the Philippines as a
separate and self governing nation and acknowledge the
authority and control over the same of the Government
instituted by the people thereof under the constitution
now and in force
Pagkatapos nito ay binaba ang
bandilang Amerikano at itinaas ang
bandilang Pilipino bilang tanda ng
pagwawakas ng kapangyarihan ng Estados
Unidos sa Pilipinas at ang pagsisimula
naman Pilipinas bilang isang ganap na
estado na ngayoy kabilang na sa mga
bansang malaya at nagsasarili.
Ang pamamahala ng Ikatlong Republika
ay nagsimula noong taong 1946 at nagtapos
noong taong 1986. Sa loob ng apat na
dekada ng Ikatlong Republika, ang bansa ay
pinamahalaan ng anim na pangulo kung
saan ang bawat isa nagsasagawa ng ibat-
ibang patakaran at programa para sa higit na
ikasusulong at ikabubuti ng bansa.

You might also like