Ang Istorya Sa Likod NG Pista NG Panagbenga Bilang Daan para Sa Pagkakakilanlan NG Kultura NG Mga Ibanag

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Istorya Sa Likod Ng Pista ng Panagbenga Bilang Daan Para sa

Pagkakakilanlan ng Kultura ng mga Ibanag


Panimula

Likas sa mga Filipino ang pagdiriwang ukol sa ibat-ibang kagaanapan sa kanilang


nayon upang ipakita ang kanilang pasasalamat sa mga bagay bagay, kagaya ng kapanaka
, magandang ani, at madami pang iba, at halimbawa ni nito ang Pista ng Panagbnga o
ang Pista ng mga Bulaklak ng Baguio (Ingles: Panagbnga Festival, Baguio Flower
Festival) na kung saan ay taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong
buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio
gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga
turista. Ang salitang panagbnga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon
ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye,
flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na
pagsabog ng mga paputok, at iba pa (Wikipedia, 2016).

Kasaysayan ng Pista ng Panagbenga

Noong taong 1995, ang abugadong si Damaso Bangaoet, Jr., ang dating Direktor
ng John Hay Management Corporation (JHMC) ay bumuo ng ideya na magtatag ng isang
kapistahan upang ipagmalaki ang masaganang bulaklak na matatagpuan sa Baguio.
Sumang-ayon naman si Victor A. Lim, Tagapamahala ng Bases Conversion Development
Authority (BCDA) at si Rogelio L. Singson. Itinatag ang proyektong ito upang tulungan
ang lungsod na maka-ahon muli sa pagkakalugmok noong 1990 Luzon earthquake.

Sa pagutulungan ng iba't-ibang organisasyon tulad ng John Hay Poro Point Development


Corporation (JPDC), dating JHMC at mga boluntaryo na mahilig sa bulaklak, nabuo ang
Baguio Flower Festival (BFF). Bahagi ng kapistahang ito ang pagbubunyi ng kasaysayan
at kultura ng Lungsod Baguio at ng Cordillera. Ang logo na puro sunflowers
ay masterpiece ng isang estudyante mula sa Baguio City National High School na
nagngangalang Trisha Tibagin na sumali sa Annual Camp John Hay Art Contest. Si
Macario Fronda naman na nagmula sa Saint Louis University ang nagsulat ng opisyal na
himno na kasabay ang tradisyonal na sayaw ng Ibaloi, ang Bendian dance.

Noong taong 1996, hinango ng flower festival ang Kankanaey na kung tawagin ay
Panagbenga. Ito ay may kahulugang panahon ng pagyabong, panahon ng
pamumulaklak na nilikha ni Ike Picpican, isang arkibista at kurado. Ipinagdiwang ang
unang linggo ng flower festival noong Pebrero 9-18, 1996 sa komendasyon ng Resolution
007-1996. Mula noon, ang kaspitahang ito ay naging pangunahing atraksyon ng Lungsod
Baguio na dinadayo ng libo-libong mga lokal at dayuhang turista upang matunghayan
ang magarbong mga floral floats at street-dancing parade.

Noong 2001, ang dating isang linggong selebrasyon ay naging isang buong buwan na
pista sa komendasyon ng Resolution 033-2001. Noong Hulyo 2002, nabuo ang Baguio
Flower Festival Foundation, Inc. (BFFFI). Noong umupo si Braulio Yaranon bilang
alkalde ng lungsod, itinatag niya ang Baguio Flower Festival Association (BFFA), at
mula noon ang dalawang organisasyon na ito ang punong namamahala na ng kapistahan
(Philippine Country, 2009).

Kahulugan sa likod ng Pista ng Panagbenga

Sinimulang ipagdiwang sa Baguio City ang Panagbenga" festival noong 1996. Pero
bago nito, ang unang dapat ipapangalan sa selebrasyon ay flower festival" na itinakdang
gawin sa buong buwan ng Pebrero. Taong 1995 limang taon makalipas mapinsala ang
Baguio sa napakalakas na lindol - nang imungkahi ni Atty. Damaso E. Bangaoet, Jr., na
magkaroon din ng aktibidad ang sikat na pasyalan tuwing kapistahan tulad ng ginagawa
ng ibang lalawigan.
At dahil kilala ang Baguio sa magagandang bulaklak, dito naisipan ni Atty
Bangaoet na magdaos ng Flower" festival. Subalit sa halip na itaon ito sa Setyembre na
buwan nang pagkakatatag ng lungsod, ginawa ang festival sa buong buwan ng Pebrero.
Ang finale ng kapistahan ay kinatatampukan ng magarbong parada ng mga bulaklak.
Dahil maituturing pang panahon ng tag-ulan ang Setyembre, inaasahang hindi magiging
matagumpay ang parada. Dahil dito, iminungkahi ni Atty Bangaoet na gawin ang
selebrasyon sa Pebrero kung saan tapos na panahon ng Kapaskuhan at pagsisimula naman
ng Holy Week o summer. Kasunod ng pagtatakda ng buwan, ang archivist at curator na si
Ike Picpican ang nagmungkahi noong 1996 na opisyal na gamitin ang titulong
'Panagbenga', na sa salitang Kankanaey ay "season of blossoming," o panahon ng
pamumulaklak ( Hemenez, 2010).

Ang Pagbabago sa Baguio bunga ng Pista ng Panagbenga

Napaka laking pagbabago ang naidulot ng pitang ito sa mga mamayan ng Baguio,
kilala ito sa pinaka malaki, pinaka kilala, at pinaka binibisitang pista sa bansang Pilipinas.
AABOT sa dalawang milyong turista ang aakyat sa Baguio City sa pag-arangkada ng
Panagbenga Festival. Kaninang umaga, pormal na binuksan ang taunang festival na
tampok ang mga naggagandahang bulaklak. Masugid na nag-abang ang mga turista sa
kahabaan ng Session Road na isa sa mga dinaanan ng parada.Kabilang sa mga lumahok
sa pagbubukas ng festival ang ilang opisyal ng Philippine Military Academy (PMA) na
kaagad nasundan ng street performance ng ilang kabataan.Hindi rin nagpahuli ang mga
Baguio Ethnic Dance Troupe na lumahok sa parada bukod pa sa mga delegado mula sa
Korea. Suot ang makukulay na costume, nagpakitang-gilas din sa street dance ang mga
mag-aaral mula Saint Louis University, Baguio City SPED Center, mga anime cosplayers
kasama ang ilang miyembro ng lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT).
Sunflower naman ang tema ng isa sa mga grupong nagpasiklab habang nag-perform din
ang isang grupong na mistulang paru-paro. Tiniyak naman ng Baguio Flower Festival
Foundation, Incorporated ang kalinisan at organisadong selebrasyon ng Panagbenga
Festival ngayong taon. Nasa 996 na pulis ang ikinalat sa lungsod at gagamit din ng drone
plane ang Baguio Police na kanilang gagamitin para subaybayan ang mataong lugar.
Tutulong din sa crowd control ang 2,000 volunteers habang nakaantabay ang limang
ambulansya sakaling may mangailangan ng atensyong medikal sa gitna ng parada.(Girlie,
2014).
Gayun din, ang pistang ito ay may napalaki ang ambag ng nasabing pista upang
ipamulat sa mga bagong henerasyin ng kabataan upang mag diskubre ang mga katutubo
sa kanilang lugar at ang mga kultura ng mga ito kagaya na lamang ng mga Ibaloi sa
Cordillera, na kung saan mas nakikita ng mga tao ang halaga ng bawat isa bilang silang
lahat ay iisang Pilipino.

You might also like