Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Content of K to 12 Araling Panlipunan

Core Area Standard

Ito ang pinaka sentro o pinaka pundasyon ng pag-aaral tungkol sa araling panlipunan na huhubog
sa kaalaman ng bawat mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga aralin at upang sa ganoon ay
mabigyan ng parehong kaalaman ang bawat mag-aaral at huhubog sa mga bata hindi lang bilang isang
mag-aaral kundi bilang isang mabuti at maunlad na mamamayan ng bansa at daigdig.

Masasabi na epektibo ang paglinang sa kaalaman ng bawat mag-aaral kung maipamamalas ng


bawat mag-aaral ang kaalaman at kasanayan sa araling panlilipunan sa pamamagitan ng pagsasabuhay
nito bilang isang epektibo at produktibong mamamayan ng bayan, sa pagtulong sa pagsasaayos at
pagpapaunlad ng bansa at sandaigdigan. Sa tulong ng isang epektibong pag-aaral na siyang susi sa pag-
unlad ng kaalaman at kakayanan ng isang mamamayan ng bansa at daigdig na kahit saan man aspeto sila
dalahin ay madali silang makakasabay sa daloy. Pagiging makakalikasan na may wastong kaalaman at
malawak na pananaw sa pagkonsumo ng mga likas na yaman, pagkakaroon ng mabuting ugali sa
pakikitungo sa iba o pakikipagkapwa tao , at pagiging makabansa. Maipamamalas ang pagunawa sa lahat
ng aspeto ng may disiplina at matalinong pamamaraan; ang pagiging mapanaliksik sa pagtuklas isang
epektibong paraan kung paano mapapaunlad di lamang ang sarili kundi maging na rin ang bansa at
daigdig, pagiging malikhain at may mapanuring-pagiisip at may matalinong pag-iisip sa paggawa ng
desisyon o pagpapasya.

You might also like