Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Hawak kita sa mga kamay ko,

Di ko inasahang mangyayari ang ganito,


Ramdam ko ang kada galaw, ang iyong kada kibo,
Kita ko ang sugat ng nagdaan, na iyong natamo.

Sa maikling pagsasama, unti unting naliwanagan,


ang mga galos mo'y dala ng maling pagpapaagos sa kapalaran,
paghihirap mo'y batid, ngunit anong pa bang magagawa,
tulungan ka na lamang tumayo mula sa iyong pagkadapa.

Sa kada sugat mong ipakita, para sakin ay tinik,


sa kada sugat mong ipakita, hawak ko'y humihigpit,
sa kada sugat mong ipakita, tikom lang ang aking bibig,
sa kada sugat mong ipakita, gusto ko na lamang pumikit.

Sa pagsisimula ng ating kwento, lahat ng mali gusto kong mabago,


Lahat ng magdudulot ng sakit, gusto kong mailayo sayo,
Kung pwede nga lang na ako ng magpatakbo sa buhay mo,
Gagawin ko, mapabuti lang lagay mo,

Ako'y nabulag sa pananaw, nawalan ng tiwala sa iyong galaw,


nakikialam sa mga bagay na hindi ko na dapat saklaw,
bigla kong napansin ang higpit na pala ng hawak ko sayo,
mukang lahat nga ng sobra masama, kahit ang pagmamahal ng totoo.

You might also like