Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MODYUL 1: ANG PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON

Bakit itinuring na natural na institusyon ang pamilya?

Ayon kay Pieranglo Alejo (2004), ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa
pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at
romantikong pagmamahal. Ayon pa rin sa kanya, ang pamilya ay isang kongkretong pagpapahayag ng
positibong aspekto ng pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob, paggalang o
pagsunod.

PITONG MAHAHALAGANG DAHILAN:

1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung saan ang maayos na paraan ng
pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.
2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at
magsamang habangbuhay.
3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy
na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay.
4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the first and
irreplaceable school of social life).
6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.
7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya, at
paghubog ng pananampalataya.

Ang pamilya ay isang mabuting pangangailangan ng lipunan (necessary good for society); kayat kapag hindi
ito iginalang, mapanira ang epekto nito sa lipunan sa kabuuan.

Ang pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa: (conjugal love) ay nakapagbibigay buhay (dahil nakatakda
ito sa pagkakaroon ng anak), kaya patungo ito sa pagmamahal ng magulang (paternal love).

Ang ugnayang dugo ang likas na dahilan kung bakit itinuturing ang kapamilya bilang parang sarili (another
self), may dignidad at may karapatang mahalin dahil sa pagiging tao niya at hindi sa kung anong mayroon siya.
Hindi ito kumikilos batay sa prinsipyo ng paggamit lamang (principle of utility.)

Radical and Unconditional Love ang pagmamahal ng lubusan na walang hinihintay na kapalit.
MODYUL 2: ANG MISYON NG PAMILYA SA PAGBIBIGAY NG EDUKASYON, PAGGABAY SA PAGPAPASIYA, AT
PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA

Pagbibigay ng Edukasyon

Pangunahing dapat ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong paggamit ng kalayaan sa mga
material na bagay. Kailangang maturuan ang mga bata na mamuhay nang simple. Sa ganitong pagmumulat,
maisasapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya.
Maaaring isipin na simpleng turo ito ngunit ang turong ito ay magbubunga ng iba pang mga pagpapahalaga
tulad ng:

a. Pagtanggap dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang tao bilang siya at hindi siya susukatin batay
sa kung ano ang maari niyang maibigay.
b. Pagmamahal dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao na hindi tumingin sa kaniyang
kakayahan at katangian ay tanda ng malalim na pagmamahal at;
c. Katarungan Dahil nagbubunsod ito upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao.

Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya

Ang mga pagpapasiyang isasagawa ng bata hanggang sa kaniyang pagtanda ang siyang magdidikta kung
anong uri ng tao siya magiging sa hinaharap at sa kung anong landas ang kaniyang pinipiling tatahakin.

Mahalagang magabayan ang isang kabataan sa paggawa ng tamang pagpapasiya upang hindi siya masanay
na gumawa ng mga maling pasiya at hindi matuto sa mga ito.

Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa mabuting pagpapasiya ay bunga
ng karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga magulang sa kanilang mga anak mula noong sila ay bata
pa lamang. Ito ay bunga ng pagtitiwala at pagbibigay sa mga bata ng kalayaan na gumawa ng pagpapasiya na
ginagabayan ng mabuting pagpapasiya na ginagabayan ng maingat na paghuhusga.

Paghuhubog ng Pananampalataya

7 Habits of Highly Effective Families

1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya.


2. Ituon ang pansin sa pag-unawa.
3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe.
4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na making at matuto.
5. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga itinuturo tungkol sa
pananampalataya.
6. Iwasan ang pag-aalok ng suhol.
7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan.
MODYUL 3: ANG KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA

Ayon sa Banal na Papa Juan Paulo II, isa sa mga pangunahing tungkulin ng pamilya ang bumuo ng pamayanan. Hindi
possible ang makipagkapwa o bumuo ng pamayanan nang walang komunikasyon, pasalita man o di-pasalita.

Binanggit ni Leandro C. Villanueva (2003) ang mga sanhi, dahilan, o hadlang sa komunikasyon. Pati na rin kung
paano mapapabuti ang komunikasyon.

MGA HADLANG SA KOMUNIKASYON:

1. Pagiging umid o walang kibo.


2. Ang mali o magkaibang pananaw.
3. Pagkainis o ilag sa kausap.
4. Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin.

PAANO MAPAPABUTI ANG KOMUNIKASYON:

1. Pagiging mapanlikha o malikhain (creativity).


2. Pag-aalala at malasakit. ( care and concern)
3. Pagiging hayag o bukas (cooperativeness/openness).
4. Atin-atin (personal).
5. Lugod o ligaya.

Ayon kay Dr. Manuel Dy (2010), Sa pagwiwika sumasalipunan ang tao.

Ano nga ba ang komunikasyon?

Ang komunikasyon ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip at
pinahahalagahan, kabilang ditto ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa.

Paano mapatatatag ang komunikasyon sa pamilya?

Ang tunay na komunikasyon sa pagitan ng mga tao ay tinatawag ni Martin Buber na dialogo. Ang diyalogo ay
nagsisimula sa sining ng pakikinig. Ang dalawang tao ay dumudulog sa diyalogo nang may lubos na pagbubukas ng sarili
at tiwala sa isat isa.

Ano ang Diyalogo?

Ang pakikipagdiyalogo ay pagkumpirma sa pagkatao ng taong kadiyalogo. Kaya nga sa diyalogo nakahanda kang
tumayo sa tinatawag na narrow ridge o makipot na tuntungan. Ito ang tinatawag ni Buber na ugnayan I-thou.

Ang Diyalogo ay nararapat na sa pamilya nagsisimula at natututuhan.

Ano naman ang monologo?

Ang monologo ay ang komunikasyon na ginagawa upang makamit ang isang layuning pansarili o kung ang pakay ay
maririnig lamang at hindi ang makinig, hindi ito nasa isang diyalogo. Hindi titignan ang kapwa bilang tao kundi isang daan
upang makamit ang nais. Ito ang tinatawag na ugnayan I-it.

You might also like