Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DAGAT

Ang Dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa isang karagatan, o ng isang malaking
lawang-alat na walang likas na lagusan gaya ng Dagat Caspian at Dagat Patay (Dead Sea). Ang Dagat ng
Galilee (Sea of Galilee) ay isang maliit na lawang-tabang na may likas na lagusan, ngunit ang katawagan
ay ginamit pa rin para dito. Sa kolokyal na gamit, singkahulugan ng katawagan ang karagatan. "DAGAT"
isang bahaging likido/fluido o agos sa ating daigdig na malawak na bahagi ng tubig na may alat o
asin.Tinatayang ikatlong bahagi ng daigdig ay karagatan kung saan duon nanahan ang napakaraming uri
ng hayop gaya ng mga isda,balyena o butanding,pawikan,page,pating at iba pa.Ang tubig dagat ay may
maraming uri ng mineral na siyang naging dahilan ng napakayamang bilang ng kaurian ng mga buhay na
nilalang dito.Sa katutubong salita ito ay "Atab" na pinagmulan naman ng salitang "taib" o high
tide.samantala ang low tide naman ay tinawag na "hibas" sa tagalog, bikol at bisaya.

KARAGATAN

Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at prinsipal na bahagi ng kalawakan ng tubig
o hidrospera. Tinatayang nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig (isang lawak ng mga 361 kilometro kwadrado)
ang natatakpan ng karagatan, isang patuloy na bahagi ng tubig na nakaugaliang hinahati sa ilang mga
pangunahing mga karagatan at maliliit na mga dagat. Ang World Oceans Day ay ipinagdiriwang taon-
taon tuwing Hunyo 8

ILOG

Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa, isang
bukal o pagtitipon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa pinagkukunan, dumadaloy pababa
ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang tumitigil sa mga karagatan. Ang mga ilog, dahil ito ay
nagbibigay ng inumin sa mga tao noong prehistoriko, ay itinuturing pinagmumulan ng mga kabihasnan.

LOOK

Ang look (Ingles: gulf, bay, harbor, sound, inlet) ay isang baiya na maaaring gamitin bilang kanlungan ng
sasakyang pandagat,katulad ng mga bapor, partikular na kung may malalakas na mga bagyo. Ito ang
tinatawag na "braso" ng isang dagat. Golpo ang tawag sa malalaking look. Kaugnay nito, tinaguriang
kalookan ang pinakapanloob at kurbadang rehiyon ng isang golpo. Isang halimbawa nito ang look ng
Maynila.
LAWA

Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan sa mga lawa sa daigdig ay tubig
tabang, at halos lahat ay matatagpuan sa Hilagang Hemispero. Tinatawag namang mga panloob na dagat
ang mga malalaking lawa.

BUKAL

Ang bukal ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato. Kadalasang matatagpuan ang
mga ito sa dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig ng mga bukal,
samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May mineral ang tubig dito kaya
nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.

KIPOT

Ang kipot o kakiputan ay Isang makitid na lagusan ng tubig sa pagitan ng dalawang mga pulo. Isang
halimbawa ang Kipot ng San Bernardino na matatagpuan sa pagitan ng kapuluan ng samar at sorsogon
(bikol).

TALON

Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng isang pook.
Nabubuo ang mga ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may matitigas na mga batuhan
patungo sa mas mabubuwag o mahihinang uri ng lupa, yelo o bato.

TANGWAY

Ang tangway o peninsula ay isang makitid at mahabang anyong lupa na nakaungos sa dagat o iba pang
bahaging tubig. Nagmula ang salitang peninsula sa dalawang salitang Latin na paene na
nangangahulugang halos at insula na ang ibig sabihin ay pulo.

SAPA

Ang sapa ay maliit na anyong tubig at kadalasang natutuyo kapag tag-init..

You might also like