Linggwistika

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Ang wikang Hapones[2] o wikang Hapon[2] o wikang Nipongo o wikang Nihongo ay

isang wikang sinasalita ng mahigit sa 130 milyong katao, karamihan sa bansang Hapon at

sa mga komunidad ng mga Hapones sa buong mundo.

Ang Hapones ay sinusulat sa magkahalong tatlong magkakaibang uri ng sulat: ang Kanji,

at ang dalawang baybaying sulat, ang Hiragana at Katakana. Ang alpabetong Latino,

o Rmaji, ay kadalasang ginagamit ng mga makabagong Hapones, lalung-lalo na sa mga

pangalan ng kompanya at mga logo, patalastas, at kung ipapasok ang mga salitang Hapon

sa kompyuter.

Ang talasalitaan ng Hapones ay labis na naimpluwensiyahan ng mga hiram na salita

galing sa ibang wika. Malaking bilang ng mga salita ay hiniram sa wikang Tsino, o

hinango sa wikang Tsino. Simula noong huling bahagi ng ika-19 siglo, ang Hapones ay

humiram ng mga salitang galing sa Wikang Indo-Europeo, lalo na ang Ingles.

Dahil din sa espesyal relasyong kalakalan sa pagitan ng Hapon at Olandes noong ika-17

siglo, Ang wikang Olandes din ay naging impluwensiyal, tulad ng mga

salitang bru (galing sa bier; "serbesa o beer") at kh(galing sa koffie; "kape") na

nagmula sa wikang Olandes.

Mas nauna ang mga Portuges at malimit sila sa Hapon noong ika-16 siglo at ika-17 siglo.

Ang impluwensiya nila sa Hapon ay mga salitang katulad ng tempura at tabako.

Mga pag-aaral ng mga linggwistang Pilipino

Si Cecilio Lopez ay ang pinakaunang linggwistang Pilipino. Natapos niya ang kanyang

Ph.D sa Linggwistiks sa Unibersidad ng Hamburg noong 1928. Sinulat niya noong 1940
ang kanyang gramatika ng wikang Tagalog matapos iproklama ang Tagalog bilang

batayang wika sa wikang pambansa. May mga humigit-kumulang 30 na pag-aaral ang

naisagawa ni Lopez tungkol sa mga ponolohiya, morpolohiya, sintaks ng mga wika sa

Pilipinas mula 1928 hanggang 1967. Tinalakay rin niya ang leksikon sa Tagalog at Malay

at ang pangkalahatang katangian ng mga wika sa Pilipinas.

Isa pang kilalang linggwista sa Pilipinas ay si Ernesto Andres Constantino. May mga 11

na artikulo kanyang naisulat mula 1959 hanggang 1970. Isinulat niya noong 1964 ang

"Sentence patterns of the ten major Philippine languages" na naghahambing sa istruktura

ng mga pangngusap sa Tagalog, Waray, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Tausug, Ilokano,

Ibanag, Pangasinense, Kapampangan. Sa 1965 lumabas ang kanyang "The sentence

patterns of twenty-six Philippine languages." Tinatalakay dito ang uri ng mga

pangungusap batay sa mga istruktura na bumubuo nito at ang mga kaukulang

transpormasyon. Ikinumpara rito ang mga major na wika at ang iilang maynor na wika

tulad ng Abaknon, Bolinao, Botolan, Isinai, Itbayat, Itneg, Ivatan, Malaweg, Manobo,

Sama Bangingi, Igorot, Tausug, Ternate, Tingguian, Ylianon, at Yogad.

Noong 1970 ay sinulat niya ang "Tagalog and other major languages of the

Philippines" na naglalahad ng deskripsyon at ebalwasyon sa mga naisagawang pag-aaral

sa linggwistika ng Pilipinas mula sa panahon ng mga Kastila hanggang 1970. Lumabas

ang pre-publication na isyu ng kanyang English-Filipino Dictionary noong 1996 at noong

1997 naman ay lumabas ang Diskyonaryong Filipino-Ingles. Bukod nito nasulat rin niya

ang sumusunod na mga bilinggwal na diksyonaryo sa Ingles at Ilocano, Aklanon, Bikol,


Cebuano, Kapampangan, Kinaray-a, Pangasinan, Romblomanon, Sambal, Waray-waray,

Tausug, at ang Comparative dictionary of Tagalog.

Si Consuelo Joaquin. Paz ay sumulat ng deskripson at ebalwasyon sa mga naunang pag-

aaral sa humigit-kumulang 50 na maynor na wika sa Pilipinas, kabilang na nito ang Agta,

Aklanon, Binukid, Dibabaon, Itbayat, Kankanay, Kalinga, Kinaray-a, Mansaka,

Mamanwa, Manobo, Tagakaolo, Tagabili, Tausug,Yogad. Kasali rin ang Bagobo, Bontoc,

Bilaan, Chavacano, Kuyunin, Dumagat, Gaddang, Ibanag, Ifugao, Ilongot, Isinay, Itawis,

Ivatan, Magindanao, Maranao, Mangyan, Nabaloi, Sambal, Sangir, Subanon, Tiruray,

Tagbanwa, at Yakan. Isa pang malaking ambag ni Paz sa linggwistika sa Pilipinas ay ang

kanyang historikal na pag-aaral na pinamamagatang "A Reconstruction of Proto-

Philippine Phonemes and Morphemes" (1981).

Si Fe Otanes ang katuwang na awtor ni Paul Schachter sa pagsulat ng gramatika ng

wikang Tagalog (1972) na nakatulong sa maraming iskolar sa larangang ito. Sumulat din

ng gramar sa Ivatan si Hidalgo at Hidalgo; si Barlaan sa Summer Institure of Linguistics

(SIL) sa Isneg; si Bunye at Yap, Luzares at Rafael, Doroteo, at Trosdal sa Cebuano. Si

Viray ay may ginawa ring komparatib na pag-aaral sa mga gitlapi sa mga wika sa

Pilipinas

Si Teodoro Llamzon ay gumawa rin ng pag-aaral sa ponolohiya at sintaks ng Tagalog.

Nalimbag ang dalawa niyang klasipikasyon sa mga wika sa Pilipinas (1966 at 1969).

Maliban dito ay tinuonan din niya ng pansin ang debelopment ng pambansang wika at

ang pagplano nito. May mga ilang artikulo din siyang naisulat tungkol sa pagtuturo ng

wika.
Ang iilan sa mga iskolar na tumatalakay sa mga palisi at pagpaplano ng wika at sa

wikang pambansa, bilinggwalismo at nasyonalismo ay sina Andrew B. Gonzalez,

Bonifacio P. Sibayan, Pamela C. Constantino. Sina Ma. Lourdes Bautista, Emy Pascasio,

Jonathan Malicsi, Zeus Salazar, Casilda Luzares ay nagbibigay pansin naman sa

sosyolinggwistiks.

Sa larangan ng leksikograpiya, maraming Pilipinong iskolar ang namumukod. Isa na rito

si Jose Villa Panganiban na sumulat ng mga diksyonaryong sumusunod: English-Tagalog

vocabulary (1946), Talahulugang Tagalog-Ingles (1952-64), Tesauro diksiyonaryo

Ingles-Pilipino (1965-66), Talahulugang Pilipino-Ingles (1966), Concise English-

Tagalog dictionary(1969), Diksiyunaryong Pilipino-Ingles (1970), Diksyunaryo-tesauro

Pilipino-Ingles (1972),Comparative semantics of synonyms and homonyms in Philippine

languages (1972).

Si Julio Silverio ay gumawa ng mga diksyonaryo sa Ingles-Pilipino-Ilocano, Ingles-

Pilipino-Pangasinan, Pampango-Pilipino-Ingles noong 1976; Pilipino-Pilipino, Bicolano-

Pilipino-Ingles, Ingles-Pilipino-Bicolano noong 1980. Si Mario Tunglo ay gumawa ng

trilinggwal na diksyonaryo sa Ingles-Pilipino at Ilocano, Bicolano, Cebuano, Ilongo,

Maranao, Pampango, Pangasinan, Waray at ng bilinggwal Ingles-Pilipino, Pilipino-Ingles

mula 1986 hanggang 1988.

Ang iba pang mga diksyonaryo na nagawa ng mga Pilipinong iskolar sa panahong ito ay

ang mga sumusunod: Tagalog/Pilipino -Tagalog-Ingles o Ingles-Tagalog -Anacleto,

Buhain, Daluz, Jacobo, Ignacio, Laya at Laya, de Leon, Mallari at Tablan, Aldave-Yap,

Manalili, Macapinlac at de Dios; English-Tagalog-Spanish, de Guzman atbp, Ignacio;


Kastila-Tagalog, Paglinawan; Nippongo-Pilipino, Verzosa; English-Tagalog-Ilokano

-Calderon, Calip, Calip at Resurrection, Silverio, Dagdagan, Cacdac at Cacdac; Ingles-

Espaol-Ilocano-Pangasinan, Garcia; English-Tagalog-Ilokano-Visayan, Dizon; Espaol-

Ilocano -Pacifico; Cebuano -Bas, Bunye at Yap, Cabonce, Cuenco, Custodio, Trosdal;

English-Visayan-Spanish, Gullas; English-Visayan-Tagalog, Hermosisima at Lopez,

Rudifera, Guerrero, Jamolangue; Bikol -Belen, Imperial; Ingles-Bikol-Castila, Dato;

Pampango-Castellano-Ingles -Dimalanta atbp; English-Tagalog-Pampango, Manalili at

Tamayo; Hiligaynon-English -Maroma, Motus; English-Tboli-Pilipino-Hiligaynon,

Gendulan; Waray-waray-Pilipino, Andrada; Subanu-Visayan-Spanish-English, Lagorra;

Sindangan Subanon-Cebuano-Pilipino-English, Guilingan atbp; Matigsalug Manobo,

Manuel; Bilaan, Macabenta; Gaddang -Calimag; Tausug, Usman; Chabacano-English-

Spanish, Camins at Riego de Dios.

Lumabas noong 1995 ang komprehensibong English-Pilipino Dictionry nila Vito C.

Santos at Luningning E. Santos. Ito ay may 20,000 main entries na napaloob sa mahigit

1,600.

Sa larangan naman ng anthropological linguistics, si Dr. Prospero R. Covar ay may pag-

aaral tungkol sa Balarila ng Wika (hindi pa nalimbag). Dito ay kanyang dinadalumat ng

kulturang Tagalog sa pamamagitan ng wika.

Ang listahang ito sa linggwistik na mga pag-aaral ay hindi kompleto. Gayun pa man,

maaring naipakita sa pamamagitan nito ang mga debelopment sa pag-aaral ng mga wika

sa Pilipinas mula sa panahon ng mga Kastila, sa rehimen ng mga Amerikano, at sa


kontemporaryong panahon kung saan ang mga Pilipino mismo ang nag-aaral sa sarili

nilang mga wika.

Linggwistiks at ang isyu ng wikang pambansa

Ang wikang pambansa ay matagal nang naging isyu sa kapuluan ng Pilipinas na

mayroong mahigit sa isangdaang etnolinggwistikong grupo. Ang usaping ito ay

nagsimula noong 1908 pa kung kailan ipinasa ang panukalang batas na nagtakda sa

pagtatag ng Institute of Philippine languages at ang pagsasanay sa mga guro sa gawaing

ito. Tinanggihan ito sa Asembleya sa pamamagitan ng kanilang kinatawan na si Leon Ma.

Guerrero na nagpahayag sa kanilang desisyon na wikang dayuhan, sa halip na katutubong

wika, ang tugon sa pangangailan ng isang komon na wika sa Pilipinas.

Gayun pa man, iminungkahi ni G. Butte, ang ex-officio na Kalihim sa Instruksyong

Pampubliko noong 1931, na gamitin ang bernakular bilang wikang pangturo sa mga antas

I hanggang IV sa elementarya. Itinaguyod ito ni Representante Manuel V. Gallego sa

kanyang pagpasa sa Panukalang Batas Bilang 588 na nagtakda sa wikang bernakular

bilang wikang panturo sa elementarya at sekondarya sa lahat ng paaralang pampubliko.

Tinalakay ang isyu ng wikang pambansa sa Kombensyong Konstitusyonal noong 1935 at

itinakda sa Seksyon 3 Artikulo XIII ang pagdebelop ng isang wikang komon batay sa

mga sinasalitang wika sa Pilipinas. Tinatag ang National Language Institute noong

Nobyembre 13, 1936 alinsunod sa Commonwealth Act Bilang 184 at inatasang gampanan

ang isinasaad sa Sek. 3 Art XIII. Noong 1937 inirekomenda ng Institute ang Tagalog

bilang wikang pambansa. Tinawag itong Pilipino ng Kagawaran ng Edukasyon noong


1959. Sa pasukan ng taong 1974-75, gradwal na ipinatupad ang paggamit ng Pilipino

bilang wikang panturo sa mga sabjek na Rizal at Kasaysayan sa mga unibersidad at

kolehyo. Inumpisahan ng Board of National Education noong Agosto 7, 1973 ang

bilinggwal na programa sa edukasyon --ang paggamit sa bernakular sa Grade I at II,

Pilipino sa Grade III at IV, at Pilipino at Ingles sa hayskul at kolehyo.

Itinakda sa Konstitusyon ng 1973 na itaguyod ng National Assembly ang pagdebelop at

ang pormal na pagtanggap sa komon na wikang pambansa na tinaguriang Filipino.

Itinakda rin sa Konstitusyon ng 1987 na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino;

habang ito ay nililinang, dapat itong payamanin at palaguin batay sa mga wikang

ginagamit sa Pilipinas.

Ano ba ang Filipino? Ito ba ay Pilipino o Tagalog? Ito "ang tinatawag naming lingguwa

prangka o Filipino" (Constantino, 1966: 180), "ay isang wikang kompromiso," (Atienza,

1996), "ang kulturang popular na nagmula sa Metro Manila at pinalaganap sa buong

kapuluan" (Flores, 1996), "ang English-Tagalog code switch (Cruz, 1997). Kapansin-

pansin ang pagkakaisa ng mga pahayag na ang Filipino ay ang kasalukuyang lingua

franca sa Metro Manila na lumalaganap sa mga sentro ng mga rehiyon sa pamamagitan

ng radyo, telebisyon, diaryo, sa mga kanta ng mga lokal na rock band. Ginagamit na rin

ito bilang wika sa akademya.

May kaibhan ba ang Filipino sa Pilipino? Ipinahayag ni Dr. Ernesto Constantino ang

kaibhan sa dalawa: (1) Mas marami ang tunog o ponema ng Filipino; (2) magkaiba ang

ortograpiya nila; (3) maraming hiram na salitang Ingles ang Filipino; (4) iba ang

gramatikal na konstruksyon sa Filipino.


Hindi maipagkaila ang kahalagahan ng linggwistiks sa pagdebelop ng wikang pambansa.

Ang syentipikong pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas ay mahalagang hakbang tungo sa

isang komon na wika. Ang pagsusuri ng mga cognate set sa ibat ibang wika ay

magbibigay ng komon na leksikon. Ang paghahambing ng mga tunog ay magpapalawak

ng saklaw sa ponolohiya. Ang pagsusuri ng mga morpema -mga salitang ugat at mga

panlapi, sa ibat ibang wika ay magpapaunlad at magpapayaman sa pambansang wika.

Ang pagkukumpara sa sintaks ay maglalahad ng lalong akmang kabagayan sa mga

konstruksyon na napaloob sa isang pangungusap At dahil ito ay katipunan ng mga wika,

itataguyod ito ng mga etnolinggwistikong grupo. Yayabong at uunlad ang wikang

pambansa sa pamamagitan ng linggwistiks.

Marami nang pag-aaral ang naisagawa sa linggwistiks sa Pilipinas mula 1898 hanggang

1998. Guyun pa man, marami pa ring pag-aaral ang dapat isagawa sa larangan ng

morpolohiya, semantiks, sosyolinggwistiks, sikolinggwistiks, dayakronik o ebolusyon at

pagbabago ng mga wika, at maging sa ugnayan ng wika at kultura. Kailangan rin ang

komaparatib na pag-aaral upang maisulong ang wikang pambansa na maituring na

talagang hango sa ibat ibang wika sa Pilipinas.

Marami ang gamit ng wika. Maaaring para sa ating pagpapahayag ng pangangailangan o

sa kawalan kaya ng pisikal na na larawan, madalas na lumilikha tayo ng patern sa wika na

baligho sa sistema nito. Dala ng kakaibang tunog na paguulit-ulit ng mga vocoids o

contoids ay nasisiyahan at nagagalak tayo. Maaaring itoy instrumento ng ating iniisip na

ideya o maaaring itoy buklod ng mga miyembro ng isang lipunan o isang bansa.

Maaaring sa pamamagitan ng wika ay maimpluwensiyahan o mabago ang pag-iisip o


kilos ng mga tao o tumulong sa kooperasyon at koordinasyon ng mga tao. Marami pa

marahil tayong maidaragdag na gamit nito sa komunikasyon.

Sa pamamagitan ng wika, naisasalin natin ang mga impormasyon mula sa isang tao tungo

sa isa pang grupo ng mga tao na karaniwang sinusuklian ng reaksiyon. Tagapagsalita ang

tawag sa una at takapakinig ang pangalawa. Ang wika ay binubuo ng mga makabuluhang

mensaheng ipinahihiwatig sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga ponema na

bubuo sa mga morpema o salita kaya. Bagamat naging kalakaran noong unang panahon

ang paggamit ng maligoy na pananagalog, sa kasalukuyang pagbabagong bihis ng wika,

binibigyang-diin ang pinakamadali at pinaka-ekonomiko o matipid na pagsasalita.

Palibhasa likas namang mahalaga ang kahulugan o mensahe at hindi ang pagkamaligoy

ng mga pangungusap. Karaniwan nang ito ang nagtatakda ng haba at kaayusan ng mga

istrakturang panglingguwistika, gaya ng salita, relasyon ng mga tunog sa kapwa tunog,

relasyon at haba ng mga parirala at sugnay na bumubuo ng isang pangungusap.

Anot ano man ang katangian ng uri ng paggamit ng isang wika para sa malinaw na

komunikasyon ang laging hangarin pa rin ng nagsasalita ang maintindihan siya. Base sa

gamit sa komunikasyon ng wika, maaaring ang wika ay isang lingua franca ng dalawang

taong kabilang sa dalawang magkaibang speech community o kayay multi-lingual na

komunidad. Tinatawag din na wika ng interkomunikasyon ang lingua franca. Noong

panahon ngAntiquidad, ang lingua franca sa buong Meditterenean at Kanlurang Europa

ay ay Griyego subalit noong Middle Ages ay Latin. Ang opisyal na kinikilalang lingua

franca ngayon sa daigdig ay Ingles, Pranses, Aleman. Sa Rusya, Ruso kahit na hindit ito

katutubong wika sa mga Ruso.


[ikalawang grupo]

Sa Pilipinas, dalawang klase ng lingua franca ang matatagpuan ang tinatawag

na rehiyonal na lingua franca at ang nasyonal o pambansang lingua franca. Makikita

ang pagkakaibang ito sa sumusunod na ilustrasyon: Sa Aritao, Nueva Vizcaya, maaaring

sa loob ng isang bahay ay Isinay ang wikang ginagamit dito. Ito ang tinatawag na Una o

Inang Wika (First Language o Mother Tongue). Ngunit paglabas ng bahay, ang

gagamitin na ay Ilokano maliban kung ang kausap ay marunong din ng Isinay. Kahit na

lumayo pa siya sa lugar na ito at makaabot pa ng Benguet na parte pa rin ng Northern

Luzon, Ilokano pa rin ang kinakailangan niyang gamitin (kung marunong siya ng

Ilokano) upang mas madali ang komunikasyon. Ang wikang ito ang tinatawag na

rehiyonal na lingua franca. Ito ang komon na sa rehiyong ito na ibat iba rin ang wikang

sinasalita. Ngunit kung wala na siya sa rehiyong ito, halimbawa ay nagpunta na siya sa

Central Luzon o maging sa Bisaya at Mindanao at hindi siya marunong ng Cebuano at

hindi rin marunong ng Ilokano ang kausap niya, kung hindi Ingles ay Filipino ang

gagamitin niya. Ito ang tinatawag na nasyonal o pambansang lingua franca. Ingles ang

gagamitin niya kung ang kausap niya ay hindi masyadong matatas sa Filipino o ayaw

gumamit nito lalo na sa mga mataas ang pinag-aralan. Filipino ang gagamitin niya kung

ang kausap niya ay hindi marunong o matatas sa Ingles o hindi nakapag-aral. Filipino at

hindi Tagalog ang gagamitin niya bagamat batayang istruktura ng Filipino ang Tagalog.

Filipino ito sapagkat ang sinasalita niya ay hindi gaya ng sinasalita ng mga taal na
Tagalog gaya ng mga taga-Bulacan at Batangas kundi ang paggamit niya dito ay di-

Tagalog.

[ikatlong grupo]

Ang lingua franca kapag kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa

isang bansa ay nagkakaroon ng magandang posisyon upang mabilis na mapaunlad.

Karaniwan nang isinasabatas ang pagkilala dito at tinatawag na pambansang wika.

Kadalasan nang nagkakaroon ng kaguluhan sa pagpili ng pambansg wika lalo na kung

ang pagpilian ay halos prestihiyosong mga wika. Ang pagtanggap o pagtakwil sa wika

bilang isang wikang pambansa ay nagkakaroon ng sosyo-politikal na implikasyon.

Sapagkat mahirap na tanggapin sa isang taong matabunan ang kanyang inang wika o

itakwil kaya ito na iniisip niyang pagtatakwil na rin sa kanyang kultura at kabihasnan.

Sikolohikal ang negatibong reaksyon sa ganitong krisis at minsay politikal o racial.

Maaaring grabe sa multilinggual na lipunan ang problemang ito subalit lalong higit sa

mga bansang may dalawang wikang kandidato sa pambansang wika, hanggang ngayon

ito ang malaking problema ng Canada at Norway.

Sapagkat ang dalawang wika ay nakalilikha ng malaking suliranin sa isang bansa,

magkaminsay hinahango ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng dalawa, tatlo o higit

pang bilang ng mga wika. Ito ang nangyayari ngayon sa Pilipinas. Sa ganitong paraan ng

language planning maraming gulo ang kinakaharap. Gayunpaman sa siyentipikong


paraan, maaaring ang pambansang wikang itoy ibase sa isang wika sa pagsisimula at

saka pasukan ng elemento ng iba pang mga wika o kayay simulan sa dalawang wikang

basehan o tatlong wikang basehan.

[ikaapat na grupo]

Ang lingua franca ay maaaring maging opisyal na wika gaya ng karaniwang nangyayari

sa maraming bansa. Nangangahulugang ito ang ginagamit na opisyal na komunikasyon

ng estado sa kanyang mga mamamayan o sa ibang mamamayan at ibang bansa sa

daigdig. Maaaring politikal, sosyal, ekonomikal o kultural na transaksyon ang

nasasangkot. Maraming bansa ang may isang opisyal na wika lamang, e.g. Hapon,

Aleman na dalawa o tatlo ang opisyal na wika palibhas ang target ng estado o gobyerno

ay ang kanyang mamamayan oa ang internal na komunikasyon. Sa ganitong kalagayan ng

mga bansa, may mga interpreter para sa pakikipagtalastasan sa ibang bansa o

mamamayan ng ibang bansa.

Karaniwan din lalo na sa tunay nang malalayang bansa na ang lingua franca na siyang

opisyal na wika ang ginagamit na midyum ng pagtuturo. Liban sa mga bansang naging

biktima ng imperyalismo, ang inang wika ang pinapaborang maging midyum ng

pagtuturo sa mga paaralan sapagkat madalas na ang pagkatuto o paggamit ng banyagang

wika lalo na iyong wika ng ibang kultura ay nagkakaroon ng alienating effect sa isang

indibidwal gaya nganomie kung hindi man ng lubusang pagbabago sa sensibilidad o pag-

iisip ng isang estudyante bunga na rin sa pagkalantad sa sining, agham, teknolohji ng

ibang bansang nasasangkot.


Sanggunian:

Ramos, Jesus Fer. Ang Wika at Lingguwistika. Mula sa Wika, linggwistika at

bilinggwalismo sa Pilipinas, pahina 179-183. Maynila: Rex Book Store, c1985.

You might also like