Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Istrukturang Problema-Solusyon

Introduksyon
Kasabay ng mabilis na pagpihit ng kamay ng orasan ay ang mabilis na pagbabago ng
panahonpanahong nagmulat sa karamihan sa makabagong mundo na ating ginagalawan.
Teknolohiya, isang maladaynamikong salita. Salitang nagpabago sa kasanayan, kaisipan, at
pamumuhay ng mga tao. Masasalamin natin sa kasalukuyan ang maigting na impluwensya
ng teknolohiya saan mang larangan; sa eskwela, trabaho, pamilihan, at saan mang panig ng
lipunan. Tila wala ka nang mapapansin na hindi nakagagamit ng teknolohiya. Isang
magandang halimbawa na lamang ang android phone.
Bakas sa kamalayan ng mga tao ang madalas na paggamit ng cellphone. Kung tutuusin,
marami kasi itong gamit, tulad na lang ng kung paano ka makikipag-ugnayan sa ibang tao na
malayo mula sa lugar na kung nasaan ka ngayon, at nakapagdudulot din ito ng kalibangan sa
iba. Ngunit, nagkakaroon na ng tila isang banta sa buhay ng karamihan ang sobrang paggamit
nito. Lahat ng sobra ay masama lalo na kung nilalamon na nito ang iyong sistema.

You might also like