Reviewer in ESP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Reviewer in ESP

Modyul 5: Pakikipagkapwa
Kapwa- taong labas sa iyong sarili
3 Nilalang na may buhay
1. Tao- panlipunang nilalang o social being
2. Hayop
3. Halaman
Diyalogo- dalawang tao ang naghahayag ng damdamin at ang isa ay nakikinig
kapag ang isa ay nagsasalita; pinakamabisang paraan ng komunikasyon
Monologo- iisang tao lamang ang naghahayag ng damdamin dahil hindi
nakakahanap o nabibigyan ng oras ang isa kung siya ay magsasalita na
4 na Aspekto ng Pagkatao na Natutugunan at Nalilinang ng Pakikipagkapwa
1. Itelektwal- karagdagang kaalaman, kakayahan, pagpapaunlad ng kaalaman
- kakayahang mapaunlad ang kaalaman sa pagpaplano at
pagpapasya sa buhay
2. Pangkabuhayan- kaalaman at kakayahang matugunan ang mga
pangangailangan ng sarili at kapwa
- kakayahang magtipid at pahalagahan ang mga biyayang
ipinagkaloob
3. Politikal- kaalaman at kakayahang makibahagi sa pagbuo at [agtamo ng
makatao ang makatarungang lipunan
- kakayahang makiisa sa mga programa at proyekto upang matamo
ang mapayapang pamayanan
4. Panlipunan- pakikipag-ugnayan, pakikihalubilo, pakikipagkapwa, pakikisama
- kakayahang magtiwala sa sariling kakayahan at magkaroon ng
kaibigan

Modyul 6: Pakikipagkaibigan
Aristotle- ang tunay na kaibigan ay sumisibol sa pagmamahal ng mga tao
MWs Dictionary- ang pagkakaibigan ay nangangailangan ng pagkakaroon ng
ugnayan
Emerson- ang biyaya ng mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang makakamit sa
ngiti at saya
William James- ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap
3 Uri ng Pakikipagkaibigan
1. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
- napakababaw na uri ng pakikipagkaibigan, kulang ng kabutihan,
katarungan, pagmamahal at pagpapahalaga
- inilalaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng isang
tao rito
2. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
- nabubuo sa pamamagitan mo at ng isa o mahigit pang tao na masaya kang
kasama o kausap
3. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
- mas tumatagal at mas may kabuluhan
- nabubuo sa pagkagusto at paggalang sa isat isa

Modyul 7: Emosyon
Scheler (Dy, 2007)- ang damdamin ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao
4 na Uri ng Damdamin
1. Pandama (sensory feelings)- limang karamdamang pisikal o panlabas na pandama
2. Kalagayan ng damdamin (feelings state)- kasalukuyang nararamdaman
3. Sikkikong damdamin (physical feelings)- pagtugon ng tao sa mga bagay
4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings)- pagpapahalaga sa kabanalan: pag-asa
at pananampalataya
Mga pangunahing emosyon
pagmamahal (love) pagkamuhi (hatred)
paghahangad (desire) pag-iwas (aversion)
pagkatuwa (joy) pagdadalamhati (sorrow)
pag-asa (hope) kawalan ng pag-asa (despair)
pagiging matatag (courage) pagkatakot (fear)
pagkagalit (anger)
Sa pamamagitan ng emosyon:
a. nababatid ng tao ang nangyayari sa kanyang paligid at nabibigyan ito ng
katuturan ng kanyang isip
b. natutukoy ang higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli ang
damdamin
c. nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa
5 Pangunahing Elemento ng Emosyon
1. Pagkilala sa sariling emosyon- makakatulong sa pag-unawa sa sarili
2. Pamamahala sa sariling emosyon- madaling makabangon sa mga pagsubok
3. Motibasyon- kakayahang magtimpi/magpigil na gawin ang isang bagay na
hindi dapat
4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba- kakayahang makadama sa
damdamin at kakayahan ng iba
5. Pamamahala ng ugnayan- pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapanatili ng
magandang ugnayan

You might also like