Professional Documents
Culture Documents
Editor Yal
Editor Yal
TUDLING O KOLUM
Ang tudling o pitak ay isang palagiang lathalain sa pahayagan na nagtataglay ng palagiang pamagat at kadalasang
hindi nagbabago ng lugar sa pahina ng bawat isyu.
KURO-KURONG TUDLING
Ang kuro-kurong tudling ay isang pitak na naglalaman ng kuro-kuro;ideya, opinyon o paninindigan ng manunudling
sa isang paraang kawili-wili tungkol sa ibat ibang paksa. Sariling opinyon ito ng manunudling, di-tulad ng pangulong tudling
na opinyon o paninindigan ng buong patnugutan.
KATANGIAN NG KURO-KURONG TUDLING
1. Napapanahon
2. Tulad ng pangulong tudling itoy may balitang batayan.
3. Nasusulat ayon sa istilo ng pagsulat ng manunudling.
4. Karaniwang nanunuligsa; paminsan-minsan nagpapatawa, nagpapabatid, nagtuturo, nagpapaalaala at nanlilibang.
5. Maaaring itoy isang buong salaysay na may isang paksa lamang. Maaari ring binubuo ito ng ibat ibang paksa na walang
kaugnayan sa isat isa.
6. Maaaring patula o pasalaysay.