Professional Documents
Culture Documents
Biag Ni Lam
Biag Ni Lam
Sina Don Juan at Namongan ay taga-Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa
silang anak na lalaki. Itoy si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-ang, ang ama nito ay
pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban
nila. Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga
Ilokano noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahay nila
ngunit dahil nga wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni
Namongan. Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na Lam-ang
ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong
pa rin niya sa ina ang ama, kung saan naroron ito, na di pa niya nakikita simula pa sa
kanyang pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng ama. Makaraan ang siyam na
buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama kayat sinundan niya ito sa
kabundukan. May dala siyang ibat- ibang sandata at mga anting-anting na makapag-
bibigay-lakas sa kaniya at maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang pinaghandaan
niya ang lakad na ito. Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kayat
namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay
pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang s nabatid na sinapit ng ama
kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa
pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa ay kaniyang pinahirapan
lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang,
lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an
pagkamatay ng ama niya. Nang siyay magbalik sa Nalbuan, pinaliguan siya ng ilang
babaeng kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil itoy naging ugali na noon, na pagdating
ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, namatay ang mga
isda at iba pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama
ng amoy na nahugasan sa katawan nito. Sa kabutihan naman may isang dalagang balita
sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Itoy pinuntahan ng binatang si Lam-
ang upang ligawan, kasama ang kaniyang putting tandang at abuhing aso. Isang masugid
na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang,
kayat silay nag-away at ditoy muling nagwagi si Lam-ang. Napakaraming nanliligaw ang
nasa bakuran nina Ines kayat gumawa sila ng paraan upang sila ay makatawag ng
pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay
dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang iglap, tumindig uli ang bahay
na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siyay ipinatawag niyon.
Ang pag-ibig ni Lam-an kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang
ng dalaga na silay payag na maging manugang si Lam-ang kun itoy makapagbibigay ng
boteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga. Nang magbalik
si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila Ines ay ikinasal.
Dala nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang
masayang pagdiriwang ay sinimulan s Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan
nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila. Isa parin s kaugalian sa Kailukuhan,
na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakalilangang sumisid sa ilog upang humuli ng
rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat at mapatay
ng berkakan (isang uri ng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay
ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang
ay tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga
buto. Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya,
maluwalhati at matiwasay sa piling ng alagang putting tandang at abuhing aso.
AWITING BAYAN
Sa umagang pagkagising
Lahat ay iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.
Ang Karunungang Bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan nagigigng daan
upang maipahayag ang mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.
Ang Karunungang Bayan ay may kahalagahan sa pagbasa ng panitikan, maangkin ng
mga mag-aaral ang isang kamalayan para sa katutubong tradisyon na magiging gabay
sa pagbasa at pagpapahalaga sa panitik, sa anumang wika naisusulat ito, sa pananaw
ng isang Pilipino. sa gayo'y napatibay ang mga pagpapahalaga sa mga kultura't
kabihasnan. masasabi niyang mayroong siyang sariling tradisyon ng ibang pook sa
daigdig. makikintal din sa kanyang isipan na nararapat na pagyamanin ang
magagandang kinagisnan at higit na pagbutihain ang kasalukuyang hinaharap.
SALAWIKAIN
Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay o nagpapanuto ng
magagandang aral o gabay sa pamumuhay, sa asal, sa pakikipagkapwa. Ang layunin ng
salawikain ay ang pagsasabi ng katotohananh hindi mapasusubalian na naging bahagi
na ng ating tradisyong Pilipino na ang karamihan ay mula sa ibang bansa at ay iba namay
mula pa sa ating mga ninuno na nagpalipat-lipat sa mga labi ng mga salinhali.
BUGTONG
Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble
o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan
ang bugtong). Ang mga bugtong sa Panitikan ng mga pilipino ay pahulaan ng isang sagot
sa pamamagitan ng paghahambing ng bagay o ideya sa isang pangungusap o parirala.
Nakatago ang kahulugan ng pinahuhulaang bugtong ngunit ito ay masasagot sa
pamamagitan ng mga bagay na nakalaad mismo sa bugtong. Isa itong palaisipan na
susubukan ang iyong galing sa pagdiskubre ng pag kaka ugnay ugnay ng mga salita na
nilalamang ng isang bugtong
BULONG
SAWIKAIN
Ang sawikain ay kasabihan o' kawikaan na may dalang aral na maaaring tumukoy
sa isang idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal. Ang
sawikain ay tinatawag din na idioma. Ito'y salita o' grupo ng mga
salitang patalinghaga ang gamit at hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan. Ang
sawikain ay maari ring isang moto o mga parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng
isang grupo ng mga tao. Kadalasang malalim ang mga gamit na salita at pinapalitan ang
pangkaraniwang pagtawag sa isang bagay at ginagawang matatalinhagang pahayag.
KASABIHAN
Ang kasabihan ay pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan
kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling maintindihan. Nakagawian
na ng mga Pilipino na maghayag ng kanilang mga pilosopiya sa buhay, mga karanasan,
at mga bunga ng kanilang pagmamasid-masid, sa pamamagitan ng mga salawikaing may
tugma at mga kasabihan.
SUBMITTED BY:
JHARLES B. TACTACAN
SUBMITTED TO: