Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines MARK LEO D.

HAPITAN
BUNGSUAN NATIONAL HIGH SCHOOL PRACTICE TEACHER, CAPSU DUMARAO
Dumarao, Capiz

LESSON PLAN SA ARALING PANLIPUNAN 8 - ONYX


Oktubre 16, 2016

I. Layunin
1. Naipaliliwanag kung paano nabuo at lumaganap ang imperyong Islam.
2. Napahahalagahan ang mga ambag sa kabihasnan ng imperyong Islam.
3. Nakapagbubuo ng grapiko sa pagbalangkas ng mga mahahalagang
kaalaman sa pag-aaral ng imperyong Islam.

II. Nilalaman
Paksa: ANG IMPERYONG ISLAM
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan Ikatlong Taon, Grace Estela C. Mateo, Ph. D., et.
al., Vibal Publishing House, Inc., 0290 Nivel Hills, Lahug,
Cebu City Philippines, p. 148-154
Kagamitan: PowerPoint Presentation, mga larawan, video clip, comic strips,
recitation card
Pagpapahalaga: pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba
Tinatayang oras: 60 minuto

III. Pamamaraan
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Balik-aral
SIMPLE RECALL
GURO MAG-AARAL
Sino ang asawa ni Justinian na Theodora
isang halimbawa ng kapangyarihan
at maimpluwensyang babae sa
panahong ito?

2. Pagganyak
JIGSAW PUZZLE
1. Hatiin ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat.
2. Bibigyan ang lahat ng mga mag-aaral ng mga bahagi ng jigsaw puzzle
na kanilang bubuuin sa pamamagitan ng pagdikit-dikit ng mga ito.
3. Bibigyan ng limang (5) minuto ang mga mag-aaral upang buuin ito
at idikit sa pisara.

MOSQUE MUSLIM
PAMPROSESONG TANONG:
1. Paano mo ilarawan ang iyong nabuong jigsaw puzzle?
2. Sa pagkakarinig ng salitang MUSLIM, alin sa mga sumusunod
ang sa tingin mo ay pinakamalapit na naglalarawan dito?
a. mga terorista
b. may malakas na pananampalataya
c. mga matatalino
d. maraming asawa
Maaaring itaas ng mga mag-aaral ang letra ng kanilang
sagot gamit ang recitation card.

1
B. PAGLINANG NG ARALIN
a. Paglalahad ng Paksa
INQUIRY-BASED LEARNING (CHALK TALK)
1. Hatiin ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat.
2. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng kopya ng paksa.
3. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng comic strips kung saan
nakasulat ang mga inihandang katanungan. Ang bawat isang comic
strip ay ididikit sa damit ng bawat myembro.
4. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng card board kung saan nila
isusulat ang sagot sa inihandang tanong.
5. Bibigyan nga sampung (10) minuto ang bawat pangkat upang
tapusin ang pagsagot sa katanungan.
6. Magtalaga ng dalawang tagabasa.
7. Ilalahad ng bawat pangkat ang kanilang mga sagot sa klase.

Inaasahang makapagganyak ang mga mag-aaral sa isang presentasyon


na makapaliliwanag kung paano nabuo at lumaganap ang imperyong Islam.
Sa pagkakataong ring ito, inaasahang higit na mapatotohanan ng mga mag-
aaral ang malaking ambag ng imperyong Islam sa kabihasnan.

PAMANTAYAN
TAMANG MGA KASAGUTAN 50%
KOOPERASYON 30%
KATAHIMIKAN 10%
MALINAW NA PAGBASA SA MGA SAGOT 10%
Kabuuan 100%

PAMBUNGAD

GURO MAG-AARAL
Ano ang Islam? Ang Islam ay relihiyong itinatag ni
Muhammad noong ikapitong siglo.
Ayon sa kanya, sya ay
nakatanggap ng banal na
pagbubunyag upang sya ay
maging sugo ng tunay na diyos na
si Allah.

Ano ang ibig sabihin ng Islam? Ang ibig sabihin ng Islam ay


pagpapasailalim sa kalooban
ni Allah.

Ano ang Hegira? Ang Hegira ay paglikas ni


Muhammad sa Medina noong 622
CE.

Ano ang Kaaba sa Mecca? Ito ay sentro at Banal na


Dambana ng Islam. Itinanghal ni
Muhammad noong 630 CE.

Kailan namatay si Muhammad? Namatay si Muhammad


noong 632 CE.

ANG PAGKABUO NG IMPERYONG ISLAM


Ang malakas na pananampalataya ay dahilan kung bakit mabilis na
lumaganap ang Muslim.

2
GURO MAG-AARAL
Anu-ano ang tatlong imperyo
Umayyad Caliphate
ng Muslim?
Abbasid Caliphate

Ottoman Caliphate

Ano ang pagkakaiba ng caliphate
Caliphate sistema ng

sa caliph? pamahalaan ng Muslim

Caliph pinuno ng
pamahalaang Muslim

Ano ang Umayyad Caliphate? Ito ang unang caliphate ng mga


Muslim. Itinatag ito noong 661 CE.

Sinu-sino ang mga unang apat na Abu Bakr


caliph ng pamayanang Muslim?
Uthman

Omar

Ali

Anu-ano ang dalawang Shia naniniwalang ang kamag-


pamayanang Muslim? anakan ni Ali lamang ang may
karapatang maging caliph. Sunni
naniniwalang ang caliph ay
hindi lamang dapat magmula sa
mga kamag-anakan ni Ali.

Kailan itinatag ang Abassid


Caliphate? Itinatag noong 762 CE.

Ano ang Seljuk Turk? Isang nomadikong pangkat


sa Asya na nakipaglaban sa
mga Kristyano upang bawiin
ang Jerusalem.

Sino ang mga Mongol? Ang Mongol ay mula sa


kasalukuyang Mongolia. Noong
1200 ay bumagsak ang Seljuk
Turk sa kamay ng mga Mongol.

Ano ang Ottoman Caliphate? Sila ang nagmana ng pamunuan


ng imperyong Muslim noong ika-
15 siglo hanggang 1918. Itinatag
ito ni Osman. Sila ang lumupig sa
Imperyong Byzantine at sinakop
ang Constantinople.

PAGLAGANAP NG ISLAM

GURO MAG-AARAL
Ano ang Jihad? Ang Jihad ay banal na digmaan
ng Islam.

Ano ang mga tungkulin ng


Palawigin ang Dar-al-Islam
o
bawat Muslim? House of Islam

Depensahan ang Dar-al-

Harb o House of War

3
ANG MGA AMBAG NG IMPERYONG MUSLIM SA KABIHASNAN

GURO MAG-AARAL
Anu-ano ang mga ambag ng mga Paggamit ng pataba sa mga pananim
Muslim sa kabihasnan pagdating sa
agrikultura?

Anu-ano ang mga ambag ng mga Damask - telang yari sa linen,


Muslim sa kabihasnan pagdating bulak o lana
sa industriya?

Anu-ano ang mga ambag ng mga Resibo, tseke, letters credit, traffic,
Muslim sa kabihasnan pagdating bazaar, tariff
sa kalakalan?

Anu-ano ang mga ambag ng mga Alum, borax, nitric acid, sulfuric
Muslim sa kabihasnan pagdating acid, soda, cream of tartar
sa chemistry?

Anu-ano ang mga ambag ng mga Ambag sa optics gamit


Muslim sa kabihasnan pagdating ang anatomy at geometry
sa pisika?

Anu-ano ang mga ambag ng mga Canon of medicine, pagkakaiba


Muslim sa kabihasnan pagdating ng measles at smallpox
sa medisina?

Anu-ano ang mga ambag ng mga Konsepto ng zero, algebra,


Muslim sa kabihasnan pagdating sa pagpayabong ng geometry
matematika? at trigonometry

Anu-ano ang mga ambag ng mga Astrolabe at compass


Muslim sa kabihasnan pagdating sa
astronomiya?

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
a. Paglalahat
Buuin ang mga sumusunod na grapiko.
CHRONOLOGICAL NARRATIVES THROUGH TIMELINE

SA

4
00 00 00

INCORPORATING INFOGRAPHICS

b. Paglalapat
SWOT ANALYSIS (STRENGTH, WEAKNESSES, OPPORTUNITIES AND THREATHS)
GURO MAG-AARAL
Bilang isang mag-aaral, paano ba Para sa akin, mapapahalagahan
dapat pahalagahan ang mga ambag ko ang ambag ng Muslim sa
ng imperyong Islam sa ating pamamagitan ng pagbahagi nito
kabihasnan? sa aking mga kaibigan upang
mapayabong pa ng husto ang mga
kaalamang ito.

IV. Pagtataya
MULTIPLE CHOICE
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ay tama ukol sa pagkakabuo
at pagkakatatag ng imperyong Islam?
a. Si Muhammad ay nakatanggap ng banal na pagbubunyag upang sya ay
maging sugo ng kaisa-isa at tunay na diyos na si Allah. (TAMANG SAGOT)
b. Nilikas ni Muhammad ang Medina at hindi na bumalik pa sa Mecca.
c. Itinanghal ni Muhammad ang Kaaba sa Mecca matapos pinakitaan sya ng
isang anghel.
d. Lumaganap at nabuo ang imperyo ng Islam dulot ng pananalig sa iisang
pananampalataya.

5
2. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ay unang naganap sa paglaganap ng
imperyong Islam?
a. Paglupig ng Imperyong Mongol.
b. Pagbagsak ng Seljuk Turk.
c. Pagtatag ng Ottoman Caliphate.
d. Pagtatag ng Abbasid Caliphate. (TAMANG SAGOT)

3. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod na pahayag ang


pinakamabuting gawin upang mapahalagahan ang ambag ng imperyong
Islam?
a. pagbigay respeto, pagtanaw ng kahalagahan at pagpapayabong pa nito ng
husto sa ating pang-araw-araw na buhay. (TAMANG SAGOT)
b. pagpalaganap nito sa pamamagitan ng Internet.
c. paggamit ng kanilang mga ambag sa ating pang-araw-araw na buhay.
d. pagtangkilik sa mga produktong Muslim.

FILL-IN THE BLANKS


Iguhit ang susunod na concept map at punan ng sagot ang mga patlang.

IMPERYONG ISLAM

_______________________4.ALLAH
DIYOS NA ISLAM

_______________________5.MUHAMMAD
NAGTATAG NG ISLAM

ABBASID CALIPHATE UMAYYAD CALIPHATE OTTOMAN CALIPHATE

V. Kasunduan
Magsaliksik tungkol sa iba pa mahahalagang katuruan ng Islam. Isulat ang
inyong mga nasaliksik sa isang bahagi ng papel.

NOTHING FOLLOWS NOTHING FOLLOWS NOTHING FOLLOWS NOTHING FOLLOWS NOTHING FOLLOWS NOTHING FOLLOWS

You might also like