Mitolohiyang Griyego

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mitolohiyang

Griyego: Ang
Storya ni Perseus
Submitted by: Group 2
Audrey Flores
Janna Ladao
Tristan Felicidario
Belle Ecleo
Christina Gumba
Sean De Luna
Gel Escobido
Chadrick Delamide
Ken Dy
Karl Dimapilis

Submitted to:
T. Maria Carmela A. Nuevas
Narrator: Ang Mitolohiyang Griyego ay katawan ng mga mito at katuruan ng mga
sinaunang griyego na nauukol at nagpapaliwag ng mga pinagmulan at kalikasan ng
mundo at nagdedetalye ng mga buhay at pakikipagsapalaran ng kanilang ibat
ibang mga diyos at mga Bayani. Ito rin ay isang bahagi ng relihiyon sa modernong
Gresya at sa buong mundo na kilala bilang Hellenismos.

Narrator: Ang dula na ipapakita namin sa inyo ay tungkol kay Perseus, isang bayani at
isang demigod sa Mitolohiyang Griyego.

-pupunta sa harap si Oracle of Dephi at si Acrisius-

Oracle: Sa hinaharap, ang sarili mong apong lalaki ang papatay sayo.

Narrator: Ikikukulong ni Acrisius si Danae sa chamber upang mailayo sa mga lalaki. Pero
kahit na ganto ang nangyari, natagpuan siya ni Zeus at tumibok ang kanyang puso
para sa babaeng ito.

Narrator: Palihim na pumasok si Zeus sa chamber at ginamit ang kanyang alindog


upang makuha si Danae.

Narrator: Pagkatapos manganak ni Danae, narinig ni Acrisius ang iyak nang bata at
nalaman niya na may apo na siya.
(play sound effects)

Narrator: Balak ni Acrisius na patayin silang dalawa ngunit hindi niya ito nagawa dahil
sa natakot siya na baka malaman ni Zeus. Kaya inilagay niya ang mga ito sa isang
wooden chest at ipinatapon sa dagat para sila ay malunod.

Narrator: Nakita nanaman ito ni Zeus, at kinausap ang kanyang kapatid na si Poseidon
para payapain ang tubig dagat. Pagkatapos nang ilang araw si Danae at Perseus ay
nakadating sa isla ng Serifos.

Narrator: Doon sa islang iyon, natagpuan sila ni Dictys, isang mangingisda at kapatid
nang hari ng isla at dinala sila sa kanyang bahay kung saan sila magiging ligtas.

Narrator: Lumaki si Perseus bilang isang mabuting binata sa ilalim nang pangangalaga
nang Dictys. Habang ang Haring Polydectes ay biglang napaibig kay Danae na
hanggang ngayon ay napakaganda parin kahit na maraming taon na ang lumipas.

Narrator: Ngunit hindi nais ni Danae ang kasal na ito. At dahil rito naisip ni Polydectes
na si Perseus ang dahilan kung bakit ayaw nitong pumayag. Kaya naman nakaisip siya
nang plano upang mawala sa buhay nila si Perseus.

Polydectes: Perseus, ikaw ay binibigyan ko nang isang misyon. Patayin mo ang napaka
halimaw at nakakatakot na si Gorgon Medusa, na kung sino man ang tumitig sa
kanyang mga mata ay magiging bato.
Polydectes: Dalhin mo ang kanyang ulo. At kapag ito ay nagawa mo,
mapapatunayan mo ang iyong katapagan bilang anak ni Zeus.

-magaacting si Polydectes na hindi naniniwala kay Perseus-

Narrator: Pero ang hindi alam ni Polydectes, gusto nang mga diyos at diyosa si Perseus
at tinutulungan siya nang mga ito. Binigyan siya ni Hermes nang curved sword and
isang pares nang winged sandals. Si Athena naman binigyan siya nang isang mirror na
gawa sa bronze. At si Hades naman ay binigyan siya nang isang sombrero na kung sino
man ang magsuot ay magiging invisible.

Narrator: Pagkatapos matanggap ang mga gamit na ito, sinimulan na ni Perseus ang
kanyang paglalakbay sa kweba ni Medusa sa bandang Africa.

-maglalakad lakad si Perseus na parang pagod na pagod-

Narrator: Nakita ni Perseus si Medusa na nakahiga sa kanyang kweba. At dahil suot


niya ang winged sandals kaya niyang lumipad lipad sa palibot ni Medusa. At dahil suot
din niya ang sombrero na bigay ni Hades siya ay invisible.

Narrator: Para maiwasang tumitig sa mga mata ni Medusa, ginamit niya ang salamin
na bigay ni Athena upang makalapit sa kanya at pinutol ang kanyang ulo gamit ang
sword na bigay ni Hermes.

Narrator: At dahil dito, ang matapang at matalinong Perseus ay nagawa ang mahirap
na misyon.

Narrator: Habang lumilipad siya sa Africa pabalik sa kanyang tahanan, nakasalubong


ni Perseus si Atlas na isang Titan at isang higante.

Atlas: Ikaw! Hinahamon kita na makipaglaban sa akin.

Narrator: Habang naglalaban sila ginamit ni Perseus ang ulo ni Medusa para gawing
bato ang titan. Pagkatapos nito, tinuloy niya ang kanyang paglalakbay.

Narrator: At pagkadaan niya sa kaharian nang Ethiopia nakita niya ang napakaganda
at kawa aawang dalaga na si Andromeda na nakakadena sa mga baton a inaantay
nalang na makain siya ng isang sea monster.

Narrator: Si Andromeda ay ang anak nang Hari nang Ethiopia na si Cepheus at Reyna
Cassiopeia. Isang araw, ang napakamakasariling Reyna ay ipinagyabang na mas
maganda si Andromeda sa Nereids, ang mga sea nymphs. Nagalit ang mga ito at
nagsumbong kay Poseidon. Sa galit niya, pinakawalan niya ang sea monster Cetus
para unti unting atakihin ang lupa nang Ethiopia para maiganti ang mga kanyang
mga Nereids.
Narrator: Ang desperadong Haring Cephus ay itinawag si Zeus na nagsabi sa kanya na
ang sakripisyo ni Andromeda lang ang natatanging paraan upang kumalma ang galit
na si Poseidon.

Narrator: Sapagkat, si Perseus ay natagpuan ang sarili na harap-harapan kay


Andromeda, at agad-agad ay napaibig sa kanya. Matapos ay pinatay niya si Cetus,
and sea monster.

Narrator: Idinala ni Perseus si Andromeda sa kanyang tatay na si Haring Cephus para


hingin ang kanyang permisyo na pakasalan si Andromeda. Dahil dito nagalit si Phineus
ang tito ni Andromeda, dahil sya dapat ang orihinal na papakasalan. Ginawang bato
ni Perseus si Phineus gamit ang ulo ni Medusa. At pagkatapos ay nagpakasal na si
Persues at Andromeda.

Narrator: Bumalik na ang masayang magasawa sa Serifos, sapagkat nakita nila si


Polydectes na nangangarap parin na pakasalan ang ina ni Perseus na si Danae. Dahil
dito, na sama sya sa mga tao na naging bato. Si Dictus naman ay ginawang Hari nang
mga mangigisda ng Serifos dahil sa utang na loob ni Perseus sa kanya.

Narrator: Ang mabait na Perseus ay ibinalik ang Flying Sandal, Mirror at Magical Cap
kay Hermes. Ibinigay nya din ang kanyang tropeo na ang ulo ni Medusa kay Athena.

Narrator: Ang buong pamilya ay nagdesisyon na umalis na nang Serifos upang bumalik
sa Argos nang hindi nalalaman ni Haring Acrisius. Isang araw si Perseus ay lumahok sa
isang sports competition na discus throw.

Narrator: Nang itapon ni Perseus ang discus aksidente niyang natamaan ang kanyang
lolo na si Acrisius. Ang lumang prophecy ay natuloy parin kahit na anong iwas ni
Acrisius para di ito mangyari. Nung namatay si Acrisius, ibinigay ang trono nang
kahiraang Argos kay Perseus pero sa tingin nya ay hindi sya karapatdapat na maging
hari. Kaya, ibinigay nya ang kaharian kay Megapenthes na ang kapalit ay ang dati
nyang kaharian na Tiryns.

Narrator: Si Perseus at ang kanyang asawa ay nagkaroon nang pitong anak na lalaki
at isang babae. Ang mga descendants naman nila ang naghari sa Mycenae na ang
pinakamakapangyarihan sa Peloponnese. Isa sa mga descendants na ito ay si
Hercules at ang kanyang anak na si Perses na nagsasabing naglakbay patungong
Asya para maging ancestor nang bagong race na ang Persians.

You might also like