Banghay Aralin No 16

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at gamit ng wika sa
lipunang Pilipino

B. Pamantayan sa Pagganap
Nasusuri ang kalikasan,gamit,mga kaganapang pinagdadaanan at pinagdadaanan ng Wikang
Pambansa ng Pilipinas

C. KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa. (F11EP-IIij-35)
2.

II. NILALAMAN

PAKSA: KONSEPTONG PANGWIKA (BARAYTI NG WIKA)

III. KAGAMITAN

Mga kagamitan:Laptop,projector,power point presentation,,colored paper,pentel pen

Sanggunian: Daloy ng Wika ni Vivencio Talegon, pp. 138-144

III. PAMAMARAAN:

A. BALIK-ARAL SA NAKARAANG ARALIN


1. Panalangin
2. Pagbati
3. Balik Aral
Anu-ano ang mahahalgang kaisipang tungkol sa kakayahang diskoral ang
iyong natutuhan sa ating tinalakay kahapon? (2 minuto)

B. PAGHAHABI NG LAYUNIN
Ang guro ay magpapanood ng isang video na kinapapalooban ng ibat
ibang kultura na nauuso o tanyag sa kasalukuyang panahon?
Pagkatapos ipanood ipapangkat ng guro ang klase sa 10 grupo. Ang bawat
pangkat ay ilalahad ang mga bagong kultura na nakita o naoberbahan nila sa
pinanood na video at iuugnay nila ito sa kultura noong unang panahon?.(5
minuto)
C. PAG-UUGNAY NG HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN
Gamit ang Venn Diagram isusulat ng mga mag-aarala ang mga maganda at di
magandang dulot ng mga bagong kulturang Pilipino.

D. PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN


#1
Susuriin ng bawat pangkat ang ginawa ng isang pangkat. Dito dadaloy ang
aktibong talakayan.
(Ang mga bata ay mayron ng kaalaman kung paano magsulat ng isang
introduksyon sa pananaliksik dahil tinalaky na ito kahapon sa kanila)

E. PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN


#2
Ang bawat pangkat ay gagawa o mag-iisip ng tatlong pamagat ukol sa
penomenang kultural at panlipunang Pilipino at itoy ibabahagi sa klase maging sa
guro. Matapos ang paglalahad pagpapasyahan ng guro kung tama o akma ang
kanilang pamagat na ginawa. Pagkatapos pipili ang bawat pangkat ng
pinakamagandang ginawang pamagat na dumaan sa pagsusuri.

F. PAGLINANG SA KABIHASAAN TUNGO SA FORMATIVE ASSESSMENT


Ang bawat grupo ay ibubuod ang kanilang ginawa sa isang power point o
malinis na papel.

Narito ang dapat ibuod:

1. Maganda at di-magandang dulot ng penomenang kultural at panlipunan.


2. Mga suhestyonng pamagat:
a. Pamagat 1
b. Pamagat 2
c. Pamagat 3
3. Napiling pinakamagandang pamagat
PAMANTAYAN SA PAGBUO NG PAMAGAT
Nilalaman 30
Presentasyon/Paglalahad 20
Organisasyon ng mga salita/pangungusap 15
Kawastuhang pambalarila 15
Manuscript 20
Kabuuang puntos 100

G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY


Ang bawat pangkat ay magsusulat ng isang balangkas ng panimulang pananaliksik
sa kanilang napiling pamagat ukol sa penomenang kultural at panlipunang Pilipino.
H. PAGLALAHAT NG ARALIN
Sa kabuuan paano nakakatulong ang pananaliksik sa penomenong kultural at
palipunan sa bansa?

I. PAGTATAYA NG ARALIN
Bubuuin ng bawat pangkat ang ginawang balangkas at magsusulat ng pinal na
panimula.
Ang bawat ginawa ng pangkat ay ilalagay sa portfolio para sa pagmamarka.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG PANIMULA

KRAYTIRYA 5 PUNTOS 3 PUNTOS 1 PUNTOS


WIKA AT GRAMATIKA Nakabuo ng 10 Nakabuo ng 7 Nakabuo ng 5
pangungusap at pangungusap at di pangungusap at di
nagamit ng wasto ang masyadong nagamit nagamit ang mga
lahat ng bantas ang mga bantas bantas

NILALAMAN Ang lahat ng mga Iilan lamang ang mga Hindi naipakita ang
pangungusap ay binuo pangungusap na binuo sapat ng mga
ng mga kaalamang sa talakayan impormasyon sa bawat
tinalakay isang pangungusap
ORGANISASYON Ang sampung Pitong pangungusap Limang pangungusap
pangungusap ay lamang ang nailahad ng lamang ang nailahad ng
maayos na nailahad maayaos maayos ayon sa tamang
pagkasunod-sunod nito
KABUUANG PUNTOS 15 PUNTOS

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY-NILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80 % sa pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng remedition
C. Naktutulong baa ng remedial?
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang panturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan ng solusyon sa tulong ng aking punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ng aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like