Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

TALAAN NG MGA

nILALAMAN

Panimula

Kasanayan sa Proseso

Gawain sa Araling
Panlipunan

Talahulugan

Pagsusulit
Panimula
Ang araling panlipunan ay isang katagang
naglalarawan sa isang malawak na mga pag-
aaral sa iba't ibang larangan na
kinakasangkutan ng nakaraan at kasalukuyang
pakikipag-ugnayan at kaugalian ng mga tao. Sa
halip na nakatuon sa lalim ng alin mang mga
paksa, nagbibigay ang araling panlipunan ng
isang malawak na buod ng kaugalian ng
sangkatauhan. Kinikilala ang araling
panlipunan bilang pangalan ng kurso na
tinuturo sa paaralang elementarya at mataas
na paaralan, ngunit maaaring tumukoy din ito
sa pag-aaral ng partikular na aspeto ng
lipunan ng tao sa ilankolehiyo sa buong
mundo.

Ang Araling Panlipunan ay pag-aaral ng mga


tao at grupo, komunidad at lipunan, kung
paano sila namuhay at namumuhay, ang kanilang
ugnayan at interaksyon sa kapaligiran at sa
isat isa, ang kanilang mga paniniwala at
kultura, upang makabuo ng pagkakakilanlan
bilang Pilipino, tao at miyembro ng lipunan
at mundo at maunawaan ang sariling lipunan at
ang daigidig, gamit ang mga kasanayan sa
pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuri at
malikhaing pag-iisip, matalinong pagpapasya,
likaskayang
paggamit ng pinagkukunang-yaman, at mabisang
komunikasyon. Layunin ng Araling Panlipunan
ang paghubog ng mamamayang mapanuri,
mapagmuni, responsable, produktibo,
makakalikasan, makabansa, at makatao, na may
pambansa at pandaigdigang pananaw at
pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa
nakaraan at kasalukuyan, tungo sa pagpanday
ng kinabukasan.
Kasanayan sa proseso
1. Pagsisiyasat
Natutukoy ang mga sanggunian o
pinagmulan ng impormasyon. Nakagagamit
ng mapa at atlas upang matukoy ang ibat
ibang lugar, lokasyon at ibang
impormasyong pangheograpiya. Nakagagamit
ng mga kasangkapang teknolohikal upang
makakita o makahanap ng mga sanggunian
ng impormasyon

2. Pagsusuri at interpretasyon ng datos


Nakababasa ng istatistikal na datos.
Nakagagamit ng pamamaraang istatistikal
o matematikal sa pagsuri ng
kwantitatibong impormasyon at ng datos
penomenong pangekonomiya. Nakababasa sa
mapanuring pamamaraan upang maunawaan
ang historikal na konteksto ng
sanggunian at ang motibo at pananaw ng
may-akda

3. Pagsusuri at interpretasyon
ngimpormasyon
Nakauunawa ng kahulugan, uri at
kahalagahan ng primaryang sanggunian at
ang kaibahan nito sa sekundaryang
sanggunian. Nakabubuo ng kamalayan sa
mga pagpapahalaga, gawi at kaugalian ng
panahon at nakikilala ang impormasyon
pagkakaiba at/o pagkakatulad ng mga iyon
sa kasalukuyan. Nakikilala ang
historikal na perspektibo ng awtor o
manlilikha. Natutukoy ang pagkakaiba ng
opinyon at fact. Nakatataya ng
impormasyon sa pamamagitan ng pagkilala
sa bias o punto de bista ng
awtor/manlilikha. Nakakukuha ng datos
mula sa ibat ibang primaryang
sanggunian. Nakahihinuha mula sa datos o
ebidensya. Nakapag-aayos at nakagagawa
ng buod ng impormasyonpangunahing
katotohanan at ideya sa sariling salita.
Nakauunawa ng ugnayang sanhi at epekto
(cause and effect). Nakapaghahambing ng
impormasyon mula sa mga magkaugnay na
sanggunian at nakikilala ang mga punto
ng pagkakasundo at di pagkakasundo.
Nakabubuo ng interpretasyon tungkol sa
magkaiba at posibleng magkasalungat na
paliwanag ng isang pangyayari.
Nakapagbibigay ng historikal na
kahalagahan sa mga tao, grupo,
pangyayari, proseso o kilusan at
institusyo. Napag-iisipan ang sariling
ideya o pagtingin tungkol sa pinag-
uusapan at mga natutuhan mula sa
sanggunian. Nakapaghahambing ng sariling
kaisipan sa kaisipan ng awtor/manlilikha
at naipaliliwanag kung saan at bakit
sumasang-ayon o hindi ang dalawang
kaisipanNakauunawa ng mobilidad at
migrasyon ng populasyon, ang
distribusyon nito, dahilan at epekto.
Nakauunawa ng papel at epekto ng
heograpiya sa pagbabagong panlipunan at
pangkalikasan. Nakagagamit ng
pamamaraang matematikal sa pag-unawa ng
mga batayang konsepto ng Ekonomiks at sa
pagsusuri ng kwantitatibong datos.
Nakabubuo ng konklusyon base sa
interpretasyon ng impormasyon.

4. Pagsasaliksik
Nakasasagot ng tanong base sa angkop at
sapat na ebidensya. Nakapag-aayos ang
resulta ng pagsasaliksik sa lohikal na
paraan. Nakagagamit ng teknolohikal na
instrumento sa pagsasaliksik, pagsusuri
ng datos, pagsulat ng sanaysay o papel,
at paghanda ng presentasyon ng
pananaliksik

5. Komunikasyon
Nakapag-uugnay ng sari-saring
impormasyon mula sa mga angkop na
sanggunian. Naipakikilala ang sipi mula
sa sanggunian at nagagamit ito nang
tama. Naipararating sa malinaw at maayos
na paraan ang sariling kaisipan tungkol
sa kaganapan o isyung pinag-aaralan
na pinatitibay ng nararapat na ebidensya
o datos. Nakabubuo ng maikli ngunit
malinaw na introduksyon at konklusyon
kapag nagpapaliwanag. Nakasusulat ng
sanaysay (na may habang 3-5 pahina sa
mataas na baitang) na nagpapaliwanag ng
isang pangyayari, isyu o penomeno, gamit
ang nararapat at sapat na impormasyon o
ebidensiya sa angkop na pamamaraan

6. Pagtupad sa pamantayang pang-etika


Nakauunawa ng karapatan at tungkulin bilang
mamamayan upang makalahok sa makabuluhang
paraan sa buhay ng pamayanan, bansa at
dagidig. Naigagalang at nabibigyang
kahalagahan ang pagkakaiba ng mga tao,
komunidad, kultura, at paniniwala, at ang
kanilang karapatang pantao. Nagiging
maingat sa sariling naisin, paniniwala,
punto de bista o posisyon. Nakapagpapakita
ng pantay na pakikitungo at paggalang sa
mga may ibang pag-iisip kahit hindi ito
sumasang-ayon sa sariling ideya, posisyon o
pagtingin. Natutukoy ang sangguniang
ginamit sa papel (reaksyon, maikling
sanaysay) bilang pagkilala sa karapatan sa
pag-aaring intelektuwal ng awtor/manlilikha
Talahulugan

Ahensya Sangay ng pribado at pampublikong


tanggapan/opisina

Altitud kataasan ng isang lugar

Arkipelago Tumutukoy sa pangkat ng mga pulo,


tinatawag din itong kapuluan

Batid Alam

Bukal Anyong tubig na nagmumula sa


ilalim ng lupa

Bulkan Mataas na bahaging lupa na may


bunganga sa tuktok

Bundok Mataas na bahagi ng anyong lupa;


pinakamataas na anyong lupa

Burol Mataas na lupa na mas mababa sa


bundok; pabilog ang itaas nito

Climate Change Hindi ppangkaraniwang pangyayari


sa kalikasan na maaaring
makapagpabago sa komposisyon ng
atmospera

Curfew Uri ng ordinansa na naglilimita


ng oras ng pamamalagi sa labas ng
lansangan

Dagat Bahagi ng karagatan

Dayuhan Banyaga/mga bagong dating sa


lugar o bayan; tawag sa mga tao
na hindi Pilipino o may ibang
nasyonalidad
Delegasyon Pangkat ng mga delegado upang
katawanin ang isang pangkat (na
pampulitika o panlipunan) sa
isang kapulungan o pagtitipon

Demographic Mapang pampopulasyon


Map

Department of Isang ahensiya o departamento ng


Environment pamahalaan na nangangasiwa at
And Natural nag-aalaga sa kapakanan ng
Resources kalikasan at mga likas yaman ng
bansa

Di-materyal Ang mga kaugalian , tradisyon,


na kultura panitikan, musika, sayaw,
paniniwala at relihiyon,
pamahalaan at hanapbuhay ay
sumasaklaw sa di-materyal na
kultura. Ang mga ito ay
nagpasalin-salin sa ibat ibang
panahon.

Diskriminasyon Pagtanggi, di parehong


pakikitungo

Dual Ang mga dating mamamayang


Citizenship Pilipino na nagging mamamayan ng
ibang bansa sa pamamagitan ng
naturalisasyon ay muling nagging
mamamayang Pilipino

Ehekutibo Tagapagpaganap, tagapangasiwa

Eksplorasyon Pagsisiyasat sa mga pook o lugar


na hindi pa alam, pagsasaliksik,
pagtuklas

Epekto nagging bunga at sanhi ng mga


pangyayari

Estero Bahagi ng bunganga ng ilog na


tagpuan ng agos at dagat, kanal
Expatriation Itinakwil ang kaniyang
pagkamamamayan at nag-angkin ng
pagkamamamayan ng ibang bansa

Global Warming Lubhang pag-init ng atmospera


dulot ng mga makabagong makinarya
na ginagamit sa mga pabrika na
nagbubuga ng mga usok na nagiging
dahilan ng pagkasira ng ozone
layer

Golpo Bahagi ng karagatan na karaniwang


nasa bukana ng dagat

Hanging Amihan Malamig na hanging buhat sa


hilagang-silangan

Hanging Habagat Hanging mainit buhat sa


timog-kanluran

Hanging Monsoon Paiba-ibang direksyon ng ihip


ng hangin batay sa kung saang
lokasyon mas mainit o malamig

Hazard Map Mapang nagpapakuta ng mga lugar


na may panganib sa kalamidad
tulad ng lindol, bagyo, baha,
tsunami, pagguho ng lupa

Illegal Logging Bawal at walang habas na


pagputol ng mga puno

Ilog Mahab at paliko-likong anyong


tubig na tumutuloy sa dagat

Impluwensya Pagtulad o paggaya sa mga bagay o


gawi ng mga dayuhan

Industriyalisasyon Pagbabago at pag-unlad ng


lugar at kapaligiran

Informal Settler Sinumang naninirihan sa isang


bahay o pook nang walang
pahintulot o hindi niya dapat
tirhan

Irigasyon Pagpapalabas ng tubig sa mga


lupaing taniman sa pamamagitan ng
mga ginawang kanal o patubig

Jus Sanguinis Pagkamamamayan na naayon sa dugo


o pagkamamamayan ng kanyang
magulang o isa man sa kanila

Jus Soli Pagkamamamayan na naayon sa lugar


ng kaniyang kapanganakan anuman
ang pagkamamamayan ng kaniyang
mga magulang

Kakayahan Taglay na abilidad o kagalingan


sa pamumuno

Kalakal Bagay na ibinibenta, ipinapalit


at iniluluwas sa loob at labas ng
bansa

Kalamidad Kapahamakan

Kapaligiran Kabuuan ng mga kondisyon na


pumapaligid at nakaiimpluwensya
sa isang organism

Kapatagan Malawak at patag na lupang


sakahan; malawak na lupain na
patag at mababa

Kapayapaan Pagpapanitili ng katahimikan at


kaayusan ng bansa

Karagatan Pinakamalalim, pinakamalawak, at


pinakamalaki sa lahat ng anyong
tubig

Karapatan Anumang bagay o mga paglilingkod


na tinatamasa dapat tamasahin ng
isang tao na naaayon sa batas;
mga kapakinabangan o pribilehiyo
na tinatamasa ng bawat kasapi

Karapatan ng Ito ang mga karapatang


nasasakdal nangangalaga sa nasasakdal sa
anumang kasalanan upang mabigyan
ang mga ito ng makatarungang
paglilitis

Karapatang Ito ay mga karapatang nauukol sa


political ugnayan ng mamamayan sa
pamahalaan

Karapatang Ito ay mga karapatang


Panlipunan at nakatutulong sa pangangalaga ng
Pangkabuhayan kapakanan at kanuhayan ng mga
mamamayan

Karapatang Mga karapatang nauukol sa


Sibil pagtamasa ng mga mamamayan sa
kapayapaan at kaligayahan sa
buhay

Kipot Makipot na anyong tubig na


nagdurugtong sa dalawang malaking
anyong tubig

Komentaryo Paglalahad ng kuru-kuro, puna o


opinion

Kooperatiba Samahang pangkalakal na itinatag


ng lima o higit pang kasapi na
ginagamitan ng puhunan ng bawat
kasapi at nagbabalik ng tubo sa
puhunan o pinamili

Kultura Paraan ng pamumuhay ng isang


pangkat ng mga tao sa isang
lugar; nagbibigay ng
pagkakakilanlan ng isang
mamamayan
Lambak Patag na lupa sa pagitan ng mga
bundok

Lawa Anyong tubig na halos


napapaligiran ng lupa

Libelo Paninirang-puri

Likas Kayang Pagtungo sa pangangailangan at


Pag-unlad aspirasyon ng mga tao nang hindi
kinukompormiso ang abilidad ng
susunod na henerasyon na makamit
ang kanilang pangangailangn

Likas na Karapatang ipinagkaloob ng Diyos


Karapatan sa tao upang makapamuhay nang
matiwasay at maligaya

Likas na Yaman Mga pananim, hayop, halaman at


iba pang pinagkukunang yaman ng
makikita sa mga anyong-lupa at
anyong-tubig

Lipunan Binubuo ng ibat ibang kasapi

Liriko Pagpapahayag ng damdamin at


emosyon

Lisensya Kapahintulutan o laya sa paggawa


ng anuman na nakukuha sa mga
awtoridad upang maisagawa ang
isang negosyo, propesyon o iba
pang gawain

Look Bahagi ng dagat na nakapasok sa


baybayin nito

Magsasaka Isang taong nagsasaka sa bukid o


bahagi ng anyong lupa

Makabuluhan May saysay


Mangingisda Isang taong nangingisda sa mga
bahagi ng anyong tubig

Mapagkawanggawa Matulungin sa kapwa/walang


pinipiling tutulungan

Maritime Insular; tumutukoy sa mga


katubigang nakapaligid sa isang
bansa

Masusi Matagl na pinag-iisipan ang mga


plano o mga Gawain

Materyal na Kinabibilingan ng mga bagay na


Kultura pisikal o nakikita tulad ng
pagkain, kasuotan, tirahan,
alahas, gusali at mga kasangkapan

Medical Mission Pangkat ng mga doctor, nars


at iba pang volunteer na sama-
samang naglunsad ng tulong
medical lalo sa mahihirap na
mamamayan

Minimithi Pinapangarap na maabot at


mapagtagumpayan

Modernisasyon Pagkamakabago

Mouse Deer Pilandok

Mungkahi Isang pag-aanyaya sa taong gusto


mong magkaroon ng isang mabuti at
tamang gawain

Nasasakdal Inirereklamo

Natatangi Naiiba, nabubukod o pambihira

Naturalisadong Mga dayuhan na naging mamamayang


Mamamayan Pilipino dahil sa proseso ng
naturalisasyon
Naturalisasyon Isang legal na paraan kung saan
ang isang dayuhan na nais maging
mamamayan ng isang bansa ay
sasailalim sa isang proseso sa
korte o hukuman

Negosyante Nagbebenta ng iba-ibang produkto


o serbisyo

Pacific Ring Lugar o bahagi ng Karagatang


of Fire Pasipiko kung saan nakalatag ang
mga aktibong bulkan; kilala rin
sa tawag na Circum-Pacific Belt

Pag-aangkat Pagbili ng produkto mula sa ibang


bansa

Philippine Ahensiya ng pamahalaan na


Atmospheric, nangangasiwa sa mga paparating na
Geophysical, bagyo at iba pang kondisyon o
Astronomical kalagayan ng panahon
and Scientific
Administration
(PAGASA)

Pagbaha at Epekto ng pagpuputol ng mga


Pagguho ng malalaking punongkahoy lalo sa
Lupa kabundukan

Pagkakaingin Paglilinis o paghahawan ng bahagi


ng gubat o bundok sa pamamagitan
ng pagsunog

Pagkakakilanlan Isang proseso ng pangyari at


pagbibigay-kahulugan na nagmumula
sa kagustuhang mapaiba

Pagkamamamayan Pagiging kasapi o miyembro ng


isang bansa ayon sa itinakda ng
batas

Pagpupuslit Lihim na pagpapasok o paglabas ng


mga produkto sa bansa
Pagsulong Pag-unlad

Pamanang Pook Mga antigong estruktura o


kagamitan

Pananagutan Dapar gawin ng isang sector o tao


para sa kaniyang sarili at para
sa kaniyang bayan

Pandaka Pygmaea Tabios; isa sa pinakamaliit


na isda sa buong mundo

Pangkat Etniko Grupo ng mga tao na may iisa at


sariling kultura ng tatak na
kanilang pagkakakilanlan

Payapa Tahimik

Philippine Agila na kulay tsokolate at abo;


Eagle matatagpuan sa Pilipinas

PHIVOLCS Ahensya ng pamahalaan na


namamahala sa mga pagkilos ng mga
bulkan sa bansa

Pigeon Luzon Kalapating may kulay pulang hugis


Heart puso sa may dibdib nito

Polusyon Pagdumi ng hangin, tubig, o


kapaligiran dahil sa maling
paggamit o pag-aabuso ng mga
likas na yaman

Populasyon Tumutukoy sa bilang ng mga taong


naninirahan sa isang tiyak na
lugar

Produkto Bagay na ipinhoprodyus o


nililikha ng kalikasan,
industriya o sining
Recycle Muling paggamit ng mga luma o
patapong bagay upang
mapakinabangan pa

Reduce Pagbawas ng mga basura sa paligid

Rehabilitasyon Pagbabagong-tatag, pagbabagong-


buhay

Responsibilidad Tungkuling nakaatang sa isang


tao o pangkat

Reuse Muling paggamit o pagkumpuni sa


mga patapong bagay na maaari pang
pakinabangan

Sagisag Nagbibigay ng kahulugan sa mga


natatangingmga pananda; simbolo

Saluag Island Pinakadulong pulo sa gawing timog


ng bansa

Sanitasyon Kalinisan; kalusugan

Sariling Produkto Mga bagay o kalakal na gawa


sa sariling bansa

Seguridad Proteksiyon

Simbolo Panandang nakikita sa pamamagitan


ng paglalarawan

Storm Surge Hindi pangkaraniwang pagtaas ng


tubig sa dagat o karagatan dulot
ng malakas na hanging dala ng
bagyo

Talampas Patag na lupa sa ibabaw o itaas


ng bundok

Talon Tubig na umaagos mula sa mataas


na lugar
Tarsier Mamag; matatagpuan sa Bohol

Teknikal May kinalaman sa tama o tiyak na


bahagi ng anumang sining o
siyensiya

Temperatura Nararanasang init o lamig sa


isang lugar

Tradisyon Kaugalian na naipapasa sa salit-


saling lahi

Tsanel Anyong tunig na nagdurugtong sa


dalawang malaking katawan ng
tubig

Tsunami Di pangkaraniwang pagtaas ng


tubig sa dagat sa normal nitong
lebel bunga ng paglindol

Tungkulin Mga Gawain o mga bagay na dapat


isagawa ng isang tao o mamamayan

Yami Island Pinakadulong pulo sag awing


hilaga ng bansa

You might also like