Speech

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Magandang hapon po sa inyong lahat, ako si Daniel Sanchez, mula sa bayan ng

San Jose sa Nueva Ecija. Simula pagkabata ko, tinuruan na ako ng aking ama na
importante ang pagiging matapat sa kapwa kung nais mo ring maging matapat sila
sa iyo. Marami na akong napagdaanang mga pagsubok dahil sa hirap ng buhay.
Nakakamulat ang mga ito. Namulat ako sa mga suliranin na hanggang ngayon ay
hindi parin nalulutas. Simpleng tao lang naman ako; at simple lang din ang gusto
ko para sa bansa natin. Ang mahanapan ng solusyon ang di malutas-lutas na mga
problema na kinakaharap ng ating bayan. Ramdam na ramdam ang
diskriminasyong nangyayari sa ating bansa. Tignan niyo na lang ang paraan ng
pagresolba ng kasalukuyang administrasyon sa problema ng droga. Walang
paglilitis. Walang hustisya. Walang awang pinapatay ang mga tinuturing nilang adik
o nagtutulak. Hindi man lang sila nabibigyan ng pagkakataon na depensahan ang
kanilang sarili. Nakakalungkot isipin na binabale-wala na lang nila ang pag-
asang magbagong-buhay. Hindi na sila tinuturing bilang tao. Tila nawawala na ang
dignidad ng buhay ng tao sa karumal-dumal na pagpatay sa mga hinihinalang
gumagamit at nagtutulak ng droga. Maraming umamin at sumuko sa pamahalaan
dahil naniwala silang mabibigyan sila ng maayos na proseso ng rehabilitasyon.
PERO pinatay pa rin sila ng mga kapulisan at ng mga bidyilante. Kung titignang
mabuti, ang kadalasang nagiging biktima ng programa nila ay ang mga naghihirap
nating kababayan. Minsan, nadadamay pa ang mga kabataan. Hindi sila makalaban
at hindi sila nabibigyan ng pagkakataon para mag salita. Sa ganitong pamamaraan
ng kasalukuyang administrasyon, nababalewala ang batas at constitusyon.
Naniniwala po ako na WALANG SINUMANG tao ang may karapatan na bawiin
ang buhay ng iba. Nais kong lutasin ang problema na ito sa pagkakaroon ng
maayos at tapat na paglilitis para sa lahat, mahirap man o mayaman. Magkakaroon
din ng mahigpit na pagbabantay sa puwersa ng pulisya nang sa ganun ay maiwasan
ang mga patayang nangyayari. Sisiguraduhin namin na lilitisin ang mga pulis na
nasasangkot sa EJK. Itigil ang diskriminasyon, halaga ng buhay iangat. Kung
ihahalal niyo ako, sinisigurado kong mapagkakatiwalaan niyo ang gobyerno sa
administrasyon ko. Kaugnay nito, isasapubliko ang mga gawain ng gobyerno.
"Itigil ang pagkamalihim, impormasyon isiwalat sa bayan. Sa pagkakaroon ng
tapat at malinaw na impormasyon ukol sa ating gobyerno, makakasiguro kayong
mababawasan ang korapsyon sa ating bayan. Pag ako ay iyong ihalal, walang
ililihim ang gobyerno sa inyo. Tama na ang patayan, itama na. Tama na ang
paghihirap, itama na. Tama na ang korupsyon, itama na. Tama na ang kalokohan,
itama na. Tama na ang diskrimasyon sa isat-isa, itama na. Tama na ang taguan,
itama na. Magpakatotoo tayo sa isat-isa.

You might also like