Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa ibat ibang
lugar. Ngunit, bakit nga ba natin ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika? Ano-ano nga ba ang kahalagan nito? Unang-una, ipinagdiriwang natin ito upang mas mabigyan natin ng halaga ang sarili nating wika, ang Filipino. Ikalawa, ito ang nagpapaalala sa atin na napakaimportante sa isang bansa na magkaroon ng pambansang wika upang lubos na makilala ang yaman ng ating kultura, upang mapadali ang pagkakaisa at pagkakaintindihan ng bawat bansa para sa isang hangarin at upang hindi magkagulo ang bawat isa sa kanilang pakikipagkomunikasyon at talastasan. Kayat sa paggunita ng Integrated School of Montessori sa Buwan ng Wika na may temang, Wikang Filipino daan sa paghubog ng pagkataong kayumanggi ay nagtalaga ng ibat ibang aktibidad o palaro at kompetisyon, kaakibat nito ay naipakita ng Montessorians ang kanilang angking kakayahan at talento sa mga inihandang paligsahan ni G. Jessie T. Santiago, ang tagapamahala ng pagdiriwang. Mayroon ding pakikinig sa Rondalya na nagpapahayag ng kultura sa ibat ibang lugar. Nauna nang naganap ang Laro ng Lahi na kung saan kabilang dito ang mga Larong Pinoy na Tumbang Preso, Paway, Agawang Buko, Kadang-Kadang, Piko, Sipa at Karera ng Sako, nagkaroon din ng labing-isang grupong maglalaban laban na mayroong nakatakdang kulay ng damit sa bawat grupo, kitang kita sa kanilang mga ngiti na talagang ikinatuwa nila ang nasabing palaro. Ang Talumpating Handa ay tungkol sa Edukasyon Para Sa Kaunlaran na kung saan ang bawat kalahok ay may sariling estilo kung paano nila ito maipapahayag, dito ay nagwagi ng unang gantimpala si Anne Beatriz Bulan, ikalawang gantimpala ay si Ma. Sophia Grace Nolada at ikatlong gantimpala ay si Ayesha Santiago. Sa Talumpating Di-Handa ay naibigay ang temang Edukasyon at Teknolohiya dito ay ipinaliwanag ng mga kalahok ang mga epekto nito sa bawat estudyante at kung paano nga ba ito magagamit ng tama, nagwagi naman ng unang gantimpala si Alyanna Ysabel DeVera, ikalawang gantimpala ay si Jan Maureen Hinolan at sa ikatlong gantimpala naman ay si Johanna Patricia Gaitan. Nagkaroon din ng Paggawa ng Slogan na kung saan sila Gaena Tracy Cruz, Rica Yzabelle Dolores at Alexandria Nicole Caalim ang mga nagwagi, dito ipinamalas nila ang mga talento nila sa pagpinta at pag-isip ng diwa ukol sa binigay na temang Pagkamakabayan Tungo sa Kapayapaan Sa Paggawa ng Tula naman ay makikita na sila ay sadyang nagpunyagi upang magkaroon ng makabuluhang tula, nagwagi ng unang gantimpala si Nykha Oliveros, ikalawang gantimpala ay si Minette Ventura at ang ikatlong gantimpala naman ay iginawad kay Jonna Mae Santiago. Sa pagsulat naman ng sanaysay ay nagkaroon ang bawat kalahok ng kanilang sari-sariling tagong pangalan at may temang Pagmakabayan Tungo sa Kapayapaan dito ay ipinahayag nila ang kanilang mga kaalaman ukol sa pagiging makabayan sa pagsusulat, dito ay may nakalaan lamang na halos isang oras, pinarangalan si Alyanna Ysabel DeVera sa unang gantimpala, si Jan Maureen Hinolan sa ikalawang gantimpala at kay Ma. Sofia Ena Rosi naman ang ikatlong gantimpala. Sa pagtugtog ng Rondalya ng aming mga panauhin ay talagang mapapasabay ka sa tuwing tutugtugin nila ang makalumang tugtog, mararamdaman mo ang mga bagay tungkol sa inyong mga naging kasanayan at ang ganda ng bawat ritmo nito kayat tunay na maaliw ka. At sa huli, na kung saan dito inilaan ng bawat mag-aaral ang kanilang mga galling sa paggawa at pag-ensayo ng mga pagkilos at pagsisikap nila sa paggawa ng mga kasuotan at disenyo na makakatulong sa pagpapaganda ng pagsasagawa nila ukol sa mga temang binigay bawat baitang. Sunod sunod ang pagtatanghal batay sa kanilang mga baitang, at pagkatapos ng lahat ay inaantay ng bawat mag-aaral kung ano ang nagging resulta sa nasabing paligsahan. Nagwagi ng unang gantimpala ang ika-sampung baiting na may temang Sinulog Festival na tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Nio, ikalawang gantimpala ay ang ikawalong baiting na may temang Pahiyas Festival na isang makulay na pista at pinasasalamatan ang mga magsasaka dahil sa kanilang masaganang ani sa tulong kanilang patron na si San Isidro Labrador, ikatlong gantimpala naman ay ipinarangal sa ikapitong baiting na may temang Singkaban Festival ipinapakita rito ang mga katutubong sayaw at ang mga tradisyon sa musika at sa ika-apat na gantimpala ay ipinarangal sa ikasiyam na baiting na may temang Panagbenga Festival na kung saan pinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak. Naging matagumpay ang nagging pagdiriwang sa tulong ng bawat isa at lalong lalo na kay G. Jessie Santiago na kundi dahil sa tulong niya ay wala ang naging selebrasyon. Tunay na kapupulutan ng aral ng mga Montessorian ang mga pangyayaring naganap, na dapat nating isapuso at isaisip para na rin lamang sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Kayat sa ating buhay ay pahalagahan ang sariling wika dahil ito ang magiging daan upang maging matatag at magkaisa ang bansa, hindi rin uunlad ang ating bansa kung patuloy na lamang natin itong babalewalain at hindi na rin natin maasam ang pagbabago na ating gustong makamtan. Tayong mga Pilipino ay maging taas-noo at ipagmalaki ang Wikang Filipino na kung saan ang magiging sa ating mga hangarin at pagbabago sa lipunan.
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at
malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala. - Gat. Jose Rizal