Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Angkop na mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika

1. Ito ay ang paglilipat ng diwa ng isang teksto mula sa orihinal nitong wika tungo sa isa pang wika.

a. Pagdidikta c. Pagsusulat

b. Pagsasalin d. Pagsasalita

2. Sa pagsasalin ay kailangang isaalang-alang ang ilang________________ upang maging matagumpay ang isinasagawang
pagsasalin.

a) Babasahin c) Pamantayan

b) Diksyunaryo d) Paggagayahan

3. Sa pagsasalin ay mahalagang taglay ng isang tagasalin ang_______________ sa wikang pagsasalinan ng tekstong isasalin.

a. Kaisipan

b. Wika

c. Karanasan

d. Kabihasaan

4. Piliin kung aling pamantayan ng pagsasaling-wika ang maaaring gamitin sa sitwasyon:

Ang tulang "Mi Ultimo Adios" ni Jose Rizal ay isinalin bilang "My Ultimate Farewell" sa wikang Ingles at "Pahimakas" sa
wikang Filipino.

a) Kakayahang Pampanitikan

b) Kabihasaan sa Kultura at Konteksto ng Dalawa o Higit pang Wika

c) Kabihasaan sa Dalawa o Higit pang Wika

d) Sapat na Kaalaman sa Paksang Isasalin

5. Piliin kung aling pamantayan ng pagsasaling-wika ang maaaring gamitin sa sitwasyon:

Nag-aalala si Tilde dahil ipinapasalin sa kaniya ang isang akademikong dokumento tungkol sa quantum mechanics.

a. Kabihasaan sa Kultura at Konteksto ng Dalawa o Higit pang Wika

b. Kabihasaan sa Dalawa o Higit pang Wika

c. Sapat na Kaalaman sa Paksang Isasalin

d. Kabihasaan sa Istruktura at Gramatika ng Wika

6. Piliin kung aling pamantayan ng pagsasaling-wika ang maaaring gamitin sa sitwasyon:

Nagsasalita si Propesor Eagleton tungkol sa mga pelikula ng Britanya noong panahon ng New Wave movement sa pagitan
ng taong 1960s hanggang 1980s. Gumagamit siya ng mga salitang "post-modernist," "neo-classical," "Saussurean tradition,"
at iba pang mga ekspresyon na nagpasakit ng ulo ni Jolo.

a) Sapat na Kaalaman sa Paksang Isasalin

b) Kakayahang Pampanitikan

c) Kabihasaan sa Istruktura at Gramatika ng Wika

d) Kabihasaan sa Kultura at Konteksto ng Dalawa o Higit pang Wika

7. Piliin kung aling pamantayan ng pagsasaling-wika ang maaaring gamitin sa sitwasyon:

Ang kantang "Anak" ni Freddie Aguilar ay isinalin sa mahigit 26 na wika sa buong mundo.
a. Kabihasaan sa Istruktura at Gramatika ng Wika

b. Kakayahang Pampanitikan

c. Kabihasaan sa Kultura at Konteksto ng Dalawa o Higit pang Wika

d. Kabihasaan sa Dalawa o Higit pang Wika

8. Piliin kung aling pamantayan ng pagsasaling-wika ang maaaring gamitin sa sitwasyon:

Hirap si Abi na isalin ang salitang "bayanihan" sa wikang Ingles.

a) Kakayahang Pampanitikan

b) Kabihasaan sa Istruktura at Gramatika ng Wika

c) Kabihasaan sa Kultura at Konteksto ng Dalawa o Higit pang Wika

d) Kabihasaan sa Dalawa o Higit pang Wika

9. Piliin kung aling pamantayan ng pagsasaling-wika ang maaaring gamitin sa sitwasyon:

Hirap na hirap sa pagsasalin ng isang panitikang Mediteraneo si Arjen. Halos gusto na niyang sukuan ang kaniyang ginagawa
sapagkat hindi niya kilala ang mga diyosa at diyos na nabanggit sa akda.

a. Sapat na Kaalaman sa Paksang Isasalin

b. Kakayahang Pampanitikan

c. Kabihasaan sa Istruktura at Gramatika ng Wika

d. Kabihasaan sa Kultura at Konteksto ng Dalawa o Higit pang Wika

10. Piliin kung aling pamantayan ng pagsasaling-wika ang maaaring gamitin sa sitwasyon:

Nagpapatulong si Danna sa kaniyang nakatatandang kapatid na si Claire na isalin ang pahayag na "Lets paint the town red."

a) Kabihasaan sa Kultura at Konteksto ng Dalawa o Higit pang Wika

b) Sapat na Kaalaman sa Paksang Isasalin

c) Kabihasaan sa Dalawa o Higit pang Wika

d) Kabihasaan sa Istruktura at Gramatika ng Wika

You might also like