Ang pagtuturo mo pala'y para sa aming kinabukasan,
Maghapong nakatayo at napapaos kakapangaral, Maubusan man ng tinta ang panulat ay patuloy pa ring lumalaban.
Sa bawat paglapat ng chalk sa blackboard ginabayan mo kami sa
pagguhit ng aming pangarap, Sa bawat pagkakamali ipinakita mo sa amin ang tuwid na landas, Sa bawat pagkapaos ng boses inihihimig mo ang musika ng pagmamahal Sa lahat ng ating pinagdaanan kailan ma'y di ka nagkulang.
Hindi ko alam kung paano ka masusuklian,
Kahit siguro gintong medalya ay hindi sasapat para sa iyong kadakilaan, Hindi ko madalas masambit kung gaano kita kamahal, Pero ramdam mo naman iyon kahit na sa pinakamaliit at simpleng paraan.