Bugtong Quiz

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagsasanay 1 : Bugtong

Tukuyin ang tamang sagot sa mga sumusunod na bugtong.


1. Limang puno ng niyog, isay matayog.
2. Dalawa kong kahon, buksan walang ugong.
3. Nang hatakin ko ang baging, nagkagulo ang mga matsing.
4. Dalawang tindahan na sabay binubuksan.
5. Isang bayabas, pito ang butas.
6. Dalawang balon, hindi malingon.
7. Walang paa, walang pakpak, naipamamalita ang lahat.
8. Munting tiririt, may tumbaga sa puwit.
9. Maikling landasin, di maubos lakarin.
10. Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig.

Pagsasanay 2 : Palaisipan
1. Sino ang tatay ng tatay ng nanay mo? _____________________________
2. Kaano-ano mo ang biyenan ng asawa ng kapatid mo ? ___________________
3. Anong meron sa jeep, bus at tricycle na wala ang eroplano ? ____________________
4. Anong nilalang ng Diyos ang may karne sa tuktok? _________________
5. Anong meron sa aso na meron din ang pusa na wala sa ibon, ngunit meron sa manok
na dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa palaka? __________________
6. Paano tatawa ang dalaga na hindi makikita angkaniyang ngipin? ________________
7. May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian, pambihirang ganda. Bawal
tumingala upang siyay makita. Ano ang gagawin ng binatang sumisinta?
______________________________
8. Sina Mary, Matthew at Mark ay nakitang patay sa sahig, sa paligid nila puro bubog, tubig
at may bola. Paano sila namatay? _____________________________
9. May 12 buwan sa isang taon. Pito sa mga buwan ay may 31 araw, at apat na buwan
ang may 30 araw lang. Ilang buwan ang may 28 lang na araw? ______________
10. Anong nilalang ng Diyos na bukas ang mata kung matulog? _________________

You might also like